Galing na kami ng ospital, at sa loob ng ilang oras kaming magkasama ay halos hindi kami nag-iimikan. Kasalukuyan siyang nagmamaneho at diretso lang sa daan ang kanyang tingin.
"I think it's best if you'll sleep at our house for tonight since nand'on na rin naman si Ram." Tumango ako at hindi na muling nagsalita, inabala ko ang aking sarili sa panonood n gaming nadaraanan.
"H-hindi ka ba galit?" Bigla kong bulalas pagkalipas ng mahabang oras ng katahimikan.
"A-are you serious Azra? Papa'anong-"
"Sa Maldives, 'yung babaeng may mahaba at blonde ang buhok." Kumunot ang kanyang noon, natahimik at nag-isip. Dahan-dahan niyang inihimpil ang kotse sa gilid ng kalsada, malapit na kami sa bahay pero mas mabuting mapag-usapan na namin lahat bago matapos ang mahabang araw na ito.
"Naalala ko na! But what? I-ikaw 'yon? Impossible... ang layo n'yo! The way you dress, you speak, your smile-though never pa kitang nakitang ngumiti-most especially the way you act. She's... feminine, jolly, liberated, fragile, sexy... hindi katulad mo, I mean, no offense pero ang layo kasi talaga. You know, strict ka, professional, matapang and, well, a very loving mom. And, and her eyes! Tama! It was hazel, light brown while black diamond naman ang sa'yo. Right?" para makasiguro ay binuhay niya ang ilaw sa loob ng kotse at hinawakan ang baba ko habang sinisipat-sipat ang mga mata ko.
"See! Black ang sa'yo. But I must admit may pagkakahawig kayo." Malumanay kong pinalis ang kanyang kamay at mataman siyang tinitigan.
"Ako 'yon Zen. I'm sorry pero nilapitan kita para makakuha ng detalye tungkol sa kakambal mo. Alam kong mali pero nagawa ko na, hindi kasama sa plano si Ram pero hindi ako nagsisisi dahil mahal ko ang anak ko. Sa lahat ng pagkakamali ko, siya lang ang tama at nakakapagpasaya sa akin. Patawarin mo ako kung h-hindi ko sinabi sa'yo, hindi ko alam kung paano. Naisip kong mas matatahimik tayo kung hindi niyo alam kaya itinago ko, pero tama sila, walang lihim na hindi nabubunyag." Natulala siya at pagdaka'y napahawak sa kanyang batok habang nakayuko.
"M-may a-anak na ako? And it's R-ram? My God, I can't b-believe this."
"Alam kong mahirap paniwalaan pero 'yon ang totoo. Pero s-sana tanggapin mo si R-ram, Zen. Natuklasan niya na rin ang totoo at nahihirapan siya... lalo na't nawawalan ng oras sa kanya si Diesel." Malungkot kong hiling.
"That's the worst thing you did Azra. Bakit mo ipinaako sa iba ang anak ko?! He is mine! My son! Sana na-isip mong ipakilala ako sa kanya bago kanino man!" May bahid ng galit siyang tumunghay at matalim akong tiningnan, may nagbabadya ring luha sa gilid ng kanyang mga mata.
"Pinagsisisihan ko na 'yon Zen, sa totoo lang nakarma na nga ako. Galit sa'kin ang asawa't anak ko, baka hindi matapos ang buwan na 'to diborsyada na ako pero ayos lang. Siguro 'yon ang kabayaran sa kasalanan ko."
"What are you talking about?"
"Noong una, sabi ni Diesel hindi niya alintana kahit hindi sa kanya si Ram, tatanggapin niya ito at ituturing na anak. Pero... nagalit siya nang malamang ikaw ang tatay ng anak ko. Iniisip niyang marumi akong babae dahil pumatol ako sa kapatid ko."
"But we are not blood related!"
"Oo, pero hindi niya maintidihan 'yon. Para sa kanya, ang kapatid ay kapatid, sa dugo man o hindi. Pinatindi pa 'yon ng pagsisinungaling ko sa inyo sa loob ng mahabang panahon." Napa-buntong hininga ako at naluha na naman nang maalala ang huli naming pag-uusap ng asawa ko.
"Ang tanga tanga ko kasi itinago ko pa 'yon sa inyo, kung sana inamin ko simula pa lang... baka mas matiwasay siguro ang buhay natin. Ang sama ko kasi, napakamakasarili ko! Dahil sa kagagawan ko lumayo sila pareho sa'kin, may iba na ring gusto si Diesel. Ang sama sama ko kasi!" Hindi ko na naman napigilan ang galit at paulit-ulit na pinalo ang aking dibdib, baka sakaling mabawasan ang sakit niyon.
"Enough Azra!" Hinuli niya ang mga kamay ko at pinigilan, nagulat ako nang bigla niya akong yakapin at aluin.
"Everything will be okay, gusto kong magalit sa'yo pero somehow naiintidihan kita. And I don't want to add up to your burden, masyado ka nang nasasaktan. Huwag kang mag-alala, I'll help you with them, iapapaliwanag natin kay Ram at susuntukin ko si Diesel para matauhan siya." Lalo akong napa-iyak sa sinabi niya. Bakit masyado siyang mabait sa akin? Dapat galit din siya at hindi ako dinadamayan. Sinubsob ko ang mukha ko sa balikat niya, hindi ko mapigilang makaramdam ng kapayapaan doon.
"Hindi ka dapat maging mabait sa'kin Zen, masama akong tao."
"That's not true, kung hindi dahil sa inyo Ram, baka patay na ako. You are the anonymous donor, right? Tinulungan mo ako kahit walang nakakaalam, I owe my second life to you and Ram. Kaya 'wag mong sasabihing masamang tao ka, dahil hindi 'yon totoo." Lalo akong napaluha sa sinabi niya.
"Ma, Pa... patawarin niyo ako kung nag-sinungaling ako sa inyong lahat." Panimula ko nang makumpleto kami sa study room kinaumagahan. Sina papa, mama, Erin at ako ay naka-upo sa mahabang sofa habang nakatayo sa likod naming sina kuya at Zen. Malakas ang kabog ng dibdib ko.
"Anong sinasabi mo Azra?" Usisa ni mama.
"Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa, hindi po totoong si Diesel ang tatay ni Ram."
"Oh my God!" Gulat na bulalas ni Erin at inilagay ang kanyang mga kamay sa tapat ng kanyang bibig. Pero ang iba ay hindi kababakasan ng gulat, sa halip ay kaseryosohan ang nakalarawan doon.
"Inamin mo rin anak." Gulat akong napabaling kay mama na kalapit ko lang, hinawakan niya ang dalawang kamay ko na para bang binibigyan ako ng lakas.
"A-alam nyo?" Hindi humihingang tanong ko.
"Sa tingin mo ba matatahimik kami nang hindi inaalam kung sino ang ama ng apo namin? Bago mo pa ipanganak si Ram, natuklasan na namin kung sino siya." Matigas na sagot ni Papa, rinig ko ang pagkadismaya sa tono nya.
"P-paano nyo-?" Gulat pa ring tanong ko, parang lumaki ang ulo ko sa sinabi nila.
"Pinaimbestigahan namin anak, we wanted to know kung sino ang dapat managot sayo. Pero naduwag kaming komprontahin ka at ipaalam sa tunay na ama ni Ram ang totoo dahil lalong magkakagulo. Kaya hinintay naming ikaw mismo ang umamin."
"Inutusan nila ako, sorry din sa paglilihim naming sa inyo sis." Singit ni kuya.
"At sa totoo lang anak, dapat mo nang aminin sa kanya na siya ang tatay ni Ram. Para sa ikabubuti ng lahat anak." Malumanay na payo ni mama.
"S-sinabi ko na po sa kanya kagabi."
"That's good." Komento ni papa at nginitian naman ako ni mama.
"Unbelievable, so sis... sino ba talaga ang tatay ni Ramiel?" Masigla pang tanong Erin.
"S-si..." tumingin ako kay Zen, seryoso ang kanyang mukha pero tumango siya bilang pagtugon sa hindi maisatinig kong tanong.
"Si Zen." Napayuko kong sagot.
"WHAT!? Oh my geee! Ibig sabihin, nephew ko talaga si Ram! This is sooo great! Thank you Azra! Ang saya! May anak na si Zen, hihihi!" At sinugod niya ako ng mahigpit na yakap.
Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya, sa pagkatuklas kong alam naman pala ng mga magulang ko ang sikreto ko. Kahit paano ay sumaya ako dahil hindi na nadagdagan pa ang mga taong galit sa'kin. Ang kailangan ko nalang gawin ay amuin ang asawa't anak ko.
Nagkaroon ako ng pag-asang baka maayos at mailagay ko rin sa tama ang lahat, magiging masaya rin kami.
![](https://img.wattpad.com/cover/21946477-288-k340934.jpg)
BINABASA MO ANG
Rebel's Death Angel #Wattys2015
RomanceMasaya ang buhay ng malambing na batang si Angelique, maalwang buhay, masaya at buong pamilya. Ngunit nagbiro ang kapalaran, isang araw nagising nalang siya bilang Azrael. Malayo sa dati niyang katauhan, naging matapang siya at palaban dahil na rin...