"H-hindi ko pa naman sigurado." Nakayukong sabi ni Tori.
"You should have told me." Matiim ang tingin ni Diesel sa kanya, huminga ito ng malalim at tsaka nag-paalam. Hila niya pa rin sa kamay ang dalaga ngunit kahit paano'y hindi na ito magaspang, mahinahon na kumbaga.
"There's something odd about them." Napalingon ako kay Zen, seryoso ang mukha nito at tila may nais sabihin.
"Anong ibig mong sabihin?" Usisa ko habang hinahablot niya ang aking bag.
"Let's go, sundan natin sila." Bigla niyang sabi at hinila ako palabas ng aking opisina, lakad takbo ang ginawa namin mahabol lang ang dalawa. Subalit hindi na namin sila inabutan dahil pare-parehong nang sarado ang mga elevator. Limang minuto pa ang hinintay namin makalulan lang pababa sa parking lot.
"T-teka, Zen! Bakit ba natin sila susundan?"
"Basta, sumunod ka nalang. Do you know where they're staying?" Tanong nito nang makasakay kami sa kotse niya.
"Baka sa bahay o sa condo ni Diesel." Nagtataka pa ring wika ko.
"Bakit ba kasi? Hayaan muna natin silang mag-usap, usapang pamilya na 'yon."
"I have this gut feeling pero mahirap nang magsalita ng walang... just trust me on this." Nagkibit-balikat nalang ako at nanahimik sa aking pwesto, una naming pinuntahan ang bahay.
Tanging mga kasambahay lang ang inabutan namin.
"Eh ma'am minsan laang dumalaw dine si sir, kahit po sahod nami'y pinapadala laang niya sa kanyang drayber. Eh napakalungkot nga ho ng bahay na ire mula nang lumisan kayo. Kailan ho ba kayo babalik ni Ram? Aba'y nami-mess na namin ang batang iyon." Tila nagsusumbong na wika ng mayordoma.
"Meron po kasi kaming inaayos sa ngayon, pero dapat dito sila ni Tori nanatili dahil delikado sa buntis ang mag-isa sa condo."
"Tori? Sinong Tori? Kunot-noong tanong ni manang." Unti-unti gumapang ang kaba sa dibdib ko.
"'Yong pinsan po nilang galing sa New Zealand. Mahigit isang linggo na po siya dito sa Pilipinas."
"Wala akong maalalang pinsan niya na Tori ang pangalan, baka ang ibig mong sabihin ay si Victorina. Aba'y nagpalit pala ng palayaw ng batang iyon. Mas gusto ko pa rin ang Rina para sa kanya." Nanlaki ang mga mata nito at bahagyang tumaas ang tono.
"T-teka! Buntis? Buntis si Rina? Diyos na mahabagin, eh napakabata pa ng dalagang iyon, hindi ba't labing-siyam na taon pa lamang siya?"
"Hindi, hindi po si Rina manang, baka hindi pa nakapunta dito si Tori kaya hindi nyo kilala. Paano ma-una na po kami. Mag-ingat po kayo lagi dito." Agad na naming nilisan ang bahay, habang nasa byahe papuntang condo ni Diesel ay hindi ako mapakali.
Halos mabingi ako sa papalakas na kabog ng dibdib ko, bahagya akong kumalma ng hawakan ni Zen ang kamay ko ay marahang pisilin habang deretso sa kalsada ang kanyang tingin.
"Zen... paano kung..."
"We have to make sure Azra... whatever happens, I'm here. Hindi kita iiwan." Tinibayan ko ang loob ko habang paakyat kami kung nasaan ang pinto ng unit ni Diesel.
Nang mapatapat kami sa pinto ay ma-ingat na pinihit ni Zen ang hawakan ng pinto pero naka-lock ito, hinalungkat ko ang aking bag at nakita ko ang susing hindi ko pa binabalik sa asawa ko.
Tila kami mga magnanakaw na dahan-dahan pumasok, hindi nagtagal ay nakarating kami sa sala. Doon pa lang ay dinig na ang malakas na pag-uusap nina Diesel at Tori. Lumapit kami sa kwartong bahagyang naka-awang ang pinto
"Bakit ka pa kasi sumunod dito! You should have stayed in New Zealand!"
"You know the answer D. My child needs a father."
"Oo nga pero sa ginawa mo nilagay mo pa sa alanganin ang bata... and you know it won't change a thing." Mataman lang kaming nakikinig ni Zen, 'di nagtagal ay narinig namin ang impit na iyak ng babae.
"A-and what do you want me to do? Hayaang lumaki ang anak ko ng walang a-ama? I have been there, alam mong single mother si mom. And it was not easy, growing up without a father will never be easy. At ayokong maranasan 'yon ng a-anak ko..."
"Ng anak natin!" Halos pasigaw na sabi ni Tori, kasabay noon ang pagyakap sa akin Zen.
Walang ingay akong napaluha, bumalik sa akin ang karma. Niloko rin ako ng asawa ko.
"But you know I love Azra, she's my wife." Mahinang sagot ni Diesel.
"Alam ko! Kaya nga kahit nasasaktan akong mag-panggap na pinsan mo, ginawa ko. Dahil sayo. At hindi ko rin naman ginustong mahalin ka, fate played on me when I fell in love with when you have amnesia. Pero kung talagang ayaw mo sa akin... I will understand. But... but don't deny my child the father he deserves. Wala siyang kasalanan sa mga nangyari sa atin."
Bumitiw ako kay Zen at pinunasan ang aking mga kuha, malakas kong itinulak ang pinto. Nanlaki ang mga mata nila nang makita kami ni Zen na nakatayo doon.
"Hindi niya pagkakaitan ng ama ang anak mo Tori." Buo ang tinig na sabi ko sa kalmadong boses.
A/N: #WalangMagvaValentines!!! ;P
BINABASA MO ANG
Rebel's Death Angel #Wattys2015
RomanceMasaya ang buhay ng malambing na batang si Angelique, maalwang buhay, masaya at buong pamilya. Ngunit nagbiro ang kapalaran, isang araw nagising nalang siya bilang Azrael. Malayo sa dati niyang katauhan, naging matapang siya at palaban dahil na rin...