A/N: Hellllllooooo! Shocks, antagal kong hindi naka-update kasi pina-reformat ko pa si laptop. but don't worry, back to regular UD na tayo. at least once a week, kaya sorry po kung nainip kayo.. heeehe, konti nalang tatapusin ko na 'to kaya kapit lang kayo!
Please state your reactions at kung nagustuhan nyo pa vote na rin, thanks! :)
PS: kaasar si watty, walang space.. grrr!
"You... you lied to me!" Galit na sigaw ni Ram bago ito nagtatakbo pabalik sa kwarto nito. Natulala ako, pakiramdam ko ay hindi ako makahinga, namalayan ko nalang ang pagtulo ng aking luha.
"L-let's go Azra, kailangan nating mag-explain sa kanya." Untag ni Diesel sa akin, agad kong pinunasan ang aking mukha atsaka tumango. Nauna na siyang maglakad paakyat sa kwarto ng bata, bagama't lalong lumalakas ang kaba ko ay pilit ko iyong nilalabanan.
"Ram, please listen to us..." panimula niya habang kalmadong kumakatok sa nakasaradong pinto.
"We're sorry, pakiusap anak huwag kang magalit sa'min ng mommy mo."
"I'm n-not your s-son! Sinungaling kayo!" Garalgal ang boses na sagot niya.
"Ram... patawarin mo kami, lalo na ako... hindi ko itinama ang akala ng d-daddy mo kaya sa akin ka nalang magalit, inisip ko kasi na... magiging masaya ka, pero tama naman ako anak 'di ba? Isa pa k-kahit naman h-hindi mo totoong ama si Diesel mananatili ka pa ring anak niya. Mahal ka niya, mahal ka namin."
"But why did you lie?! Why am I hurting?! A-ayaw tumigil ng luha ko!" Kasunod noon ang malakas niyang hagulgol, muling naglandas ang luha sa aking mga mata habang na-iling.
"I-I'm sorry anak, p-patawarin mo si mommy."
"Ram, anak kita kahit anong mangyari I'll always be your d-dad." Pumiyok na rin ang tono ni Diesel sa huling salita.
"When you said y-you're my dad... sobrang saya ko. Hindi na ako nai-ingit sa mga classmates ko at hindi na rin nila ako kinakantyawan kasi d-dumating na ang daddy ko. Pero hindi pala t-totoo, wala... wala pa rin akong tatay. You're not my father!"
Nakita ko ang paglatay ng lungkot sa mata ni Diesel, lalong bumigat ang dibdib ko. Hindi lang kaming mag-ina ang nasasaktan dahil sa pagkakamali ko, pati inosenteng tao dinamay ko sa gulong ako mismo ang gumawa.
"K-kukunin ko lang ang susi." Mabilis na paalam nito na animo pinagsakluban ng langit at lupa. Muli naman akong bumaling sa pinto at kumatok.
"Okay, naiintindihan kong galit ka sa amin... pero please buksan mo 'to. Nag-aalala kami anak, paki-usap huwag kang magkulong d'yan."
"Ayoko sa inyo! Leave me alone!"
"Ramiel, huwag namang ganto a-anak..." nabuhayan ako ng loob ng makita si Diesel dala ang bungkos ng susi. Mabilis niyang binuksan ang pintuang kung nakakapagsalita lang ay paniguradong nagrereklamo na dahil sa walang tigil naming katok.
At doon sa tabi ng kanyang kama, nakita namin ang naiyak na bata habang yapos ang kanyang mga tuhod at nakayuko. Parang pinipiga ang puso ko sa nasasaksihang kalagayan ng pinaka-importanteng tao sa buhay ko.
"A-anak..." "Ram..." sabay naming tawag ni Diesel.
"I hate you!" Mahina niyang pahayag pero para akong pinatay sa mga sandaling iyon.
Kinabukasan ay nagpahatid agad si Ram kina mama, hindi ko na siya pinigilan dahil alam kong kailangan niya ng oras. Habang nasa kotse ay nakiusap ako sa kanyang huwag magbabanggit ng kahit ano tungkol sa nangyari kagabi at nangako akong hindi magtatagal ay sasabihin ko rin sa kanila ang totoo. Hindi ako nakatanggap ng tugon ngunit alam kong nakinig siya sa akin, ang sakit lang na ni hindi ako magawang sulyapan ng sarili kong anak.
Imbis na magmukmok ay isinubsob ko ang atensyon ko sa trabaho, sa sobrang lulong ko ditto ay hindi ko napansing alas otso na pala ng gabi. Tinawagan ko si Diesel, hindi ko matiis na matulog ng is pang gabi nag alit sa akin si Ram. Baka kapag kinausap namin siya ngayon ay mapatawad niya na kaming dalawa. Pero hindi nasagot ang lalaki, ring lang ng ring ang cellphone nito, nang tumawag ako sa bahay ay wala rin daw ito doon.
Nagbakasakali ako sa condo niya, alam kong minsan ay tumutuloy siya doon. Kung inakala kong wala nang ilalala pa ang sakit na naramdaman ko dahil sa galit ni Ram ay nagkamali ako. Para akong sinaksak sa dibdib nang pagbukas ng elevator ay nakita ko ang aking asawa na may kahalikang babae sa tapat nang pinto, hindi nagtagal ay pumasok na ang mga taksil sa unit.
Kaya pala hindi mahagilap ang magaling na lalaki, abala sa babae niya. Pabalya kong binuksan ang pinto na nakaagaw sa atensyon nila, napa-ngisi ako sa reaksyon nila.
"Isang linggo Diesel. 'Yon nalang ang hinihiling kong palugit sa'yo hindi mo pa mahintay? Ipapaalala ko lang, asawa mo pa rin ako!"
"What?! You have a wife?" Gilalas na tanong nang babae, na sinagot lang ng kibit-balikat nang magaling kong mister. Matalim itong tiningnan ng babae at nagmamadaling kinuha ang kanyang bag para umalis.
"Hey!" Habol pa ng gunggong.
"Grabe, akala ko pa naman may malasakit ka sa anak ko. Ni wala pang bente quatrong oras nagpapakasawa ka na sa ibang babae? Hindi mo man lang naisip na may pinagdadaanan ang bata! Kahit konti, makonsensya ka naman!"
"Huwag mong ibato sakin ang kasalanan Azrael. 'Cause this is your entire fault!"
"Sinabi ko sayo! Kaya huwag kang magmalinis na para bang hindi ko ipinagtapat sa'yo ang totoo!"
"Because I believed he is really mine! Pinaniwala ko ang sarili kong baka nahihiya ka lang o natatakot kang magalit ako-but fuck! Given na hindi ako, sabi ko ayos lang... dahil imposible namang si Zen ang ama, and again, I was wrong! Napakarami namang lalaki diyan, why the hell did you hook up with your brother! I never thought na ang babaeng una kong minahal, kahit kapatid papatulan. Maybe time really change people, it's just unfortunate my first love turned out to be a slut."
Hindi ko napigilan ang palad kong dumapo sa kanyang pisngi, halos manginig ako sa galit.
"Gago ka pala eh! Wala kang alam! Sa lahat ng tao ikaw pa talaga ang nangunang manghusga sa akin! Mabuti nalang nakilala kita nang maaga, hindi ko na kailangang magtiis pa kasama ang katulad mong makitid ang utak. Ito ang tandaan mo, wala kang karapatang kwestiyonin ang desisyon ko noong mga panahong wala ka sa buhay ko. Kasalanan nga sigurong inilihim kong si Zen ang tatay ni Ram pero hindi ko 'yon pinagsisisihan. At kung ano man ang mangyari, haharapin at papanindigan ko ang nagawa ko."
Tiningnan ko s'ya nang matiim sa mga mata, hindi ako kumurap nang sinabi kong: "Dahil hindi ako duwag na kagaya mo." Iniwan ko siyang tigagal at hindi makakilos.
![](https://img.wattpad.com/cover/21946477-288-k340934.jpg)
BINABASA MO ANG
Rebel's Death Angel #Wattys2015
RomanceMasaya ang buhay ng malambing na batang si Angelique, maalwang buhay, masaya at buong pamilya. Ngunit nagbiro ang kapalaran, isang araw nagising nalang siya bilang Azrael. Malayo sa dati niyang katauhan, naging matapang siya at palaban dahil na rin...