"Wala! Talo na naman kita t-tito Zen!" Pababa pa lang ako ng hagdanan ay naririnig ko na ang kantiyaw ni Ram kay Zen.
"Sus! Pinagbigyan lang kita kasi matagal na tayo hindi nakakapag-PS4, I was just worried you won't touch the joystick if you'll lose again!"
"It's already our third game pero hindi ka pa rin nananalo eh, you can't be doin' that on purpose. Ikaw pa, kahit bata pinapatulan mo eh. Hahaha!" Parang tawa ng anghel ang narinig mula sa mga labi ng anak ko, ilang araw na rin mula nang huli ko siyang nakitang masaya.
At hindi ko inakalang ang tunay niya pang ama ang magiging dahilan noon, imbes na magparamdam sa kanila ay mas pinili kong tahimik na panoorin ang pag-aasaran nila habang nakatayo sa dulong baitang ng hagdan.
"Come on! Mahaba pa ang araw, I'm pretty sure, at the end of the day may marami pa rin akong wins kesa sa'yong bubwit ka." Panghahamon pa ng 'isip' bata, napa-iling nalang ako at tahimik na nilampasan sila. Sa sobrang pagkokonsentra nila sa laro ay hindi yata nila naramdamang dumaan ako sa likod nila.
Naabutan ko si manang na nag-aayos ng hapag-kainan, malapit na palang mag-tanghalian.
"Manang tulungan ko na kayo."
"Ay sige Azra, kailangan ko talaga 'yan kasi nilalagnat si Rose, si Regina naman eh mamayang hapon pa ang balik at nag-day-off kahapon." May halong taranta niyang paliwanag.
"Kalma manang, tayo-tayo lang naman ang nandito sa bahay kasi niyaya ni Kurt sina Erin, mama't papa sa lunch date kasama ang parents niya."
"Gan'on ba'ga? Mainam naman." Nakita ko pa ang pag-buntong hininga niya bago tuluyang tumalikod upang kumuha ng ulam. Sumunod naman ako at kumuha ng mga baso upang ilagay sa hapag kainan, saktong nailapag na namin ang huling gamit sa mesa ay tumatakbong dumating ang dalawang nagkukulitan.
"Mahuli magtatabi!" Sigaw ni Ram habang palapit sa akin pero nang mapagtanto niyang ako ang nag-aayos ng hapag ay natigilan ito at napayuko, maging si Zen na kasunod nito ay natigilan rin.
"A-ah, kain na tayo?" Alanganin kong aya sa kanila, tila naman nagising si Zen at mabilis na umupo sa kabisera.
"Oopps! First ako kaya ikaw ang magtatabi pagkatapos nating kumain Ram!" Tukso pa nito sa batang biglang natauhan at napalabi.
"Andaya nyo naman eh." Naupo na ito at tahimik na nagdasal na sinabayan namin ni Zen.
"Selfie muna tayo!" Masiglang sabi ng binata at mabilis na hinugot ang kanyang cellphone sa bulsa.
"Huh? B-bakit naman? Simpleng tanghalian lang naman ito?" Napatingin ako sa ginisang monggo, fried chicken at lakatang saging na nakahain sa mesa.
"Tayong tatlo lang kaya samantalahin na nating kasya tayo sa screen."
"What about manang?" Nagninilay-nilay na tanong ng anak ko at sya namang sulpot ni manang dala ang tray na may pagkain.
"Mauna na kayo't pakakainin ko muna si Rose at nang makainom ng gamot." Hindi na nito hinintay ang aming sagot at tumalikod na.
Bago pa ako makahuma ay hinila na niya kami ni Ram palapit sa kanya at itinutok ang cellphone sa aming mukha na halos magkakadikit na.
"One, two, smile!" Pareho kami ni Ram na maliit ang ngiti habang si Zen ay tila mapipilas na ang pisngi sa lawak ng kanyang ngisi. Nang makuntento sa dalawang kuha ay agad kaming bumalik sa pwesto, hindi na ako nagulat nang kunin niya ang kanin at lagyan ang pinggan ni Ram.
Hindi ko lang inaasahan na pati ang akin ay sasalinan niya habang hindi pa rin napapalis ang matamis niyang ngiti.
"Hindi pa magaling ang kamay mo, 'wag mo masyadong ikilos." Ipinag-kibit balikat ko nalang dahil parang wala lang naman iyon sa kaniya.
Panaka-nakang nag-aasaran ang dalawang lalaki tungkol sa video game habang maganang kumakain, ako naman ay nakuntento na sa panonood sa interaksyon nilang dalawa.
"Anak gusto mo ba ng saging?" Tanong ko kay Ram nang mapansing umiinom na siya ng tubig tanda ng pagtatapos ng kanyang pagkain.
"Ayoko po." Sagot niyang may kasama pang iling, hindi ko alam kung bakit pero hindi talaga siya mahilig sa saging. Mansanas at avocado ang paborito niyang prutas, dinukwang ni Zen ang bungkos ng saging at pumilas ng isa. Binalatan niya iyon at iniabot kay Ram.
"Son, a banana a day keeps the doctor away." Biro pa nito.
"S-son?" Nakamulagat na tanong ni Ramiel, namimilog ang kanyang mga mata.
"H-ha? A-ah, e-eh ano..." biglang nataranta at namutla ang mukha ni Zen, parang bigla siyang nahirapang huminga.
"W-what I mean is..." Inabot ko ang kamay niyang nasa ibabaw ng mesa at bahagyang pinisil, nang lumingon siya sa akin ay kita roon ang paghingi niya ng tulong. Tinanguhan ko siya at binalingan ang anak namin.
"Anak, hayaan mo akong magpaliwanag. Please Ram, pagbigyan mo na si mommy?" Nakahinga ako nang maluwag nang bahagya siyang tumango. Tumayo ako at lumuhod sa tapat ng upuan niya, hinawakan ko ang maliliit niyang kamay.
"Patawarin mo ako anak, ako lahat ang may kasalanan. Huwag kang magalit sa d-daddy Diesel at kay Z-zen dahil itinago ko rin sa kanila ang totoo. Akala ko mas ikakabuti 'yon ng lahat, pero nagkamali ako, hindi lang ako ang nasaktan. Pati kayo nadamay pa, si Diesel, si Zen, at lalo ikaw anak. Alam kong sobrang laki ng kasalanan ko pero sana 'wag kang magalit sa dalawang t-tatay mo. Dahil mahal ka nila, sa ngayon ay nagugulahan ka pa pero balang araw ay mauunawaan mo rin ito. Ang hiling ko lang anak, 'wag kang magtanim ng galit sa puso mo. Hindi para sa amin pero para sa ikatatahimik ng isip mo anak, pag-aralan mo sanang mapatawad si mommy?" Naluluha ako ngunit pinigilan ko iyon, kailangang mas maging matatag ako sa magiging reaksyon ni Ram at hinding hindi ko siya susukuan kahit habang buhay akong humingi ng tawad sa pagkakamaling nagawa ko.
"I'm s-sorry mommy, I love you po. K-kayo nina daddy. Pati si daddy Zen." Bumaling it okay Zen at mabilis naman iong niyakap ng binata. Kahit naiiyak ay napangiti ako sa tagpong iyon.
Sa wakas ay naalis na ang kamay na sumasakal sa puso ko, mukhang unti-unti ko nang maayos ang lahat.
BINABASA MO ANG
Rebel's Death Angel #Wattys2015
RomanceMasaya ang buhay ng malambing na batang si Angelique, maalwang buhay, masaya at buong pamilya. Ngunit nagbiro ang kapalaran, isang araw nagising nalang siya bilang Azrael. Malayo sa dati niyang katauhan, naging matapang siya at palaban dahil na rin...