21

547 25 13
                                    

Walong oras na ang lumipas mula ng i-text ko si Diesel na umuwi ng maaga at hindi lasing upang makapag-usap kami. Ngunit sasapit nalang ang hating gabi't lahat ay wala pa rin siya, halos bumagsak na sa antok ang talukap ng aking mga mata pero hindi ko pa rin naririnig ang pagdating ng kanyang kotse. Inayos ko ang unan sa sofa, nahiga at pumikit ng tuluyan, tiyak na magigising naman ako oras na may magbukas ng pinto.

Naalimpungatan ako nang maramdamang may nagmamasid sa akin, mabilis na nagmulat ako ng mata at bumungad sa'kin ang medyo namumungay na mata ni Diesel.

"Why did you sleep here?" Tanong niya sa paos na boses bago tumayo at inilagay ang mga kamay sa bulsa. Umupo ako at inayos ang sarili, hindi ko naiwasang tingnan ang malaking relo sa dingding. Alas dos ng madaling araw.

"Bakit ngayon ka lang? Nag-text ako sayo'ng umuwi ka ng maaga para makapag-usap tayo." May bahagyang panunumbat ang aking tono na dahilan upang kumunot ng kaunti ang kanyang noo.

"Sorry, na-dead batt ang phone ko." Bahagya akong tumango at niyaya siyang magkape, nagpatiuna ako sa kusina para buhayinang percolator. Saktong nakapagsalin na ako sa mga tasa ng pumasok siya sa kusina habang nagpupunas ng bagong hilamos na mukha.

Tahimik kong inilagay ang umuusok na tasa ng kape sa kanyang harapan bago ako na-upo sa tapat niya, halos nakabibingi ang katahimikan sa pagitan namin. Makalipas ang ilang minutong paghigop sa kape ay binasag ni Diesel ang katahimikan.

"So... ah, anong pag-uusapan natin?"

"Alam kong... hindi madali ang sitwasyong pinasok natin Diesel," panimula ko.

"Lalong hindi madali ang nangyari sa lola mo." Tinitigan ko ang pagbabago ng kanyang ekspreyon, dagli iyong lumambot nang banggitin ko ang kanyang abuela.

"Unang-una, ang pagsisinungaling ko sa inyo. At uulitin ko ang paghingi ng paumanhin, sana... sana mapatawad mo na ako sa pagkakamali kong 'yon. Pangalawa ang kasal na 'to, ngayon ko lang lubusang naunawaan na mas lumaki ang kasalanan ko sa pamilya ko pati na rin sa pamilya mo, dinamay pa kita sa kalokohan ko."

"No Azra, huwag mong sisihin ang sarili mo dahil ako ang nag-suggest noon. But I'm not sorry for it, 'cause I know... Lola was really happy about it, we made her smile." Hindi ko na siya kinontra at nagpatuloy.

"Mahabang panahon kong itinago ang katotohanan sa pamilya ko, pati sayo inilihim ko rin ang isang bagay na dapat mong malaman. Pero sana maintindihan mo kung gaano ako natatakot sa katotohanang maari maging dahilan ng pagkawala sa akin ng pamilya ko. Katulad ng... ng nangyari sayo." Halos bulong nalang ang lumabas na huling salita sa bibig ko. "P-pero kailangan ko nang itama ang lahat, napapagod na rin akong itago ito kaya sa palagay ko panahon na para malaman nila ang totoo."

Umangat ang tingin niya mula sa kanyang kape patungo sa aking mukha, nabasa ko ang pag-aalinlangan doon.

"Are you sure? I thought we will wait for at least six months before we file for divorce then you'll go tell them the truth."

"Gusto ko sanang maghanda pa pero dito rin naman ang kahahantungan ng lahat. Sa huli, maghihiwalay pa rin tayo." Natahimik kami, maging ako ay nagulat sa aking nasabi habang siya ay halatang nagulat sa narinig.

"A-ang ibig kong sabihin, p-para Malaya ka nang makasama ang g-girlfriend mo. Ano kasi... kasi si Zen."

"What about him? Alam na ba niya?"

"Hindi... kahapon nanlibre 'yong isa naming empleyado sa isang bar. Pauwi na sana ako pero, nakita namin kayong nag... nagsasayaw."

"Y-you saw u-us?" Nanlaki ang kanyang mga mata at bahagyang namutla, hindi ko nalang iyon pinansin at tumango.

"Sobrang tulong na ang naibigay mo sa akin, hindi na kaya ng konsensya kong isipin pa ng iba na ikaw ang may kasalanan sa akin. Na niloloko mo ako pero sa katotoohana'y ako ang nanloko sa'yo. Nakita rin kayo ni Zen at sigurado akong hindi niya 'yon maitatago ng matagal kaya uunahan ko na siya."

"Hindi ko..."

"Bukas na bukas din babalik na kami sa bahay nila papa, siguro sa linggong ito magiging malaya na rin tayo. Maari ka nang makipagkita sa nobya mo nang walang nag-iisip ng masama sa inyo. Maraming salamat Diesel, salamat sa panahong ginugol mo kasama ako at si Ram." May tipid na ngiting wika ko.

"T-teka, paano si Ram? Can he take it? He might need me to explain it to him." Bakas ang pag-aalala sa mukha niya nangsabihin iyon, nakaramdam ako ng munting ligaya sa pinakita niyang reaksyon.

"Matalinong bata ang anak ko, magagalit siya pero alam kong mapapatawad niya ako. Gagawin ko ang lahat para hindi siya gaanong masaktan, isa pa malapit na rin ang loob niya kay Zen." Malumanay kong sagot.

"It's not that easy Azrael! Don't make it sound like it's not a big deal. Hindi madaling tanggapin na niloko natin siya, hindi madaling tanggapin na si Zen pala ang tunay niyang ama when all this time ako ang kinilala niyang tatay!" Bahagyang tumaas ang boses na litanya Diesel, kasabay noon ang narinig naming pagbagsak ng isang bagay. Parehong lumipad ang tingin namin sa may pinto, nasa tabi ng paa niya ang nalaglag na cellphone at naroon ang pinakahuling taong inaasahan naming makakarinig sa aming pag-uusap.

"What?" Bulong ng naiiyak kong anak, ni Ramiel.


=-=-=-=-=-=-=-

A/N: dapat kagabi pa 'to na-up kaso super bagal ng net :(

will update again later this week ;)

Rebel's Death Angel #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon