A/N: Again.. sorrrryyy pooo! Dpat tlga kgabi kaso walang bakante sa net shop tapos kaninang umaga naman nalimutan ko ang USB kung san naka-save ang chap na 'to! Ulyanin na ko! Huhubels XD... hahhaha Enjoy guys!
-Azrael-
Inangat ko ang aking paningin nang maramdaman ang paghinto ng kotse, walang paalam na bumaba ako at tinungo ang entrada ng establisyemento. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang kabababa lang rin na si Erin, hula ko ay hinatid siya ng kanyang nobyo.
"Azra! Wait!" Habol nito sa akin bago pa ako makasakay sa elevator, lumingon ako at binigyan siya ng tipid na ngiti. Saktong bumukas ang elevator, nagkukumahog na umalis ang mga empleyadong sakay nito. Hindi ko naman pinagbabawal pero naka-ugalian na nilang bumaba tuwing nakikitang pasakay ako.
Natural, sumabay sa akin si Erin kaya kaming dalawa lang ang laman nito.
"Nabigay na ba sayo ni Zen 'yung suggested budget for the mall project?"Magiliw niyang tanong, pinindot ko ang para sa ika-dalawampung palapag bago siya sinagot.
"Wala pa, kahit email wala pa akong natatanggap." Napasimangot ito kasabay ng irap sa kawalan.
"Bwisit talaga 'yun. I told him we need it ASAP eh. Paano ba 'to?" Namomroblema niyang tanong.
"Mabuti pa samahan mo ako sa opisina niya para ma-process na 'yun." Tumango lang siya at hindi nagtagal ay bumukas na ang pinto, paglabas palang ay binabati na kami ng mga empleyado ko. Gumaganti ng bati si Erin samantalang ako ay hindi na sila pinansin pa, ang palapag na ito kasi ay sakop lang ng departamentong hawak ko at sanay na rin naman sila sa ugali ko.
Napakunot ang noo ko nang mapansing wala sa lamesa niya ang sekretarya ni Zen, umagang-umaga naglalakwatsa na yata ito. Dumiretso nalang kami sa loob ng opisina ni Zen, dahil boss niya ako ni hindi na ako kumatok at basta nalang binuksan ang pinto.
Hindi naman pala lumayo ang nawawala, nasa loob lang pala ng kwarto at abala sa pakikipaglampungan sa magaling nitong amo. Napataas ang kilay ko pero pinigilan ko ang inis na gustong kumawala sa dugo ko, higit sa lahat ay sinusunod ng mga tao ko ang utos kong 'Don't mix business with pleasure'.
Ang kasalukuyang pag-upo ng sekretarya sa kandungan ni Zen at animo nauubusang paghahalikan ng mga ito ay malinaw na paglabag sa bilin ko.
"Oh my gosh! Zenki!!!" Nangibabaw ang nakabibinging tili ni Erin na nasa likuran ko lamang. Biglang napatayo ang lalaki at nahulog sa sahig ang babae.
"E-erin? Azra? Ah... hahah... g-good morning girls!" Naka-ngiwi at tatawa-tawa nitong sabi habang inaayos ang nagusot na damit.
"Get us something to drink." Maawtoridad na baling nito sa sekretaryang kalampungan kani-kanina lang, agad namang tumalima ang inutusan. Hindi ako umalis sa may pinto para harangan siya.
"Don't bother. You're fired."
"M-maam?" Gulat na anas nito.
"Bingi ka ba? I said, sesante ka na. Paglabas namin sa kwartong ito ayoko nang makita pa ang mukha mo." Malamig kong sagot at saka binuksan ng maluwang ang pintuan.
Mistula itong na-iiyak nang isarado ang pinto.
"You don't have to do that." Angal ni Zen sa akin, nagmamadaling lumapit dito si Erin at malakas na batok ang binigay sa kakambal.
"Hindi ka na nahiya! This is a workplace, not some cheap motel where you can bang those cheap girls."
Sumingaw ang inis ko dahil sa inakto ni Erin, nakakatawang hindi pumapalag dito ang kakambal bagama't todo ang simangot ng isa, naaliw na naupo ako sa sofa.
"Ano nalang ang sasabihin ni kuya? Na hindi natin inaasikaso ang kumpanya, Zen naman! This our chance to prove ourselves but what are you doing? Hanggang dito ba nama'y pambababae pa rin ang inaatupag mo?"
"Not true! Simula nang dumating tayo ngayon mo palang ako nakita with a girl!"
"Ako ngayon lang, pero ang barkada mo nagpo-post ng mga pictures nyo with your flings! I understand you're a man, but Zen! Pati ba naman sa trabaho? Pati sekretarya mo hindi mo pinalagpas! And where is my suggested budget? I told you I need it ASAP!"
Halatang na-aasar na rin si Zen kaya mabilis nitong hinalungkat sa tambak ng papeles ang isang folder.
"Oh ayan na, your highness!" Sarkastiko nitong saad, na-iiling na sinuri ni Erin ang papel at pagkuwa'y pinasa sa akin. Tinanggap ko iyon at tumayo na.
"Pag-aaralan ko lang ito saglit Erin, ipapadala ko nalang kay Mika ang cheque bago mag-ten."
"Okay sis! Dito muna ako para mabantayan ko ang trabaho ng ugok na 'to while waiting for that." Tahimik na tumango nalang ako at umalis na.
"Diesel," bati ko sa kanya nang makababa siya ng kotse. Agad siyang lumapit sa akin at humalik sa aking pisngi.
"Ready?" Tanong nito at hinawakan ang aking kamay,napa-ngisi nalang ako.
"Ako dapat ang magtanong n'yan. Kinakabahan ka ba?"
"Honestly, yes. You think tatanggapin nila 'ko?"
"Oo naman, pero ikaw? Sigurado ka ba? Hindi ako magsisinungaling sayo Diesel, alam mo naman na ginagawa ko lang 'to para kay Ram di'ba? Kung bakit kasi-" marahan niyang inilapat ang kanyang hintuturo sa aking labi para patahimikin ako.
"Sshhh. I get it Azrael at tanggap ko 'yun. Now, let's face them." Tumalikod na kami pero napalingon ako nang makarinig ng ingay ng sasakyan. Hindi nagtagal ay may humintong kotse at iniluwa si Zen mula sa passenger seat, umikot ito sa may bintana ng driver seat at hinalikan ang nagmamaneho. Napa-iling nalang ako nang makitang ibang babae pa iyon sa sekretaryang pinatalsik ko.
Hinila ko na si Diesel papasok at naabutan namin sina Mama at Ram sa may bungad ng pinto, tumakbo ang bata palapit sa amin at mabilis naman itong binuhat ni Diesel. Hindi ko maikakaila. They are a perfect picture of a father and a son. Nagmano ako kay mama na ginaya naman ni Diesel, hindi nakuntento si mama at niyakap ang binata.
"I'm so happy to finally meet you hijo." Wika pa nito, pagkaraan ay inaya na niya kami sa hapag kung saan masayang nagku-kwentuhan sina Papa, Erin at Kurt na nobyo ng babae.
"Hi Azra! Diesel, right?" Umahon pa si Erin sa kinauupuan nito para salubungin kami, si Diesel na ang kusang nag-abot ng kamay sa kanya.
"Yes, Diesel Kincole."
"That's my boyfriend, Kurt and our dear Papa, Romeo Kazuki." Pansamantala nitong inilapag si Ram at lumapit sa dalawang lalaki, una itong nakipagkamay kay Kurt bago kay papa.
"A pleasure to meet you sir." Tumango lang si papa at iminuestra ang bangko, imbes na sundin iyon ay lumapit sa akin siya sa akin at mahinang hinila ang kamay ko. Bigla namang sumulpot si Zen at dumiretso sa kanyang pwesto.
"And that's my pasaway na twin... Zenki." Pakilala ni Erin sa bagong dating.
"Hey bro! Zen nalang!" Naka-ngising nagtaas-kamay pa ito.
Kinuha ni Diesel si Ram at muling kinarga, ngayon ay kumpleto na kami... lahat sila ay naghihintay sa sasabihin ko. Ako kasi ang may suhestiyon ng salo-salong ito, ngayon namin papanindigan ang sinabi namin kay Ram kahapon.
Tahimik ang lahat, matamang tinitingnan ang bawat kilos namin. Nagpakawala ako ng buntong hininga, naramdaman ko ang mahigpit na hawak ni Diesel sa kamay ko, todo naman ang ngiti ni Ram. Sapat na iyon para lumakas ang loob ko.
"Siya si Diesel Kincole... ang t-tatay ni Ram." Pahayag ko sa kabado pero buong tinig.
BINABASA MO ANG
Rebel's Death Angel #Wattys2015
RomanceMasaya ang buhay ng malambing na batang si Angelique, maalwang buhay, masaya at buong pamilya. Ngunit nagbiro ang kapalaran, isang araw nagising nalang siya bilang Azrael. Malayo sa dati niyang katauhan, naging matapang siya at palaban dahil na rin...