19

609 26 17
                                    

A/N: Hello guys! Super sorry sa late update, after kasi ng bakasyon nagkasakit naman ako. I hope makabawi 'to kahit konti. Thanks sa paghintay, enjoy reading! :)

And available na po ang My Imperfectly Fake Prince sa National Bookstore, hope you can grab a copy. Thanks ^_^


Agad akong nagmulat ng mata nang marinig ang ingay ng kadarating lang na sasakyan, otomatikong lumipad ang tingin ko sa orasang nakasabit sa dingding. 2:42AM ang nakasaad doon.

Napapabuntong-hiningang muli kong ipinikit ang mga matang kanina ko pa pinipilit itulog, ngunit sawing palad na maya't mayang nadidilat mula nang mahiga ako kaninang a las diez ng gabi. Ito na ang ika-apat na gabing alanganing oras siya nauwi, bukod pa sa lagi siyang lango sa alak.

Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang paglundo ng kabilang parte ng kama, wala pang limang minuto ay narinig ko na ang mahinang paghilik niya. Bahagya pa akong nagulat nang mamulatan kong napakalapit ng kanyang mukha sa akin, tahimik at maingat akong bumangon. Napansin kong suot pa niya ang damit pang-opisina kaya naiiling na inalis ko ang kanyang sapatos at medyas, sinunod ko na rin ang kanyang coat at long-sleeve. Dahil alam kong naka-boxers ay dinamay ko na rin ang kanyang pantalon, hinihingal ako matapos ayusin ang kanyang pwesto para hindi siya mangalay paggising niya.

Nakaka-inis pero inuunawa ko nalang na gan'to ang paraan niya para maibsan ang kalungkutang dala ng pagkawala ng kanyang lola. Ang totoo ay ika-isang linggo na ngayon mula nang sumakabilang-buhay ito, dalawang gabi lang ang pinalipas at hinatid na namin siya sa kanyang huling hantungan ayon na rin sa kanyang kagustuhan. Kinabukasan naman ay lumipad na pabalik ng New Zealand ang pamilya ni Diesel kaya walang akong pagpipiliian kundi asikasuhin at bantayan ang lalaki.

Tumayo at tinungo ang banyo, kumuha ako ng maliit na batyang may tubig at face towel. Nakasayan ko na siyang punasan bago ako matulog dahil hindi ako palagay na may katabing umaalingasaw sa amoy ng alak.

"Umayos ka nga Diesel, kung nandito lang si lola siguradong napalo ka na n'on. Alam kong mahirap pero sana bumalik ka na sa dating masayahin at parating nakangiting Diesel. Please bumalik ka na." Bulong ko bago ako nahiga at hilahin ng antok.

--

"Good afternoon ma'am." Kunot-noong nag-angat ako nang tingin mula sa presentation na pinag-aaralan ko matapos marinig ang hindi pamilyar na boses. Isa ito sa mga tauhan ko at mukhang hihimatayin na sa kaba.

"Anong kailangan mo? Mika?" Baling ko sa aking sekretarya na nasa likod lang ng babae.

"Ah eh ma'am... birthday niya po kasi..."

"Tapos?" Baka mag-papaalam lang ito na uuwi ng maaga.

"G-gusto ko po sana kayong imbitahan m-ma'am, p-punta po kasi kami after office hours sa isang bar sa Eastwood where we reserved a room. Celebration na rin po ng p-promotion ko."

"Iniimbitahan mo ako?" Pagka-klaro ko pa, ito kasi ang unang beses na may nag-aya sa akin para sa kanilang kaarawan o ano pa man.

"Y-yes po, after all lahat po ng alam ko sa b-business na 'to... kayo ang nagturo sa amin." Mahina niyang sagot, hindi ko alam pero parang nakaramdam ako ng galak sa sinabi niya.

"Sige."

"P-po?" Bigla siyang napa-tunghay sa sagot.

"Sabi ko sasama ako, at bilang regalo ako na ang bahala sa bill d'on."

"T-talaga po ma'am?"

"Gusto mo yatang bawiin ko pa eh."

"Ah! No! Hindi po, actually natutuwa lang po ako kasi hindi ko inaasahang papayag kayong makasama kami."

"Ok, bumalik na kayo sa trabaho. 6PM sharp dapat ready na kayo, ipapahanda ko ang company van para hindi na kayo mag-commute."

"Wow! Maraming salamat po ma'am!" At animo ipo-ipo itong lumabas kasunod ni Mika, tinawagan ko naman ang driver para sunduin si Ram at ihatid sa bahay nina Mama kasabay ng bilin na ihatid ang mga tao ko sa naturang bar.

Pagsapit ng a las seis ay isang hindi inaasahang bisita ang dumating sa opisina ko.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi ka pa naman pinagre-report ah." Usisa ko kay Zen.

"May pinakuha lang na files si Papa, I bumped with Mika and she invited me in a party. Kasama ka raw?"

"Oo, minsan lang mangyari kaya pinagbigyan ko na." Balewalang sagot ko.

"You should do it more often, para hindi ka nas-stress at nagiging masungit. Hahaha!" Tinapunan ko ng masamang tingin ang natatawa pa ring lalaki.

"At ikaw? Hindi ka pwedeng sumama, bilin ng doktor mo na 'wag kang magpapagod." Bawing sita ko.

"Hindi naman ako magtatagal, I'll just greet the celebrant." Hindi ko na siya kinontra at magkakasunod ang aming mga sasakyan na tinahak ang daan patungo sa Eastwood.

Pagdating namin ay hindi pa gaanong marami ang tao, pero katulad ng inaasahan sobrang lakas ng tugtog at mausok dala ng mga nagsisigarilyo. Pasalamat naman ako at hindi mausok sa pwesto namin, para kasi itong nakabukod dahil sa salamin at nasa ikalawang palapag kung saan tanaw ang dance floor pero ang tugtog ay malinaw ring naririnig dito.

Makalipas ang isang oras ay may mga tama na ang bawat isa, kahit ako ay nakakaramdam na ng init na dala ng ininom kong alak. Hindi ako nakatanggi nang isigaw nila ang pangalan ko, palibhasa lumakas ang mga loob dahil sa alkohol.

"Ayoko na," sabi ko nang makaramdam ng konting hilo.

"Wooh! Ma'm! Ang hina nyo pala uminom eh!"

"Walang uwian 'to ma'm! It's a beautiful friday night!"

"T.G.I.F.!"

"Azra! Azra! Azra!" Muli nilang sigaw nang tumapat sa akin ang bote, pinapaikot kasi nila iyon para matukoy kung sino ang susunod na iinom ng brandy o tequila na ang sukat ay punong-punong shot glass. At sa malas ay sunod-sunod na ako ang tinapatan nito, nagdududa na tuloy ako kung may pandaraya silang ginagawa bilang ganti sa pagiging istrikto ko.

Nang hindi makatiis ay lumabas ako para makasagap nang hangin, kung hindi ko iyon gagawin ay baka maduwal na ako sa dami ng alkohol sa sistema ko. Halos sampung minuto kong kinalma at hinagip ang aking sarili. Pabalik na sana ako upang magpaalam sa kanila na mauuna nang umuwi nang may umagaw sa atensyon ko habang nasa kalagitnaan ako ng hagdan.

Siksikan sa dance floor, ang indak ng bawat tao ay maharot at magaslaw. Maraming pares ang magkapulupot at naghahalikan pero isang pares ang tumatak sa akin. Pareho silang may hawak na alak sa mga kamay. Nakasuot ng maiksi at hapit na itim na damit ang babae, kulang nalang ay lumuwa ang kanyang may kalakihang dibdib sa baba ng kanyang neckline. Ang malalaking hikaw na animo chandelier ay sumasabay sa bawat paggalaw nito, ang make-up naman ay sobrang kapal na tila aninaw mo kahit sa dilim.

Habang ang kapareha niya ay mahigpit ang kapit sa kanyang bewang, tumatawa ng malakas at halata mong lasing na. Noong una ay yakapan at kiskisan lang nang katawan ang nangyayari ngunit nang lumaon at panaka-naka na silang nagnanakaw ng mabibilis na halik... hanggang tila hindi na natiis ng babae at ito na ang humatak sa batok ng lalaki. Bagama't nagulat ay agad din naman itong nakabawi at gumanti ng maiinit na halik sa kapareha. Hindi nagtagal ay wala na silang ginawa kundi maglapat ang mga labi at magpalitan ng mga hininga.

Napakurap ako nang manlabo ang aking paningin, naiyak na pala ako sa nasaksihan. Hindi ko akalaing masasaktan pa rin ako dahil sa lalaking iyon, akala ko kahit papano nabubura ko siya sa puso ko, hindi ko akalaing mahal ko pa rin talaga ang lalaking iyon.

Ang lalaking pinakasalan ko, si Diesel na asawa ko.

Rebel's Death Angel #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon