"Lastly... I'm glad to inform you ma'am, that our sales for the past month have increased by five percent." Todo ngiti at may kasama pang palakpak na pahayag ng aming Operation Manager, pero agad siyang natigilan nang mapansing hindi naalis ang seryosong ekspreyon ng aking mukha.
Mataman lang akong nakatitig sa kanya at hindi nagsasalita.
"M-ma'am... ma'am Azra?" Nang hindi makakuha ng reaksyon sa akin ay unti-unti siyang naglakad palapit sa kinauupuan ko ngunit ang mga mata ko ay hindi pa rin napupuknat sa pwesto niya kanina.
"Are you alright ma'am?" Nagtataka niyang tanong sabay tapik sa braso ko.
"Imposible!" Gulat kong bulalas.
"Po? What do you mean by impossible? Nagawa na po natin, we already reached beyond our quota for last month." Kunot-noo at tila nawi-wirdohan nitong sagot. Nang matantong wala sa lugar ang naging sagot ko ay tumikhim ako at umayos ng upo.
"Ah, eh... ang ibig kong sabihin ay mabuti. N-natutuwa akong maganda ang report na maibibigay ko sa board bago matapos ang linggong ito." Tumango ito bagama't may pahabol pa ng nagtatakang tingin bago bumalik sa harapan ng conference room.
Kasalukuyan kaming nagsasagawa ng buwanang pagpupulong pero ang isip ko ay wala sa trabaho kundi nasa lalaking pilyong naka-ngiti sa bandang dulo ng mahabang mesa. Hindi pa rin lubusang pumapasok sa isipan kong umamin siyang may paghanga siya sa akin. Napa-buntong hininga ako at napa-iling, oras ng trabaho at ito ang dapat kong pagtuunan ng pansin ngayon.
"Bilang pasasalamat sa pagsusumikap nyo sa kanya-kanyang trabaho magpapa-deliver ako ng libreng tanghalian para sa buong team." Agad nagliwanag ang mga mukha nila at lumuwang ang mga ngiti.
"Yes! Salamat sa libre ma'am! Kahit ano pa 'yan siguradong masarap!" Biglang sabat ng isang empleyado.
"Dahil lahat ng libre ay masarap! Hahaha!" Napuno ng tawanan ang kani-kanina lang ay napakatahimik n kwarto.
Napatigil ang kasayahan nang pumasok ang sekretarya ni kuya na may bitbit na papel.
"Excuse me ma'am. Pinapabigay po ni president." Inabot niya sa'kin iyon na agad ko namang binasa, nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong lahat sila ay naghihintay ng balita.
"Bilang maagang panimula sa panahon ng pasko, sa susunod na Sabado ay magkakaroon ang kumpanya ng charity event. Hindi ito pilitan, kung gusto niyong sumama ay sabihin niyo nalang sa sekretarya ko. Mika, idikit mo itong memo sa bulletin board at tiyakin mong maibibigay ang mga pangalan ng sasali sa coordinator bago matapos ang oras ng trabaho sa Martes."
"Yes ma'am."
"Maari na kayong bumalik sa mga gawain nyo, dismissed." Tumayo ako at lumabas na ng pinto pero hindi pa kami nakakalayo nang makarinig kami ng kumosyon.
"Aayyy sir! Tulong! Si sir Zen!" Kinabahan ako nang marinig ang pangalan niya, mabibilis ang hakbang na bumalik ako sa silid.
"Anong nangyayari dito?" Biglang nahawi ang mga tao kaya madali kaming nakalapit kay Zen na tinutulungan nang ma-upo ng isang lalaking empleyado.
"Eh ma'am, pagtayo ni Sir bigla nalang siyang natumba. Akala ko nga po hinimatay na."
"Zen, anong nararamdaman mo?" Usisa ko sa lalaking nakapikit habang hinihilot ang sentido.
"I-it's nothing, nabigla lang siguro ako when I stood up kaya medyo nahilo ako."
"Medyo nahilo? Eh hindi ka nga makatayo sa sarili mong paa. Mika, ipakuha mo ang wheelchair at ipahanda ang sasakyan. Pupunta tayong ospital ngayon din." Natatarantang tumango ang kausap ko at nagkukumahog na lumakad.
"Really Azra, I'm fine."
"Huwag ka nang makulit Zenki. Dapat kang matingnan ng doctor." Hindi nagtagal ay dumating si Mika kasama ang company nurse na tulak-tulak ang wheelchair. Agad namin siyang dinala sa Medical Center.
"You never failed to attend your check-ups and tests, I think side effect lang ito ng mga iniinom mo pang gamot at hindi ka pa rin fully recovered kaya once in a while makakaramdam ka talaga ng panghihina. But to be sure at para mapalagay ang isip n'yong mag-asawa, we will conduct some. Tatawagan nalang kita regarding the results tomorrow para hindi na kayo magbala pang pumunta dito." Matapos gawin ang mga sinabi ng doctor ay umuwi na kami, naasar lang ako dahil hindi matanggal ang ngisi ni Zen na hindi ko alam kung anong dahilan.
"Hoy, anong ngini-ngiti-ngiti mo dyan?" Sita ko sa kanya nang umaadar na ang sasakyan pauwi. Tinapunan niya ako nang tingin subalit agad din siyang bumaling sa labas ng binta.
"I was just amused that the strict and prim Azra ay magpa-panick pala dahil sa akin."
Nanlaki ang mga mata ko at naramdaman ko ang pamumula ng aking mukha, pilit ko iyong tinago sa pagtataray at pag-irap.
"Natural! Ako ang mananagot kay Mama 'pag may nangyaring masama sa'yo! Tsaka ayoko lang mawalan ng tatay si Ram!" Naasar ako lalo nang batuhin niya ako ng nanunuksong tingin na may kasama pang taas ng kilay at ngisi.
A/N: next UD na ang start ng most awaited moment ;)
BINABASA MO ANG
Rebel's Death Angel #Wattys2015
RomanceMasaya ang buhay ng malambing na batang si Angelique, maalwang buhay, masaya at buong pamilya. Ngunit nagbiro ang kapalaran, isang araw nagising nalang siya bilang Azrael. Malayo sa dati niyang katauhan, naging matapang siya at palaban dahil na rin...