A/N: Whooo! Getting hot! which team are you?
=-=-=-=-=-=-=-=-=
"Ha? Anong... anong ibig mong sabihin? Ano 'to?" Sunod-sunod kong tanong. Humakbang siya palapit ng may seryosong mukha, inabot niya sa akin ang bitbit niyang mga bulaklak na kunot-noo ko pa ring tinanggap.
"I know this doesn't seem right, with all the shits we've been through. Parang bumali-baliktad man ang mundo, imposible 'tong nararamdaman ko. But IT IS REAL. Truth is my heart feels like it's gonna explode because I'm so damn nervous. I just want this out and open, I love you Azra. And I want to court you, sana bigyan mo ako ng chance." Buong sinseridad niyang pahayag at parang naumid ng akin g dila.
Marahang umikot ang mata ko sa kanilang lahat, ang bawat isa ay naka-ngiti at tila umaasam ng positibong sagot mula sa akin. Huling binagsakan ng tingin ko si Ram, halos mapunit ang kanyang pisngi sa lawak ng kanyang ngiti. Ang masaya niyang mukha ang nais kong makita araw-araw, pero bumalik na si Diesel at siya pa rin ang asawa ko.
"Hindi ako nagmamadali... as I've said, hihintayin kita."
"Ewan ko Zen, bumalik si Diesel kahapon at sinabing nagka-amnesia siya. At ikaw, kulang ang sabihing ginulat mo ako." Mahina kong tugon sabay iwas ng tingin. Tahimik namang tumalilis ang mga kasama namin at naiwan kaming dalawa sa salas.
"I understand, pero alam kong kahit wala pa akong sinasabi naramdaman mo na ang pagpapahalaga at pag-aalaga ko sa'yo."
"O-oo, hindi ako magsi-sinungaling. Ang akala ko lang dahil 'yon kay Ram."
"At first, aaminin kong conscious ako when it comes to you because of him. Until one day, no'ng nag-business conference ka sa US ng one week. Hindi ako mapakali, I wanted to fly and see you immediately. Then we fetch you at the airport, I was damn happy you were finally back. I knew then na may nararamdaman ako para sa'yo, but the coward that I am, I kept it to myself hanggang hindi ko na kinaya at sinabi ko kay Erin. Pero kahit kinukulit niya akong magtapat sa'yo, I needed to be sure and prepared. Kaya ngayon, ready na ako whatever happens."
"Wala akong masabi Zen, hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin." Naguguluhan kong wika habang hinihilot ang noo ko, natigilan ako nang kunin niya ang kamay ko at hawakan ng mahigpit.
"Just say you'll give a chance, please?"
"Pero may asawa na ako Zen, mali 'to."
"Mahal mo pa ba siya?" Direkta niyang tanong. Muli hindi ako nakasagot, dahil ang totoo... hindi ko na sigurado.
Dahil inakala kong hindi na babalik si Diesel at wala na kaming pag-asa ay pinilit kong mawala siya sa sistema at isip ko.
"Don't push yourself too hard, just always remember I'm just here and I love you-" Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang bumulagta sa sahig.
"Fucking bastard! Asawa ko si Azra, she's mine! Naiintindihan mo?!" Muli sana nitong susugurin ang patayo pa lang na si Zen kaya niyakap ko na ito upang pigilan.
"Asawa? Nagpapatawa ka ba?" Nang-iinis na ngumisi si Zen habang pinupunasan ang nagdugong labi.
"You never treated her like a wife Diesel, at baka nakakalimutan mo. Pinagkasunduan niyo lang ang kasalan na 'yon. It's fake as it can get. It was a fucking marriage of convenience!" Matalim na rin ang tinging ibinato nito kay Diesel.
"At mula nang gabing ginamot ko ang dumudugo niyang kamay dahil sa'yo. I promised myself you won't get her back easily. Hindi ko na hahayaang saktan mo pa siya ulit. Sila ni Ram, I will protect them from you."
Muling nagpumilit kumawala ang yakap ko habang nanggagalaiti kay Zen na mukhang gusto na ring sumugod kung hindi lang siguro inaalalang maiipit ako sa kanila.
"Erin! Erin!" Tili ko nang maramdaman kong hindi pa rin humuhupa ang tensyon, humahangos naman silang dumating mula sa entertainment room.
"What's happening here? Bakit putok ang labi mo?" Lumapit ito at inusisa si Zen.
"Pakidala muna siya sa kwarto niya. Paki-usap." Nagtataka man ay tumalima na rin sila, naramdaman ko ang pagkalma ni Diesel ng mawala sila sa paningin namin. Marahas ko siyang binatawan at galit na tiningnan.
"Wala kang karapatang manakit lalo na pamamahay ng mga magulang ko. At isa pa, lahat ng sinabi niya ay totoo. Nakalimutan mo na ba? May inabutan pa nga akong babae sa unit mo, at hindi lang 'yon isang beses!" Lahat ng sakit bumalik dahil sa sinabi ni Zen, hindi ko dapat 'yon kalimutan.
"Azra please... I'm sorry. I'm begging you." Halos dumungaw ang tubig sa kanyang mga mata, napabuntong hininga na lamang ako. Napapikit ako, ngayon ko naramdamang malakas pala ang sunod-sunod na kabog ng dibdib ko.
"Umalis ka na muna Diesel, kailangan ko ng oras upang mag-isip." Laglag ang mga balikat na tinungo niya ang pintuan.
BINABASA MO ANG
Rebel's Death Angel #Wattys2015
RomantiekMasaya ang buhay ng malambing na batang si Angelique, maalwang buhay, masaya at buong pamilya. Ngunit nagbiro ang kapalaran, isang araw nagising nalang siya bilang Azrael. Malayo sa dati niyang katauhan, naging matapang siya at palaban dahil na rin...