A/N: Sorry po sa late update, salamat sa paghintay :)
Nagmamadaling tinahak ni Deisel ang kwarto ng kanyang abuela, sumunod ako at naabutan namin silang lahat na nagkukumpulan sa may labas ng kwarto ng matanda. Hindi na ako sumingit pa dahil baka kailangan ni lola ng maluwag na espasyo, sa palagay ko ay tanging ang daddy ni Diesel na isang doktor, ang nakalapit kay lola. Hindi nagtagal ay nakita kong lumabas ng kwarto nina Gina si Ram na pupungas-pungas pa, agad ko siyang nilapitan at binuhat. Inutasan ko rin ang katulong na ipahanda na ang kotse habang kalmadong bumalik naman ako sa kwarto namin at kinuha ang susi sariling kotse ni Diesel.
Alam kong ano mang oras ay dadalhin na sa ospital ang matanda at hindi nga ako nagkamali nang makita namin si Diesel na buhat na ang walang malay na abuela habang malalaki ang mga hakbang.
"Mommy what's happening?" Takang tanong ng anak ko.
"Nak, kailangang dalhin si lola sa ospital. Halika na at baka kailangan nila tayo doon." Mabilis kong tinawag sina Gina at Rina kasama ang kanilang mga magulang na sumabay sa amin, walang pag-aatubiling sumunod naman sila.
Nagkusa ako dahil sa emosyon ng pamilya ay malabong makapagmaneho sila ng maayos, kitang kita sa mga mata nila ang takot at pag-aalala para sa kalusugan ng matriyarka ng angkan. Wala pang sampung minuto ay nakapasok na kami sa pinakamalapit na ospital, idineretso si lola sa emergency room habang kaming lahat ay nagdadasal at nag-aabang sa labas noon.
Lumipas ang isang oras na katahimikan ang bumabalot sa lahat, may panaka-nakang hikbi ang maririnig mula sa mga babae habang hindi maitatangi na parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mga lalaking tiim ang mga bagang, kuyom ang mga kamao at ang iba ay nakapikit pa ng mariin. Nag lumabas ang doktor ay humahangos na lumapit sa kanya ang lahat, umaasa ng positibong balita.
"Kamusta po si Mama?" Tanong ng tito ni Diesel, nag-iisa itong kapatid ng mommy niya.
"To be honest misis, unti-unting humihina ang resistensya ng pasyente. Nagkaroon ng komplikasyon dahil sa kanyang heart disease at kung ooperahan siya ay maliit ang chance na maging successful ito. Kanina ay nagkamalay siya pero mabilis ring nakatulog, sa ngayon ay pinapalipat ko na siya sa ICU. Sa kalagayan at edad niya ay hindi ko po maga-guarantee kung hanggang kailan tatagal ang katawan niya, ang tangi nalang po nating magagawa ay magdasal na malagpasan niya ito." Dahil sa narinig ay tuluyang napahagulgol ang mga kababaihan, hindi ko rin napigilan ang pagtakas ng luha sa aking mga mata.
"What if we bring her abroad Doc? Siguro naman mas advance ang technology nila at maooperahan doon si mama?" Tanong ng daddy ni Diesel habang inaalo ang asawang naiyak sa dibdib nito.
"Hindi ko kayo pipigilan kung 'yan ang gusto nyo but right now her body can't take a long flight, I suggest we observe kung mag-i-improve then I'll give a go signal if we can air lift her. While waiting for that ayusin nyo na ang mga papeles at eroplano kung saan natin sya maaring isakay." Napatango lang si tito at nagpaalam na ang doktor. Hindi naglipat saglit ay nakita namin ang mga nurse na tulak-tulak ang kama kung saan nakahiga si lola na may mga nakasaksak na aparato sa katawan.
Sinundan namin sila hanggang makapasok sa isang kwarto na may mahabang upuan at tumuloy sila sa ICU kung saan hindi na pinahayang makapasok ang sinuman sa pamilya. Nanghihinang napa-upo ang lahat habang tinatanaw sa likod ng salamin ang paglilipat kay lola sa kama doon at pag-aayos ng mga kable at kung ano-ano pa.
Mabilis na lumipas ang limang araw, narito ako sa bahay ng mga magulang ko at inihabilin muna si Ram sa kanila. Pasakay na sana ako sa kotse nang marinig ko ang pagtawag ni Zen, tumigil ako at nilingon siya.
"K-kamusta ang lola ni Diesel?" Usisa niya nang makalapit sa akin.
"Gan'on pa rin, minsan gising pero hindi nakakapagsalita. Sabi nang mga doktor, sobrang konti lang ng improvement mula nang dinala namin siya d'on." Kaswal kong sagot.
"W-what about Diesel? His family? How are they taking it?" Maingat niyang tanong.
"Nahihirapan pero nagpapakatatag, hindi madali pero hinahanda nila ang mga sarili sa ano mang pwedeng mangyari. Bukod sa akin, inaalalayan din naman sila ng ibang mga kapamilya." Napatango-tango siya at ilang ulit na hinagod ang kanyang buhok, lumipas ang ilang minuto at magpapaalam na sana ako nang bigla siyang magsalita.
"Ikaw? Kamusta ka naman? A-are you getting enough rest?" Napakurap-kurap ako bago napatitig sa kanya.
"I-i mean... you know. Mahirap nang pati ikaw magkasakit, baka mag-alala si Ram." Sabay iwas tingin niyang paliwanag.
"Ayos lang ako, hindi ko pinapabayaan ang sarili ko." Muli siyang tumingin at tumango.
"Mabuti kung gan'on, sige na at baka hinihintay ka na ni... Diesel. Ingat sa pagda-drive." Mabilis akong tumalikod at nagmaneho papunta ng ospital.
Nang makarating sa kwarto ay sakto namang paalis ang mga kapamilya nila, maghapon silang nagbantay kay lola at kami naman ni Diesel tuwing gabi. Napansin kong hindi man lang siya natinag sa pagkakatingin kay lola nang pumasok ako.
"Ah, dinalhan kit ang damit at pagkain." Tawag atensyon ko sa kanya habang nilalapag sa lamesa ang mga dala ko.
"Thank you." Sagot niya pero hindi pa rin siya lumilingon sa akin, napapabuntong-hiningang itinuloy ko nalang ang pag-aayos ng mga gamit.
"Ma'am, Sir tawag po kayo ni lola." Imporma sa amin ng nurse na laging nasa loob ng ICU, agad kong iniwan ang ginagawa at nag-alcohol, sinuot ko rin ang hospital gown at ganoon din ang ginawa ni Diesel.
"Lola, how are feeling? May masakit ba? Do you want us to call the doctor?" Nag-aalalang tanong ng apo pagkalapit namin sa kama, nanghihina namang umiling ang matanda. Kinuha niya ang kamay ni Diesel at marahang pinisil, pagkuwa'y inabot din niya ang kamay ko at ipinatong iyon sa kamay ng kanyang apo. May maliit na ngiting sumilay sa kanyang mga labi.
"Don't worry about us La, we're doing good. Kaya magpagaling ka na, hinihintay ka na ni Ram sa bahay." Kontrol ang emosyong wika ni Diesel, muling napangiti ang abuela. Kumibot-kibot ang kanyang labi at naramdaman ko ang mahinang paghigit niya sa'kin na waring pinapalapit ako kaya yumuko ako upang ilapit ang aking tenga sa kanyang bibig.
"W-wag i-iwan..." halos anas na niyang sabi, mabilis naman ako sumagot.
"Opo lola, pangako." Naintidihan ko ang nais niyang sabihin na huwag kong iiwan si Diesel at hangga't hindi sinasabi ni Diesel ay hindi naman talaga ako aalis sa tabi niya.
Muling ngumiti si lola at marahang ipinikit ang kanyang mga mata, nang palagay ko'y nakatulog na ulit siya ay niyaya ko nang lumabas si Diesel. Malapit na kami sa pinto nang biglang tumunog nang sunod-sunod ang aparatong nakasaksak kay lola.
"Code blue! ICU 27!" Narinig naming sigaw ng bantay na nurse sa intercom.
"Miss, miss! Anong nangyayari?!" Nahihintakutang tanong ni Diesel.
"Sir sa labas po muna kayo." Sagot nito at hindi nagtagal ay sunod-sunod na dumating ang mga doktor at nurse. Wala kaming nagawa nang pinalabas kami at sinarado nila ang mga kurtina upang wala kaming makita. Maya't maya rin ay may lumalabas at pumapasok na may mga dalang kung ano-anong aparato at makina.
Lalo kaming kinabahan nang magtagal ay wala pa ring balita, nagpapabalik-balik ng lakad si Diesel habang tahimik naman akong nagpipigil ng luha sa isang tabi.
"Fuck! Lola! Please Lola! No!" Naririnig kong paulit-ulit na usal ni Diesel habang may luha nang bumabagsak sa kanyang mga mata, hindi ko na natiis at nilapitan siya.
Mahigpit ko siyang niyakap habang walang ampat ang kanyang mga luha.
BINABASA MO ANG
Rebel's Death Angel #Wattys2015
RomansaMasaya ang buhay ng malambing na batang si Angelique, maalwang buhay, masaya at buong pamilya. Ngunit nagbiro ang kapalaran, isang araw nagising nalang siya bilang Azrael. Malayo sa dati niyang katauhan, naging matapang siya at palaban dahil na rin...