A/N: Pasensya na po kung may mali sa ibang infos. Paki-PM po ako if may iko-correct kayo kasi hindi ako familiar sa medical terms and stuff.
Anyways, may we all have a happy, safe and prosperous NEW YEAR! Salamat at goodbye 2014. Let’s all WELCOME 2015! Yahoooo!
-=-=-=-=-=-=-=-=-=-
“Erin,” nadatnan namin siya sa may emergency room habang nakasubsob sa dibdib ng nobyo nito.
“Azra!” Mabilis itong tumayo at yumakap sa akin, naramdaman ko ang pag-iyak niya. Tinapik-tapik ko ang likod niya at malumanay na inakay upang muling maupo.
“Anong nangyari?” Tanong ko habang lumalayo siya sa akin.
“N-nagluluto lang sila ni mama when we s-suddenly heard her scream. Napatakbo kami ni papa sa k-kusina then found him lying on the floor habang sinusubukan siyang g-gisingin ni mama. She went hysterical nang hindi pa rin gumigising si Z-zen at napasok na sa E.R.. Kinailangan siyang bigyan ng pampakalma dahil t-tumataas ang blood pressure niya. She’s in a private room right now with dad.” Pagkwe-kwento niya sa gitna ng manaka-nakang pag-iyak.
Napa-isip ako at bahagyang tumango. “Tumahan ka na, baka naman na-over fatigue lang si Zen. Huwag tayong masyadong mag-alala.” Nang pinahid niya ang mga luha ay nagpaalam na akong pupuntahan si mama.
Naabutan namin si papa na hawak nang mahigpit ang kamay ng natutulog na asawa, parang may mainit na kamay ang humaplos sa puso ko sa nasaksihang eksena. Nakakatuwang isipin na lumipas man ang mahabang panahon ng pagsasama ay tila mas lalo pang tumibay ang nararamdaman nila para sa isa’t isa.
Lumapit ako sa kanila at hinawakan ang balikat ni papa, pinatungan niya ang kamay ko ng libre niyang kamay.
“Magiging okay rin ang lahat pa,” paniniguro ko sa kanya.
“Natakot lang ako kanina, anak, she has the same reaction when we found out that you’re missing. Parang bumalik ang araw na ‘yon, ayoko nang maranasan pang muli iyon. Ang pagkawala ng anak namin, ang araw-araw na pag-iyak ng mama mo. Napakalungkot ng mga panahong iyon, hanggang ngayon, hindi nawawala ang takot ko na baka isang araw may mangyaring masama—”
“Pa. Huwag niyong isipin ‘yan, kung hindi pa natin alam baka may hang-over lang si Zen. Alam niyo namang halos araw-araw laman ‘yon ng mga bar, idagdag niyo pang maraming trabaho sa opisina.”
“Sana nga anak, sana nga.” Napabaling kami ng tingin kay mama nang magsalita ito.
“S-si Zenki?” Mahina nitong tanong, lumapit ako sa kanya at hinalikan ito sa noo.
“Nasa ibang kwarto na ma, natutulog lang siya.” Pagsisinungaling ko, baka maalarma na naman siya ‘pag nalamang nasa E.R. pa rin si Zen.
“I want to see him.” Tinangka niyang bumangon na agad ko namang pinigilan.
“Mamaya na po, bilin din ng doktor na magpahinga kayo. ‘Wag na kayong mag-alala at binabantayan naman siya nina Erin at Kurt.”
“Gan’on ba? A-anong sabi ng doktor? Why did he lose consciousness?” Ilang Segundo akong natigilan nang biglang may kumatok sa pituan.
“Come in,” permiso ni papa. Magkakasunod na iniluwa ng pinto sina Kurt, Erin at ang doktor.
“Doc, ano po ang lagay ng anak ko?” Agad na tanong ni mama, inakbayan ko siya upang mapalagay.
“Ma, hindi makakatulong ang pagpa-panic. Kumalma ka lang dahil kung hindi niyo kaya mas mabuti pang sa labas nalang kami mag-usap ni doc.” Umiling siya at huminga ng malalim, bumaling ako sa doktor at tinanguhan ito.
“Your daughter is right misis. Hindi po kayo dapat na magpadala sa inyong emosyon. Meron pong anemia ang pasyente.”
“Anemia? Ibig niyong sabihin ay hindi balanced ang dugo ng kapatid ko?” Tanong ni Erin.
“Aplastic anemia to be exact. Nasisiguro kong gagaling ang anak niyo dahil maagang natuklasan ang kanyang sakit. Therapy ang inirerekomenda ko para sa kanya ngunit mas mabuti kung magsasagawa tayo ng bone marrow transplant.”
“You mean to say he needs surgery?” Usisa ni Kurt.
“Not necessarily. Like what I said earlier, maagang na-diagnose ang kanyang sakit. Therefore nasa early stage palang ito. Pinakamabisa lamang na solusyon ang bone marrow transplant ngunit kung walang magma-match sa inyo maaari na ang therapy na mas mahaba lamang ang proseso.”
“Pagkatapos po ba ng therapy masasabi nang magaling na siya?” Pagliliwanag ko.
“Hindi natin ‘yan masisiguro, other patients who had undergone to the therapy encountered relapse after some years. Hindi rin natin masasabi kung gaano katagal ang therapy, slim chance of five years, kung seswertehin matagal na ang isang taon. But to inform you mas maraming pasyente ang hindi na nagkaka-relapse with the bone marrow transplant. I advice within a month, if he will undergo with it."
“I assure you, with the technology of this generation mabubuhay pa ng matagal ang pasyente.”
“Magpapa-test po kami, sino-sino po ba ang candidate to be a donor?”
“As long as you’re healthy and will match with the patients genetics. In most cases, parents, siblings and their own child ang mga donors. The more, the better.”
“HAPPY NEW YEAR!!!”
Sabay-sabay na sigaw namin nang sumapit ang ika-labing dalawa ng hating gabi, opisyal na taong 2015 na. Pero sa likod ng tawanan at kasiyahan ay ang katotohanang may sakit si Zenki.
Pilit itinatago nina mama, papa at Erin pero nararamdaman ko pa rin ang takot sa kanila. Next week ay magsisimula na siya sa therapy, lubhang ikinakabahala nila ang pagka-diskubreng hindi nag-match si Erin kay Zen at dahil ito lang ang tunay na kadugo ng lalaki mapipilitang dumepende nalang sa chemotherapy. Sinusubukan nilang i-trace down ang iba nilang kapamilya ngunit sa iksi ng oras baka hindi na rin maka-abot pa.
“Mom,” tawag sa’kin ng anak ko, kasalukuyan kaming nasa hardin at magsisimula na sanang kumain. Masasabing malaki ang party para sa taong ito kumpara sa mga nakaraan dahil imbitado rin ang ilang mga kaibigan at kamag-anak.
“Ano ‘yon Ram?” Tanong ko habang sinasalinan ng inumin ang kanyang baso.
“Why is there a lot of people here? Hindi ko po kilala ‘yong iba eh.” Naka-nguso nitong wika, may pagkamahiyain kasi ito at mailap sa maraming tao.
“Ah, para mas masaya anak. Dati kasi hindi natin nakakasama sina tita Erin at t-tito Zen kaya ngayong nandito sila nag-invite din ng iba nilang kaibigan.” Malumanay kong paliwanag, hindi pa rin nawawala ang pagkaka-nguso niya.
“Tapos tito Zen doesn’t play with me anymore, I miss beating him on NBA 2K15.” Madalas kasing ang dalawa ang magkalaro sa play station kaya hindi maiwasang hanapin ito ng bata. Dahil sa mga test ay pabalik-balik ang binata sa ospital at hindi napipirmi sa bahay.
“Medyo busy kasi siya sa ngayon, hayaan mo, siguradong makikipaglaro na siya ulit sayo ‘pag may time na siya. Okay?” Naka-ngiti nang tumango ito at sumubo ng paborito nitong lasagna.
“Azra, bakit ‘yan lang ang kinuha niyo?” Usisa ng papalapit na si mama, mag-isa lang siya dahil busy pa sa ibang bisita sina papa.
“You should get more, lalo ka na Ram.” Dagdag nito nang ganap na maka-upo sa mesa namin.
“Okay na po ‘to ma. For sure naman, hindi mauubos ang handa sa dami ng hinain natin. Sobra-sobra pa nga tayo lalo na sa prutas, siguradong seswertehin tayo this year.” Naka-ngiti kong sabi pero unti-unti nabawasan ang sigla ng mukha niya.
“I hope so anak, sana swertehin si Zen sa therapy at mabilis na maka-recover.” Naluluha na naman nitong saad habang nakatingin sa binatang natatawa sa sinabi ng kausap nito, hinawakan ko ang kamay niyang nakapatong sa lamesa at marahang pinisil.
“Huwag kayong mag-alala, siguradong diringgin ang dasal niyo.” Mas masuyong ngiting garantiya ko.
Sa isip ko ay isang bagay ang unti-unting nabubuo.
BINABASA MO ANG
Rebel's Death Angel #Wattys2015
RomanceMasaya ang buhay ng malambing na batang si Angelique, maalwang buhay, masaya at buong pamilya. Ngunit nagbiro ang kapalaran, isang araw nagising nalang siya bilang Azrael. Malayo sa dati niyang katauhan, naging matapang siya at palaban dahil na rin...