A/N: 1st of all, please accept my apology. Pasensya na po kung naghintay kayo ng matagal. I just started my new work kaya po medyo busy-busy-han ang peg ng lola nyo. I do hope ma-suffice ang pagkukulang ko sa chap na to. Wag po kayong bibitiw ha, kahit nade-delay sana basahin nyo pa rin ang mga akda ko. Oh sya, nag-drama na ako, hhehehe. Enjoy reading, sana po mag-vote at comment kayo. May nagdududa ba na si Diesel ang ama? Hohhoh ;)
-Azrael-
“Hanggang dito ba naman Diesel?” Napapagal kong tanong sa lalaking simula kaninang umaga ay hindi na ako nilubayan.
“I told you Azra, hindi ako titigil until you forgive me.” Ilang hakbang lamang ang layo niya sa akin, naiinis man ay wala akong magawa sa walang sawa niyang pagbuntot.
“Sinabi ko naman sayong hindi na ako galit kaya tantanan mo na ako.” Patuloy lang ang mabilis kong lakad sa loob ng eskwelahan ni Ram.
“But I know nagtatampo ka pa rin at tungkol sa sinabi ko kagabi…” naramdaman ko ang marahan niyang paghila sa braso ko. Napa-ikot ako paharap sa kanya at sumalubong sa akin ang mapupungay at nagsusumamo niyang mga mata.
“… it’s true, mahal pa rin kita. I don’t care kung hindi sa akin si Ram, I will treat him like my own. Ganyan kita kamahal.” Naramdaman ko ang kanyang sinseridad sa bawat salitang lumalabas mula sa kanyang bibig at hindi ko maitatangging nagdudulot iyon ng mabilis at malakas na kabog ng aking dibdib.
“Hindi mo alam ang sinasabi mo… nabubulagan ka lang.” Pasuko nang giit ko.
“Try me Azrael, try me.” Aniya habang matiim ang titig sa aking mga mata na kung sa ibang babae siguro ay hindi na siya tatanggihan pa. Sa klase ng kanyang tingin na animo ako lang ang nakikita at handa akong protektahan. Napapasong binawi ko ang aking kamay at ibinaling sa iba ang aking mga mata bago pa tuluyang matunaw ang yelong ibinalot ko sa aking sarili.
“Sorry Diesel—” Napahinto ako sa aking sasabihin nang makarinig kami ng mga batang tila nag-aaway.
“Eh ano! Papalag ka?!” Maangas na wika ng isang tinig.
“Don’t push it, Marco.”
“Ang yabang mo ah!” Paglipas ng ilang sandali ay may narinig kaming mahinang kalabog. Natatarantang tinukoy ko ang kanilang kinalalagyan at natanaw ko ang anak kong tumatayo mula sa pagkakadapa. May tatlong batang lalaki ang nasa harap niya at halatang mga nang-aaway sa kanya.
“You don’t have a father! Iniwan ka niya!” Anang isang bata.
“Weak ka kasi!” Sabi naman ng pangalawa.
“Liar ang mommy mo!” Wika ng ikatlo na tila nakapagpapatid sa pisi ng pasensya ni Ramiel. Malakas niyang itinulak ang huling nagsalita at nanggagalaiting tiningnan ang nakahandusay na bata. Napako ako sa aking kinatatayuan.
“Meron akong daddy! Babalik din siya! Hindi ako mahina! Hindi lang akong nagfa-fight back because I don’t want to hurt my mom! At lalong hindi liar ang mommy ko!” Pero mukhang hindi rin papatalo ang tatlo, tinulungan ng dalawa ang batang nakahandusay at akmang susugurin na si Ram kaya agad akong lumapit.
“Anong nangyayari dito?” Mahinahon ngunit istriktang tanong ko at pumwesto sa gilid ng anak ko.
“Pinagtutulungan nyo ba si Ram? Do you want me to call your parents?” Nangdidilat kong pananakot sa kanila, bahagya silang napa-urong pero matitigas talaga ang ulo.
“We are just telling the truth!”
“Oo nga po!”
“Lagi po kasing sinasabi ni Ram na meron siyang daddy pero wala namang napunta dito, and my mom said you don’t have a husband!”
“Shut up Marco! Pag-uwi niya I will show him to you!” Sigaw ng anak ko at napansin kong nanunubig na ang kanyang mga mata.
“Stupid! Wala ka ngang tatay! Wala!” Ganting sigaw noong tinawag niyang Marco.
“Inuubos niyo talaga ang pasensya ko, I will see you at the principal’s office tomorrow.” Napipika nang banta ko.
“Why? Wala po kaming ginagawang masama, Ramiel is the one who’s lying!” Hirit pa rin nito.
“He did not lie. I am here.” Sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita na walang iba kundi si Diesel. Nanlaki ang mga mata ko nang lubos na maintindithan ang kanyang tinuran.
“Say sorry to him. Now.” Utos niya sa mga bata habang inaakbayan ang anak ko na tulala ring nakatingala sa kanya.
“Now!” Mas malakas nitong utos, dahil sa taas at galit nitong presensya ay walang nagawa ang mga bata kundi humingi ng tawad.
“S-sorry Ram.” Magkakasabay nilang sabi at bigla nalang nagtakbuhan palayo.
“M-mommy…” kinakabahang lumipad ang tingin ko sa aking anak, naiiyak at nagsusumamo ang kanyang mga mata. “m-mom, is it true? S-siya po ba ang d-daddy ko?” Tanong nito sa garalgal na boses.
Hindi ako nakasagot, ilang beses akong napalunok. Diyos ko, hindi ko yata matitiis ang nagmamakaawang itsura ng anak ko. Lumuhod ako at hinarap siya, pinahid ko ang kumawalang luha sa kanyang mga pisngi.
“M-mommy? Please?”
Napaluha na rin ako at tumingin kay Diesel, mataman lamang itong nakatingin sa amin at para bang hinihimok akong magsalita.
Muli akong napatingin kay Ram, gusot at madumi ang kanyang uniporme, may galos din siya sa tuhod. Walang bakas ng masayahin at puno ng enerhiya kong anak, ang tanging nakikita ko ay isang batang matagal nang nangungulila sa kanyang ama. At dinudurog nito ang puso ko.
Niyakap ko siya ng ubod-mahigpit, nanalangin akong sana’y maging masaya siya sa desisyon ko.
“Y-yes anak. S-siya ang t-tatay mo.” Nakapikit ako ng mariin at dumadaloy ang luha sa aking mga mata habang lumalabas ang mga salitang iyon sa aking bibig.
![](https://img.wattpad.com/cover/21946477-288-k340934.jpg)
BINABASA MO ANG
Rebel's Death Angel #Wattys2015
Lãng mạnMasaya ang buhay ng malambing na batang si Angelique, maalwang buhay, masaya at buong pamilya. Ngunit nagbiro ang kapalaran, isang araw nagising nalang siya bilang Azrael. Malayo sa dati niyang katauhan, naging matapang siya at palaban dahil na rin...