-Azrael-
Bigla akong nabalisa, sa tagal ng panahon na hindi ko siya nakita, hindi ko inaasahang makakaharap ko pa siyang muli. Huling balita ko ay nag-abroad siya at pinamahalaan ang chocolate company nila sa New Zealand.
“I thought my imagination was just playing a trick on me, buti nalang I took the chance to verify.” Magiliw niyang kwento habang naka-ngiti at nakatitig sa akin, bumaling ang atensyon namin kay Anel nang bigla siyang tumayo at nagpaalam.
“Errr… bebegirl, I need to go. May bilin nga pala si Gucci sa’kin. Byebye!” Mabilis siyang lumapit sa’kin at humalik, hindi na ako nakahuma nang halos takbuhin niya ang palabas ng coffee shop. Napa-iling nalang ako sa ginawi niya, alam kong gusto niya lang na magkasarilinan kami ni Diesel at mag-usap.
“H-hi! Ahm, okay naman ako… Ikaw?” Medyo asiwa kong tanong, naupo siya sa tapat ko.
“Just fine, minsan stressed sa trabaho pero kinakaya naman.”
“Mabuti naman…” bahagya akong napatango at nag-iwas ng tingin.
“You know, I looked for you.” Biglang sumeryoso ang kanyang tono, kumupas ang kanyang ngiti. Hindi ko naman malaman ang dapat kong maging reaksyon.
“We just had our fourth monthsary then you suddenly disappeared. Kahit sina ate Chanel hindi alam kung saan ka nagpunta.” Unti-unti kong ibinalik sa kanya ang aking paningin.
“Hinanap ko ang tunay kong pamilya.” Deretso kong sagot, nanlaki ang kanyang mga mata.
“You found them? You should have told me para natulungan kita.”
“Oo, kasama ko na sila ngayon. Pasensya ka na, magulo kasi ang utak ko noon. Halos hindi ko matanggap ang pagkawala ni nanay.” Napakagat-labi ako nang maalala ang mga nangyari nang panahong iyon, hindi kami makapaniwala nang tinaningan ng doktor si nanay matapos malamang nasa stage four na ang brain cancer na gumupo sa kanya. Hanggang ngayon, nalulungkot pa rin ako tuwing nai-isip na wala akong nagawa upang mailigtas ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.
“Naiintindihan ko Azra, and I’m glad nahanap mo na ang pamilya mo.” Muling gumuhit ang ngiti sa kanyang mukha, bahagya na rin akong napangiti. Maganda sa pakiramdam ‘pag may isang bagay na nabitin sa ere ang nalagyan ng katapusan.
“Mom!” Otomatikong napalingon ang ulo ko nang marinig ang tawag na iyon, namataan ko ang tumatakbong si Ramiel patungo sa amin. Walang alinlangang humalik siya sa aking pisngi nang ganap siyang makalapit. Habang si Diesel naman ay natulala sa nasaksihang eksena.
“Ram? How did you find me? Tapos na ba ang karate class mo?”
“Yes po, ate Mika told me you’re here.” Tukoy niya sa sekretarya kong akalain nyo bang kasama ko pa rin hanggang ngayon?
“A-anak mo?” Animo wala sa sariling tanong ni Diesel, may pilit na ngiting tumango ako sa kanya.
“Eto nga pala si Ramiel, my son. Ram this is your tito Diesel, dating kaibigan ni mommy.” Pagpapakilala ko sa dalawang lalaki.
“Nice to meet you po tito Diesel!” Masiglang bati ng anak ko, napalitan naman ng malawak na ngiti ang ekspresyon ng binata.
“My pleasure Ram.” Inamba nito ang palad at mabilis namang nakipag-high-five ang bata.
“Are you coming with us tito?” The kid excitedly asked him.
“Ha? Saan?”
“No anak, busy ang tito mo. Huwag na natin siyang abalahin.” Sambot ko sa nalitong binata.
“Hindi, hindi Azra. It’s my free day, I’d love to come with you. Sasamahan ko kayo.” Nakabawi rin ito kaagad.
“Yehey! Tara na po, tayo na!” Hinila kami ni Ram sa tig-isang kamay, wala na kaming nagawa kundi bumigay sa makulit ngunit nakakatuwa kong anak. I gave Diesel an apologizing smile and he answered me with a wink! Naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng mukha ko.
Nahihilong bumaba ako mula sa kotse ni Diesel, kapaparada pa lang niya sa tapat ng aming bahay. Narinig ko ang pagbukas-sara ng pinto sa likod ng kotse, hindi nagtagal ay kalapit ko na ang binatang dala sa kanyang mga kamay ang anak kong tulog na tulog.
“Pasensya ka na Diesel, nadamay ka pa sa nakakapagod na araw na ‘to.” Nagsimula kaming maglakad papasok sa gate, agad kaming namataan at pinagbuksan ng guard.
“No prob. Nag-enjoy talaga akong kasama kayo.” Star City ang pinang-galingan namin kaya sadyang na-ubos ang enerhiya ni Ram sa maghapong katatakbo at kasasakay sa mga rides.
“Sana hindi mo masamain Azra pero nas’an ang tatay ni Ram? Bakit hindi niya kayo sinamahan?” Parang lalo akong nahilo sa tanong niya.
“Ah… wala na, nasa abroad at matagal na kaming walang communication.” Nakahinga ako ng maluwag nang mapansing malapit na kami sa main door ng bahay.
“S-sorry, I didn’t intend to…”
“Alam ko, it’s nothing. Huwag kang mag-alala.” Napakunot ang noo ko nang makarinig ng ingay mula sa bahay, diyata’t may bisita sina mama.
“Does it mean single ka ngayon Azra?” Napatingin ako kay Diesel at napa-irap.
“Bakit? Kasi single ka?” May katarayan kong tanong.
“Technically, hindi…” nalukot ang muka ko sa sagot niya “…kasi wala naman tayong formal break-up.” Nasa tapat na kami ng nakabukas na malaking pinto pero napatigil ako at napa-tanga sa kanya. He was grinning boyishly! Agad ring napukaw ang atensyon ko nang tawagin ako ni Mama.
“Azra! Naku! Sayang naman at nakatulog si Ram.” Lumipad ang tingin ko sa kanya at sa mga taong nasa likod niya. Sina papa, Zen at Erin na may kanya-kanyang baso ng alak at pare-parehong nakatingin sa amin.
Hindi ko napigilan ang pagpormal ng aking mukha dahil sa hindi inaasahang mga bisita, akala ko’y sa susunod na linggo pa ang dating nila.
BINABASA MO ANG
Rebel's Death Angel #Wattys2015
RomanceMasaya ang buhay ng malambing na batang si Angelique, maalwang buhay, masaya at buong pamilya. Ngunit nagbiro ang kapalaran, isang araw nagising nalang siya bilang Azrael. Malayo sa dati niyang katauhan, naging matapang siya at palaban dahil na rin...