A/N: Kung gusto nyong malaman kung pa'no nabuo si Ram, pakibasa ang may kahabaang internal monologue ni Azra. Thanks, enjoy!
-=-=-=-=-=-
"Daddy-", napalingon ako nang magsalita si Ram. Kalapit ko siya sa kama at mahimbing na natutulog, paniguradong nananabik na itong makasama ang kinikilalang ama. Napabuntong hininga ako at muling inalala ang huli naming pagkikita ni Diesel, mula nang sabihin ko sa kanya ang totoo ay hindi na siya nagpakita o tumawag man lang.
At ngayon ay namomroblema ako sa tanong ni Ram kung nasaan ang ama niya, sinabi ko nalang na lumipad uli ito sa New Zealand para sa negosyo. Napapikit ako ng mariin at inisip ang mga nangyari, kung paano kami humantong sa ganito.
Ang totoo ay si Zen ang naging daan ng pagkahanap ko sa aking pamilya, napanood ko siyang lumahok sa isang singing contest sa telebisyon. Mula noon ay minanmanan ko na siya at nadiskubreng magbabakasyon ito sa Maldives, sinamantala ko ang pagkakataon at sinundan siya doon, nakipaglapit ako sa kanya at hindi naman ako nahirapang alamin ang mga bagay na nais kong malaman.
Sa tulong ng halos araw-araw na pagpunta sa parlor at pag-arteng malambing ay nakuha ko ang atensyon at pagtitiwala niya, likas sa mga lalaki ang pagkahilig sa mga magagandang babae kaya kahit hindi ko ugaling mag-ayos at maging malapit sa mga lalaki ay ginawa ko. Inakala kong ang pagbibigay ng aking sarili sa unang pagkakataon ang magiging pinakamalaking sakripisyong magagawa ko, ngunit nagkamali ako nang dumating si Ram. Na sa totoo lang ay ikinagulat ko dahil siniguro kong parati akong may proteksyon, pero marahil ay ganoon talaga ang buhay.
Hindi mo masasabi ang mangyayari sa hinaharap, lalong hindi mo ito mako-kontrol kahit anong plano ang gawin mo.
Siniguro ko ring hindi niya ako makikilala kung sakaling magkita kaming muli pagkahiwalay namin sa Maldives. Dati ay magkahalong kulay mais at kahoy ang buhok ko na mahaba at bahagyang kinulot, nagsuot din ako ng contect lens na kulay hazel brown, palagi akong naka-make up at kung manamit ay akala mo modelong poporma sa harap ng camera.
Na ngayon ay walang bakas ni isa, itim na at 'di lalagpas ng balikat ang buhok ko na katulad ng tunay na kulay ng aking mga mata, pulbo lamang ang kolorete ko sa mukha at tanging salamin ang aking aksesorya, ang pananamit ko ay maihahalintulad sa isang istriktang guro.
Maging ang pananalita ko ay nagawa kong malumanay at laging nag-i-ingles na siya marahil pinakamalaking aspeto dahil sino ba ang mag-aakalang ang dalagang palangiti at masayahin ay isa palang malamig at matigas sa tunay na katauhan.
"No daddy... 'wag kang umalis." Natigil ang pagmumuni-muni ko nang marinig sinabi ng anak ko.
"Please po!" Napalakas niyang sabi, tinapik-tapik ko ang kanyang pisngi upang gisinging. Nagmulat siya ng mata at tinitigan ako.
"Anak, are you okay?", imbes na sumagot ay umikot sa paligid ang mga mata niya na animo may hinahanap. Nang waring 'di ito matagpuan ay tumamlay ang kanyang mga mata at bahagyang umiling bago ako niyakap at isiniksik ang kanyang mukha sa aking leeg.
Nagpakawala ulit ako ng buntong-hininga, kahit hindi niya sabihin ay alam kong hinahanap niya si Diesel. Hindi ito pwede, kung ako lang ayos lang na masaktan, pero 'pag anak ko na ay kailangan kong gumawa ng paraan.
Tumayo ako at inayos ang kanyang kumot nang maramdamang mahimbing na ulit ang kanyang tulog, nagsuot ako ng jacket at kinuha ang susi ng aking kotse. Tinahak ko ang daan papunta sa condo ni Diesel, saktong nakita ko ang pagpasok nito sa building. Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago pumasok doon, kilala na ako ng guard dahil madalas na rin akong napupunta dito kaya 'di nagtagal ay nasa parking lot na ako.
Para akong nasuntok ng malakas sa sikmura nang makita ko sa labas ng kotse niya si Diesel na nakasandal sa may pinto at may kahalikang babae. 'Di nagtagal ay magka-agapay silang naglakad papasok sa elevator, nakita kong pinasa ni Diesel ang susi sa babae at bumalik ito sa may kotse. Marahil ay may naiwan ang talipandas, hindi na ako nag-aksaya ng oras at nilapitan ito. Nagkasalubong kami pero hinila ko ang kamay niya at hinila sa isang sulok, hindi ko napigilang isalya siya ng may kalakasan sa pader.
"What the hell! Who the fuck are you?!" Mataray nitong tanong kahit halatang nasaktan, nagtaas ako ng kilay at nginisihan ito.
"Pakyu ka rin. Ako lang naman ang nobya ng lalaking kinakalantari mo!" Sikmat ko dito.
"You? Impossible, paanong ang isang gwapong kagaya ni D ay magkakagusto sa manang na katulad mo?" Nang-iinsulto nitong saad, hinawi pa nito ang buhok na halata namang plinantsa lang.
"Wala akong pakialam sa opinyon mo pero layuan mo si Diesel kung ayaw mong ilublob ko sa kumukulong mantika 'yang mukhang mong daig pa ang clown sa kapal ng make-up!" Tumawa naman ito ng nakakaloko bago bahagyang yumuko upang itapat ang mukha niya sa akin, pasalamat siya may lamang siya ng konting taas sa akin.
"Hoy, kung sino ka mang ambisyosa ka gumising ka. Hindi mo ako masisindak and D told me he is single..." nakaramdam ako ng kirot sa dibdib pero hindi ko iyon pinakita, bagkus ay pinanlisikan ko siya ng mata. Nauubuos na talaga ang pasensya ko bruhang ito.
"Kaya 'wag kang mangarap ng gising, you better go home so you can continue your dream in your banig. You poor girl." Tumaas ang sulok ng kanyang labi at hindi ko napigilang umigkas ang aking kamay, lumapat ang kamao ko sa kanyang kanang pisngi.
"Ouch! Oh my, oh my gosh! Blood! Help! Saklolo!" Natataranta nitong tili nang tumulo ang dugo mula sa pumutok niyang labi, nasa sahig pa rin ito at parang batang umiyak. Lumapit ako sa kanya at pinaling ang kanyang mukha paharap sa akin, rumehistro ang takot sa mga mata niya.
"Kilalanin mo kung sinong kinakalaban mo, pasalamat ka at babae ka dahil kung hindi, bugbog sarado ang aabutin mo sa akin." Parang maamong tupa na tumango ito ng sunod-sunod, tumayo ako at bumunot ng sampung libo sa wallet ko.
"Ayan, magpahatid ka kay manong guard sa ospital. Baka sabihin mong napakasama kong tao." Nilapag ko iyon sa sahig bago dinampot ang susi ng kotse ni Diesel at isang huling masamang tingin ang iniwan ko sa kanya bago ko tinalikuran.
Mainit pa rin ang ulo na sumakay ako ng elevator at pinindot ang palapag ng tirahan ni Diesel, pinipilit kong kalmahain ang sarili ko pero nanggigigil talaga ako sa nasaksihan ko kanina. Mabilis ang mga hakbang na umalis ako ng elevator at sunod-sunod na pinindot ang doorbell.
"What took you so-", agad na naputol ang sasabihin niya nang makitang ako ang kanyang pinagbuksan.
"Azra? What are you doing here?" Kasabay ng pagtaas ng kilay ko ang pagtaas din ng gilid ng aking labi. At bilang sagot ay isang malakas na sampal ang ibinigay ko sa kanya.
"Isang linggo palang tayong hindi nagkita at ni wala pa tayong official break-up pero may dinadala ka na dito sa condo mo!" Mahina pero madiin ang bawat salitang sabi ko habang hindi niya pa rin ginagalaw ang mukha niyang napapaling sa lakas ng sampal ko.
"Then let's make it official," hindi pa rin natingin sa aking wika niya, tinulak ko siya papasok.
"Bago mo 'yan sabihin, pagsalitain mo muna ako para hindi masayang ang oras ng pinunta ko dito." Nalilitong tingin lang ang sinagot niya sa'kin. Marahil ay nagtataka siya sa mga ikinikilos ko pero kailangan ko lang ilabas ang saloobin ko bago kami tuluyang maghiwalay ng landas.
Kahit masakit hindi lang sa anak ko, kundi sa akin na rin.
BINABASA MO ANG
Rebel's Death Angel #Wattys2015
RomanceMasaya ang buhay ng malambing na batang si Angelique, maalwang buhay, masaya at buong pamilya. Ngunit nagbiro ang kapalaran, isang araw nagising nalang siya bilang Azrael. Malayo sa dati niyang katauhan, naging matapang siya at palaban dahil na rin...