A/N: next time nalang ang title, di ko makita si angel.. hehhehe! Sorry po kung natagalan ang UD kasi inayos ko 'yong manuscript ng MIFP... to be published na siya!!! Waaahh! Hahhaha! Sana po bumili kayo ah, it might be on bookstores this december or january 2015. I guess back to normal na ang pag-UD natin, enjoy reading!!!
-Azrael-
“Tito! Bakit mo po inubos!?” Maktol ni Ram kay Zenki. Kasalukuyan kaming nasa airport at hinihintay ang paglapag ng eroplano ni Diesel. Mahigit isang linggo rin siya sa New Zealand upang ayusin ang problema sa kanilang kumpanya at hindi niya inaasahan ang pagsalubong namin sa kanya.
“I was thirsty and kanina mo pa ‘yan hawak. I just thought of helping you. See? Wala ka nang hinahawakan ngayon.” Nang-uutong paliwanag ni Zen sa bata.
“Tinitipid ko nga po eh! What if mauhaw ako? You need to buy me a new one!”
“If and only if mauhaw ka. For now, don’t talk so you won’t waste your—”
“Buy me now! Thirsty na po ako!” Nakangusong utos ng bata.
“What?! Don’t ask me to buy like we have a store at our back! More than five hundred steps ang layo natin sa pinakamalapit na tindahan. Back and forth one thousand steps ‘yon! ” Nanlalaki ang mga matang sagot naman ng matanda. Diyos ko! Matutuyuan ako ng dugo sa dalawang ito. Kung hindi lang nawawala ang driver’s license ko hindi ko talaga isasama itong si Zen. Daig pa si Ram sa pangungunsumi, parang dalawang bata ang alaga ko!
“Tumigil nga kayo, pinagtitinginan na tayo!” Saway ko sa kanila, sabay silang napalibot ng tingin sa paligid. Karamihan naman ay nangingiti habang pinapanood ang kakulitan nila.
“Ang cute nila!” Narinig ko pang wika ng isang dalaga mula sa kumpol ng mga teenager. Natahimik naman ang mga pasaway at umayos ng upo, sabay pa nilang inayos ang kanilang aviator at sumbrero. Napa-iling nalang ako at habang abala sila sa pagpapalitan ng masasamang tingin ay muli kong dinala ang aking mata sa mga naglalabasang pasahero, hindi nagtagal ay namataan ko na ang pamilyar na pigura.
Pero unti-unting nabura ang ngiti ko nang mapansing hila ni Diesel sa mga kamay ang dalawang naglalakihang maleta habang may nakasabit pa sa mga balikat niya. Pero ang naka-agaw ng pansin ko ay ang babaeng naka-angkla sa kanyang braso na para bang mawawala kung bibitiw o didistansya man lang.
Kung pagbabasehan ang pisikal na itsura, nagsusumigaw ang babae ng kagandahan at kaseksihan. Idagdag mo pa ang bestida niyang hapit at humahakab sa perpektong kurba ng kanyang katawan na tinernuhan ng killer heels. Hindi nalalayo ang itsura niya kay Christine Reyes, ang lamang lang niya ay tangkad.
Malapit na sila sa amin pero mukhang hindi nila kami napapansin dahil marami kaming kahanay na kapwa naghihintay sa mga balikbayan. Sa wakas ay bumitiw din sa kanya ang babae at kinuha ang isang maleta at branded na tote bag. Ang akala ko ay bebeso lang ito sa lalaki pero nagulat ako nang hinatak nito sa batok si Diesel at binigyan ng mabilis ngunit madiing halik.
Hindi ko na tinapos ang eksena at binalingan sina Zen upang yayain pauwi, sakto namang nakita ni Ram si Diesel.
“Daddy!” Sigaw ng bata pero binaliwala ko iyon at hinila ang mga kamay nila ni Zenki.
“Tara na.” Halos makaladkad sila sa bilis ng mga hakbang ko. Hindi naman nagtagal ay narinig ko ang pagtawag sa’min ni Diesel.
“Azra! Wait! Ram! Azra!” Tuloy-tuloy niyang sigaw, hindi naman ako lumingon kahit alam kong nakakahatak na kami ng atensyon. Sinadya kong matakpan kami ng mga tao upang hindi niya kami abutan, sa dami ng nakakasalubong at nakakasabay namin ay hindi naman ako nabigo.
BINABASA MO ANG
Rebel's Death Angel #Wattys2015
RomanceMasaya ang buhay ng malambing na batang si Angelique, maalwang buhay, masaya at buong pamilya. Ngunit nagbiro ang kapalaran, isang araw nagising nalang siya bilang Azrael. Malayo sa dati niyang katauhan, naging matapang siya at palaban dahil na rin...