"A-azrael?!" Gulat at takot ang tinging ibinigay sa akin ni Diesel, si Tori naman ay tila hindi makapaniwala.
"No, no... m-mali ang iniisip mo. I can explain. Please let me tell you everything." Natatarantang wika ng lalaki, umiling ako at tiningnan siya ng masama.
"Narinig ko lahat Diesel! Tama na! Tanggapin nalang natin..." iniwasan ko ang tingin niya at nagpatuloy sa pagod na boses "tanggapin mo nang hindi tayo nakatakda."
"That's not true, Azra. I love you, please! Mahal na mahal kita!" Mabilis itong lumapit sa harap ko at nanginginig na hinawakan ang dalawa kong kamay, naramdaman ko ang pagkatensyon ni Zen ngunit hindi ito umimik.
"I'm begging you Azra, forgive me. T-tori, I just met her noong mga panahong nagka-amnesia ako. I told you, 'di ba na-kwento ko nang nawalan ako ng memorya and she made me believe na kasal kami. Biktima ako, can't you see? I'm also a victim here kaya huwag mong sabihin 'yan. Please?! Mahal na mahal kita and I will do everything para hindi tuluyang masira ang marriage natin." Muling nangilid ang luha sa aking mga mata, napatingin ako sa kanya ng halikan niya ang likod ng mga palad ko.
"Hindi ko naman taktakbuhan ang anak ko sa kanya, I will take responsibility. Pero para mo nang awa... huwag mo akong iwan. Hindi ko kayang mabuhay ng wala ka." Paos ang kanyang boses sa pagsususmamo, unti-unting nalaglag ang butyl ng kanyang mga luha.
"Masakit din 'to sa akin Diesel, matagal na panahon kitang minahal. Kahit kailan, hindi magiging madali ang makipaghiwalay sa'yo..." unti-unti kong inalis ang kapit niya sa akin, lalong lumatay ang sakit sa kanyang mga mata. "Pero ina rin ako, kaya sa pagkakataong ito... ako naman ang makiki-usap sa'yo Diesel, ayusin mo ang relasyon mo kay Tori. Siguro nga niloko ka niya pero hindi mo naman siya paniniwalaan sa mga kasinungalingan niya kung wala kang nararamdaman para sa kanya. Kaya pakiusap, buoin mo ang pamilya niyo at alagaan mo silang mabuti... lalo na ang... ang a-anak niyo."
Umiling ito at muling sinubukang lumapit sa akin pero mabilis na humarang si Zen, naglaban sila ng titigan at parehong nag-ngangalit ang mga bagang.
"Stay out of this." Madiing utos ni Diesel pero hindi nagpatinag si Zen.
"You'he hurt them enough, hindi ko na papayagang saktan mo pa siya." Lalong dumilim ang mukha ni Diesel at mabilis na nagpakawala ng suntok para kay Zen. Hindi naman nagpahuli ang isa at agad na gumanti kaya napatili kami ni Tori.
"Tigilan niyo 'yan! Ano ba?! Tama na!" Sigaw ko at pumagitna sa kanila, halos ma-ipit ako pero hinawakan ni Zen ang baywang ko bago maliksing umurong. Natigilan naman si Disel nang makita ako sa harap ni Zen.
"Huwag kang mangialam dito Zen, you're not involved in this!" Sigaw ni Diesel na tila susugod na naman.
"Tapos na 'to Diesel! Hintayin mo nalang ang annulment papers sa loob ng isang linggo." Walang emosyon kong hayag at mabilis na hinila ang kamay ni Zen palabas doon, palayo sa kanila.
Tahimik kaming lumulan sa elevator, walang umiimik. Halos nakabibingi ang katahimikan hanggang maka-uwi kami sa bahay nina mama. Nakahinga ako nang maluwag nang katulong lang ang makasalubong ko hanggang makarating sa aking kwarto, binuksan ko iyon at wala sa huwisyong pumasok, isasarado ko na sana ang pinto nang may pumigil doon.
Pag-angat ko nang tingin ay nag-aalalang mata ni Zen ang bumungad sa akin, tahimik niyang kinuha ang kanang kamay ko at inilagay doon ang isang baso ng tubig. Iniwasan ko ang titig niya.
"S-salamat... gusto ko munang mapag-isa." Napabuntong-hininga ito at marahang tumango.
"Ako nang bahalang sumundo kay Ram, you rest... okay?" Bahagya akong tumango bago naramdaman ang paglapit niya sa akin, maingat niya akong ibinalot sa kanyang mga braso at mabilis na hinalikan sa gilid ng noo.
Tulala pa ring isinarado ko ang pinto at tinungo ang aking kama, walang buhay kong ipinatong ang baso sa bedside table. Hindi maalis ang mata ko sa baso ng tubig, natatakot akong kapag iginalaw ko iyon ay tuluyang malaglag ang mga luhang pinipigilan kong kumawala.
Matagal akong nakatitig sa kawalan hanggang unti-unti nang bumigay ang mga mata ko, pumikit ako ng mariin upang pigilan ang tuloy-tuloy na pagdaloy ng tubig sa mga mata ko. Pero kahit anong gawin kong pikit at tuloy-tuloy parin ang pagkabasa ng aking mga pisngi, hindi nagtagal ay nagkaroon na rin iyon ng tunog. Umupo ako sa sahig, niyapos ang aking mga binti at ipinatong ang aking noo sa aking mga tuhod, sa huli ay hindi ko na napigilan ang pag-hagulgol. Kinain ng tunog ng pag-iyak ko ang aking kwarto, ang katahimikan ay napuno ng ingay ng sama ng loob.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiyak, dahil nakatulugan ko nang basa pa rin ang mukha.
Na-alimpungatan ako nang maramdaman ang pagdantay ng braso sa aking tiyan, unti-unti akong nagmulat ngunit kadiliman ang bumati sa akin, ilang beses akong nagmulat at pumikit upang maayos ang aking paningin. Pagharap ko sa aking kaliwa ay bumulaga sa akin ang mukha ni Ram. Inangat ko ang aking kamay at magaang hinaplos ang kanyang natutulog na mukha.
Masuyo akong napangiti nang marinig ang mabini niyang paghilik, hinalikan ko siya sa noo at niyakap ng mahigpit. Nagulat ako nang lumapat ang aking kamay sa malapad na katawan, nanlaki ang aking mga mata at dahan-dahang umupo. Napatanga ako nang makitang natutulog nang mahimbing sa kabilang gilid ni Ram ang tatay niya.
BINABASA MO ANG
Rebel's Death Angel #Wattys2015
Roman d'amourMasaya ang buhay ng malambing na batang si Angelique, maalwang buhay, masaya at buong pamilya. Ngunit nagbiro ang kapalaran, isang araw nagising nalang siya bilang Azrael. Malayo sa dati niyang katauhan, naging matapang siya at palaban dahil na rin...