A/N: Salamat ulit sa paghihintay, wag kayong mag-alala. kahit natatagalan i promise di ako titigil magsulat hangga't di tapos ang story, kapit lang :)
"Ma'am, for you po. From sir Diesel." Salubong sa'kin ni Mika, inabot niya ang isang tangkay ng malaking carnation na may kasamang chocolates. Kinuha ko iyon at tumuloy na sa opisina ko. Napa-buntong-hininga ako habang isinasara ang pinto. Isang linggo na mula nang 'magpaligsahan' sina Zen at Diesel sa panliligaw sa akin, hindi lang isang beses sa isang araw kung makatanggap ako ng kung ano-ano mula sa kanila.
Ibinababa ko ang aking mga gamit sa ibabaw ng mesa, pati ang kahon ng tsokolate at rosas. Kumunot ang noo ko nang may maliit na bagay ang gumulong, kung hindi ko iyon nasalo ay pupulutin ko pa sana sa sahig. Pagbukas ng aking kamao upang tingnan ito ay natigilan ako.
Ang nasa kamay ko ay walang iba kundi ang wedding ring ni Diesel, lumakas ang kabog ng dibdib ko. Nanghihinang inabot ko ang bulaklak at binasa ang kalakip nitong card.
If one day you made up your mind and choose me, just put this back on my ring finger.
I will be waiting, have a great day wife. D
Hinagip ko ang aking sarili at inayos ang aking mesa, may isang oras na akong nagta-trabaho nang kumalam ang aking sikmura. Pipindutin ko na sana ang intercom nang bumukas ang pinto ng aking opisina. Agad nanuot sa ilong ko ang amoy ng kapeng barako, tuloy-tuloy na pumasok si Mika bitbit ang baso mula sa The Coffee Bean & Tea Leaf at isang paper bag.
"Ma'am, may delivery po for you." Sabay lapag ng mga dala niya sa mesa ko.
"I-follow up mo sa accounting yung hinihingi kong report. Kahapon ko pa 'yon ni-request."
"Okay po." Magalang nitong tugon at lumabas na ng kwarto.
Hindi ko na napigilan ang aking sarili na abutin ang baso ng kape at lumagok ng mabangong inumin, binasa ko ang nakadikit ditong sticky note.
Erin said hindi ka pa nag-breakfast. Sinipag akong magluto kanina, I hope you enjoy your breakfast. Don't work too hard, Zen.
Natukso akong silipin ang malutuan, muling kumalam ang sikmura ko ng sumilay sa akin ang tinapang bangus, malasadong itlog at sinangag. Sumuko na ako sinimulang lantakan ang pagkain, hindi ito ang unang beses na nakatikim ako ng luto ni Zen, sa mga espesyal na okasyon ay nagluluto siya sa bahay. Lalo na 'pag humihiling si Ram, pero nitong mga nakaraang araw ay napapadalas ang pagpapadala ni Zen ng luto niya.
Sa ngayon ay sa condo kasi siya nakatira, kahit tumutol si Ram ay pinaliwanagan nalang ito ng ama.
Lumipas ang isang araw nang hindi ko namamalayan, dahil sa dami ng inaasikaso kong papeles ay hindi ko napansin ang pagdaan ng oras.
"Hey, overtime na 'yan." Mula sa aking binabasa ay lumipad ang tingin ko sa nagsalita, patagilid na nakasandal sa hamba ng aking pinto si Diesel.
"It's already six, don't you have any plan of going home yet?"
"Tatapusin ko lang 'to at uuwi na ako."
"Can I give you a ride?" Lumakad siya palapit sa akin at na-upo sa silyang nasa harap ng aking lamesa.
"Hindi na kailangan Diesel, hinihintay ako ng company driver." Hindi kasi maaring bumiyahe ang kotse ko kaya hatid sundo ako sa araw na 'to.
"Sorry pero pinauwi ko na kasi siya, actually, I would like to ask you out for dinn-" Bigla siyang natahimik nang makita ang singsing na katabi pa rin ng bulaklak na aking isinantabi.
"S-sorry, nawala sa isip ko kanina sa dami ng trabaho." Kinuha ko ang singsing niya upang isama sa singsing ko na ginawa kong pendant. Nang mapansin niyang nahihirapan akong kalasin ang lock ay pumunta siya sa likod ko at siyang nagtanggal noon.
Tumaas ang mga balahibo ko nang lumapat ang kanyang daliri sa aking batok, hindi kami umiimik habang pinagsasama niya ang mga singsing at kinikwintas ito sa akin.
Lalo akong hindi nakakilos nang pagkatapos niyang isuot ang kwintas ay hinalikan niya ako sa buhok, matagal din siyang nakasubsob lang sa ulo ko.
"Take me back, please." Paos ang kanyang boses, bakas doon ang kanyang emosyon. Hindi ako nakapagsalita, hindi ako nakasagot. Para bang may nakaharang sa lalamunan ko.
Naka-hinga ako nang maluwag nang may kumatok, umayos ng tayo si Diesel at umalis sa likuran ko. Saglit pa't dumungaw ang mukha ng sekretarya ko.
"Ma'am pwede na po ba akong umuwi?"
"Ah, sige.. sige, mag-ingat ka." Tumango ito at tumalikod na, nagmamadali naman akong tumayo at sinimulang ligpitin ang aking mga gamit.
"Azra-"
"Huwag muna natin 'yang pag-usapan Diesel, ihatid mo nalang ako." Gumuhit ang lungkot sa mukha niya pero maya maya'y tumango na rin at tinungo ang pinto, sakto namang may kumatok ulit.
Kinuha ko na ang bag ko at naglakad palapit sa kanya, nauna siya doon kaya binuksan na niya ang pinto. Nagtaka ako nang marinig na tinawag niya ang isang 'di pamilyar na pangalan.
"T-tori?"
BINABASA MO ANG
Rebel's Death Angel #Wattys2015
RomanceMasaya ang buhay ng malambing na batang si Angelique, maalwang buhay, masaya at buong pamilya. Ngunit nagbiro ang kapalaran, isang araw nagising nalang siya bilang Azrael. Malayo sa dati niyang katauhan, naging matapang siya at palaban dahil na rin...