37

552 15 0
                                    

A/N: Buhay na naman ako. Hehehhe... sorry ulit sa sobrang tagal na UD, don't worry 2 or 3 chaps more at tapos na to. Salamat! :)
Regarding father's lines, di ko na-research kasi limited ang net ko. Kung mali man itatama ko nalang some other time..

"Azra... please... I can explain." Tila nauupos na kandila ang itsura ni Diesel habang nilalapag ko sa harap niya ang annulment papers.

"Narinig ko na lahat Diesel, wala nang makakabago pa ng desisyon ko." Walang emosyon ang mukha ko nang lumabas ang mga salita sa bibig ko.

"But we love each other, all I'm asking is this last chance." Natanaw ko ang pagbungad ng luha sa gilid ng kanyang mga mata.

"Simula pa lang ng kasal na 'to mali na Diesel. Inaamin kong kasalanan ko kaya tayo humantong sa ganito. Pero unti-unti ko nang sinasaayos ang lahat, kay Ram, kay Zen, sa pamilya ko at itong sa'tin."

"Exactly, maayos natin 'to 'cause we love each other." Giit pa rin niya. Napalunok bago sumagot.

"Sinabi ko na hindi ba? Nasa proseso na ako ng pagbitiw sa kung ano mang meron tayo. At dahil sa nalaman ko, tuluyan nang nawala Diesel. Wala na. Simula't sapul nagkamali tayo, nakokonsensya ako dahil nangako ako sa lola mo, nagsinungaling tayo sa kanya." Nag-init ang mga mata ko pero determinado ko siyang tinitigan, dahan-dahan kong inabot ang aking batok at kinalas ang kwintas.

"Lalo lang tayong magkakasakitan 'pag pinilit pa natin. Hindi kita iiwan, bilang kaibigan lagi akong nasa likod mo. Pero hindi ako ang babaeng dapat nasa tabi mo. Huwag kang magbulag-bulagan at bigyan mo ng pagkakataon ang tunay mong pamilya. Ang mga singsing na 'to ay hindi totoong simbolo na tayo'y magsasama habang buhay." Bumuntong hininga ako bago kinuha ang kanyang kamay at ilagay doon ang mga singsing.

Kinagat ko ng mariin ang aking ibabang labi.

"Hindi 'to para sa atin. Patawad." Pumiyok ako sa huling salita, gustuhin ko mang magmatigas, hindi maikakailang nasasaktan din ako.

Pinakawalan ko ang mga kamay niya at mataman siyang tiningnan habang hindi maalis ang tingin niya sa mga singsing.

"Paano? Tell me how can I forget us... hindi ko alam kung paano mawawala ang nararamdaman ko, the pain won't stop. Azra." May nakatakas na luha mula sa kanyang mata na agad niyang pinalis.

"Ang Diyos Diesel, Siya lang ang may sagot sa mga tanong natin. Marahil kaya tayo nasa sitwasyon na 'to ay dahil hindi Siya ang naging sentro natin. Siya lang ang makakatulong para mawala ang sakit at galit na namahay sa atin."

Unti-unti ay kumuyom ang kanyang palad, pagdaka'y napatango-tango. Tila ba iniintinding mabuti ang mga binitiwan kong salita. Dumaan ang ilang sandali bago siya tumugon.

"I understand... I get it Azra. Maybe, maybe you are right." Marahan siyang tumayo at dinampot ang mga papeles.

"Everything's so wrong right now, but never think that o-our love is a m-mistake. Para sa'kin 'yon ang pinakatama sa lahat ng nangyari." Binasa niya ng laway ang kanyang mga labi at saglit na tumingala bago bumaling muli sa akin.

"I wish you happiness Azra, I hope w-we can be friends someday. Ip-ipapadala ko nalang sa'yo ang mga ito." Tukoy niya sa mga papeles at mabilis nang tumalikod.

Narinig ko ang pagbukas-sara ng pintuan tanda ng tuluyan niyang pag-alis. Muntik nang umalpas ang hagulgol sa bibig ko kung hindi ko iyon naagapang takpan, yumugyog ang aking mga balikat at tila gripong umagos ang aking luha.

Pinili mo 'yan Azrael. Kayanin mo 'yan.

"Basbasan niyo po ako Father 'pagkat ako'y nagkasala." Mahina kong usal sa loob ng kumpisalan.

"Sabihin mo anak. Ano ang iyong kasalanan?"

"Marami po akong niloko, ang laki ng kasinungalingang nagawa ko Father. Ang totoo, nahihiya po akong humingi ng kapatawaran. Pakiramdam ko hindi po 'yon nararapat para sa akin."

"Mahal tayo ng Diyos Ama, makasalanan o hindi lagi tayong nasa puso Niya. Dahil ang pag-ibig Niya sa atin ay walang hanggan. Ang sinumang lalapit ay Kanyang tatanggapin, tanging mga tao lamang ang nag-iisip ng ganyan anak." Malumanay na sagot ng pari, tila pinapakalma ang isip ko ng anyang boses.

"Tama po kayo, tulungan niyo po sana akong humingi ng tawad para sa panloloko ko sa aking pamilya, sa anak ko, sa tatay ng anak ko, pati po sa lalaking minahal ko. Pinaniwala ko po sila ng matagal na panahon sa walang katotohanang bagay." Parang may gustong bumara sa lalamunan ko.

"A-at ngayon, tila dumating na po ang k-karma ko. Hindi po sadya pero nasaktan nila ako kaya ang bigat po ng dibdib ko. Marahil ay ito po ang kaparusahan ko sa aking pagkakamali."

"Hindi hija, isa lamang iyang pagsubok. Tibayan mo ang iyong loob at pananalig sa Kanya, makikita mong malalagpasan mo kung ano man ang pinagdadaanan mo. Tandaan mo, gaano man kalaki an problema, 'di hamak na mas malaki ang pagmamahal ng Diyos Ama."

"Naniniwala po ako father, maraming salamat po."

"Kasihan nawa ang iyong kaluluwa at patawarin ka sa iyong pagkakasala. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espirito Santo. Amen."

"Amen."

"Manalangin ka ng limang Our Father, sampung Hail Mary, at tatlong Glory be."

"Opo father, salamat po."

Lumabas ako ng maliit na silid at lumuhod malapit sa altar. Napansin kong marami ang nadarasal dahil araw ng Miyerkules, mamaya ay magsisimula ang Novena.

Taimtim akong nanalangin at humingi ng tawad. Dumalo na rin ako ng misa at sumali sa mga nagno-novena. Pagkalabas ko ng simbahan ay magaang na ang loob ko. Para bang nawala ang mabigat na nakadagan doon. Iba talaga ang nagagawa ng paglapit sa Kanya, hindi tayo mabibigo.

Mabilis lamang ang naging byahe ko pauwi, nang bumaba ako ng kotse ay agad akong sinalubong ng aking anak.

"Nanay! I miss you!" Malambing niyang sambit at niyakap ako sa baywang. Agad ko siyang dinala at niyakap ng mahigpit, nakapikit kong sinamyo ang bango ng kanyang buhok.

"Na-miss din kita baby ko." Nang magmulat ako ng mata ay nakita ko si Zen na nakasandig sa hamba ng pinto, may tipid na ngiti sa labi niya habang nagmamasid sa amin.

Ginantihan ko rin siya ng tango bilang pagbati. Ramdam ko na agad ang resulta ng paglapit ko sa Kanya, alam kong may bagong pag-asa at mas mapayapa na bukas ang naghihintay sa amin.

Rebel's Death Angel #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon