12

796 34 6
                                    

A/N: Don't kill me pls! hahhaha XD... I need your comments and votes, nyahhahaha... 1st time lang naman po. Gusto ko lang malaman ang saloobin niyo para sa chapter na 'to. 12 Comments and 12 votes para ma-update ang susunod na chap. 'Wag namang masyadong violent ang reactions. hahhaha!

-=-=-=-=-=-

Mabuti nalang at nasa school si Ram nang sinugod namin si Zen sa ospital, maging sina mama’t papa ay wala dahil may dinaluhang kasal. Tanging si Erin at Kurt ang kasama ko nang bigla na namang mawalan ng malay ang lalaki.

Nandito kami ngayon sa kwarto niya at kinakausap ang doktor.

“Hindi maganda ang sintomas na pinapakita ng pasyente, I’m afraid his body rejects the medicines, although may tinatanggap naman ito pero baka hindi sumapat para sa lubusang ikagagaling niya. Kung magpapatuloy ito, it may take longer than expected time of hospitalization.” Bakas ang pakikisimpatya sa boses ng manggagamot.

“What about the transplant? Have you found anyone with compatible bone marrow? I guess that’s the best we can get right now.”

“Marami na pong nagpa-test but we can’t find even one person that matches his DNA.” Naiiyak na pahayag ni Erin.

“Don’t worry hija, common na sa kaso’ng ganto ang gumagaling. We just need to try harder and pray for his fast recovery.” Sabi nito at nagpaalam na rin, natahimik ang lahat pagkaalis ng doktor. Nabasag lamang iyon nang ayain ni Kurt si Erin na magpahangin muna sa labas na sinangayunan ko naman kaya napilitan ang dalagang sumama sa nobyo.

Napapabuntong hiningang umupo ako malapit sa kama ng natutulog na pasyente,pinagmasdan ko ang mukha at katawan niyang unti-unti nang kinakakitaan ng pagbabago. May awang sumilid sa puso ko, marahil ay hindi lamang ako sanay na makita siya sa gan’tong sitwasyon.

Nagulat ako nang biglang siyang magmulat ng mata at tinitigan lang ang kisame. Hinayaan ko lamang siya sa kanyang pananahimik at hindi ako gumalaw sa aking kinauupuan.

“I heard it all,” mahina niyang pahayag nang nakatiim ang mga bagang. Hindi pa rin ako umimik.

“If I won’t be lucky enough—”

“Sinabi ng doktor na gagaling ka,” mabilis kong putol sa sinasabi niya. Matamlay siyang ngumiti at napailing.

“Just in case Azra, promise me… mangako kang aalagaan mo sila.”

“Hoy! Tumigil ka nga sa pagdadrama mo. Hindi bagay.”

“Sabihin mo kay Erin na mahal na mahal ko siya, and I’m sorry I won’t be there on her wedding day. Ask Kurt to take good care of my twin.” Animo walang narinig na pagpapatuloy niya, hinayaan ko nalang ito. Wala namang masama kung makikinig ako sa litanya ng isang taong may sakit.

“And I want to say thank you kina mommy’t daddy, sa pag-aalaga nila sa amin ni Erin kahit hindi niyo kami kaano-ano. For all the love and support they gave to me, please tell them I’m really grateful. Pakisabi rin kay kuya Levi na good luck sa love life niya, I wish him all the best. And please accept my apology…” mula sa kisame ay lumipad ang tingin niya sa mukha ko, diretso sa aking mga mata ang tingin niyang nababalutan ng kalungkutan.

“I was not given the chance to say this before, umalis kami nang magulo ang lahat sa pagitan natin. I’m sorry Angelique. Kung pakiramdam mo inagawan ka namin ng isang buo at masayang pamilya, that we enjoyed for a long time. At sorry din kung imbes na intindihin ay kinalaban pa kita noon.”

Hindi pa rin napuputol ang titigan namin at napalunok nalang ako, pakiramdam ko kasi parang may luhang gustong dumungaw sa aking mga mata.

“Sana maging masaya ka kasama si Diesel, at Ram… sa maiksing panahon na nakilala ko ang anak mo, naging malapit ako sa kanya. Even though I tease him most of the time, I love him. Pakiramdam ko kadugo ko na rin siya…” isang masuyong ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi at nanigas naman ako sa aking pwesto.

Ano bang pinagsasasabi ng lalaking ito? Malapit na akong kilabutan sa mga lumalabas sa bibig niya, kung makapagsalita para bang mawawala na siya bukas. Ilang beses akong napakurap nang marinig ko ang mahina niyang hagikgik, nang tingnan ko siya ay nakataas ang kanyang kilay at may pilyong ngiti sa kanyang mga labi.

Ang normal na mukha ni Zen…

“Kinabahan ka ‘no?” Tanong niya sa kanyang normal na mapanuksong boses, napa-ngiti rin ako at bahagyang napailing.

Lumipas ang isang linggo, habang nakaupo sa loob ng aking opisina ay mataman kong tinitingnan ang isang kahon na hawak-hawak ko. Malalim pa rin ang aking iniisip nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa sina Ram at Diesel, sinundo ng huli ang anak ko mula sa paaralan. Agad kong itinabi ang kahon at sinalubong ng yakap ang batang tumatalon sa kasiglaan.

“Mom! C’mon! Uwi na po tayo, tito Zen said he’s already waiting for me. Maglalaro kami ng PS4! Yehey!” Excited nitong aya.

“Ano anak, may gagawin pa kasi si mommy. Mas mabuti siguro sumabay ka na kay tito Levi, niyayaya niya na rin ako kaso may kailangan pa akong tapusin. Before dinner nando’n na ko, okay?” Saglit itong nag-isip pagkuway tumango na rin, tinawag ko ang aking sekretarya at pinahatid si Ramiel sa opisina ni kuya.

“Maupo ka Diesel,” alok ko sa kanya. Kinakabahang naupo ako sa tapat niya, ilang beses akong huminga ng malalim bago nagsimula.

“Bago nangyari ang lahat ng gulo, tinanong mo ako kung gusto ko nang magpakasal ‘di ba?” Nanlaki ang kanyang mga mata at inusog palapit sa’kin ang bangko niya.

“Why? Have you realized you wanna get married now?”

“Noon o-oo, pero sa ngayon hindi ‘yan possible.” Napakunot ang kanyang noo.

“Mula sa simula, hindi ako nagsinungaling sa’yo. Tuwang-tuwa ako nang sabihin mong tanggap mo si Ramiel kahit hindi mo siya tunay na anak.”

“Azra, it doesn’t matter. And why are talking about this right now? I believe dapat muna nating unahin ang cure for Zen.”

“Kapag gumaling si Zen at gusto mo pa rin akong pakasalan, payag na ako Diesel.” Kuminang sa tuwa ang kanyang mga mata.

“Really?”

“Yes, mahal kita… kaya ayoko nang maglihim pa sa’yo…” napalunok ako at mataman siyang tinitigan sa mga mata. “Ang totoong ama ni Ram ay si—”

“What are we waiting for? Halika na, dapat sigurong dalhin na sa amerika si Zen para mas mabilis siyang gumaling. I wil make sure he will he will be cured as soon as possible.”

“Hindi na kailangan Diesel, siguradong gagaling na siya dahil sa bone marrow ni… Ram.”

“Ram? Bawal pang mag-donate ang minors ‘di ba? At h-hindi naman kayo magkadugo, ampon sila ni Erin… r-right?”

“Nai-save ko ang cord blood ni Ram noong pinanganak ko siya at o-oo… ampon nga sila—” Tumayo si Diesel nang nakakuyom ang mga palad.

“Mabuti pa sigurong ihatid na kita, let’s talk about this some other time.” Naglakad siya papunta sa pinto.

“Magkadugo si Ramiel at Zenki dahil… d-dahil siya ang tunay na ama ng a-anak ko.” Garalgal na bulalas ko bago pa niya mahawakan ang seradura ng pinto, pumikit ako habang hinihintay ang pagsabog niya.

“What? Azra! What the hell are you saying!?” Naramdaman ko ang mabilis niyang paglapit at paghawak ng mahipit sa mga balikat ko. Hinila niya ako patayo.

“T-that can’t be true Azrael! Magkapatid kayo! H-how can you—Puta!” Ito ang unang pagkakataong narinig ko siyang magmura at nararamdaman kong dahil iyon sa sobrang galit niya.

“T-tell me you’re joking! Hindi pwede! I’m sure hindi ‘yon mapapayagan nina tito!”

“H-hindi nila a-alam! Pakiusap, ‘wag mong sasabihin sa kanila.” Sumamo ko sa mahinang tinig, bigla niya akong binitawan at animo nandidiring lumayo.

“I can’t believe this, I’m so disappointed Azrael. Hindi pala kita kilala.” Wika niya sa nagtatagis na mga bagang, tuluyan naman akong napaluha at paulit-ulit na umiling.

“M-makinig ka Diesel, please…” tumayo ako at sinubukang hawakan siya pero mabilis siyang lumayo.

Bago ko pa mahabol ay mabilis na siyang nakalabas at malakas na niyang naisarado ang pinto. Wala akong nagawa kundi patuloy na lumuha ng tahimik.

Rebel's Death Angel #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon