1

2.5K 80 7
                                    

A/N: Woah, na-miss ko 'to.. hhihihih XD ... almost 1 week akong wlang net kya ngaun plang ako mg-rereply s mga messages at comments.. Gomen! Salamat s paghintay ng UD nito, esp s mga ng-1st comments, EnnaTori14, ThaliaCruz, Carmela4656 at Ms_Friendly123 ... Thank you!

P.S. Thank God mukhang hindi nman ako mwawalan ng net for 1 month.. ansaya saya!!! XD

❤❤❤

-Azrael-

"Kaninang umaga ko pa ibinilin 'yan, mag-uuwian na't lahat hindi pa rin tapos?" Kunot noo at taas kilay kong kwestyon sa aking sekretarya.

"Sorry po ma'am. Nahirapan po kasi ang accounting department na hanapin 'yung files kaya hindi ko po agad nagawa 'yung summary." Nakayukong sagot nito.

"Gaano ka na ba katagal dito? Hindi ba dapat may files ka na n'yan?" Pumikit at napahawak ako sa aking sentido, sumasakit ang ulo ko dahil sa babaeng ito.

"Three years po, na-virus po kasi 'yung computer ko kaya nabura ang copy ko." Pahina ng pahina ang boses ng kausap ko.

"Dapat may back up ka! Bumili ka ng external hardrive para may kopya lahat ng files mo!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

"O-okay po. C-can I pass it t-tomorrow ma'am? Fifteen minutes nalang po kasi uwian na, promise po tatapusin ko sa bahay para bukas ng umaga nasa table niyo na po."

"Tapusin mo 'yan ngayon, hindi ka uuwi hangga't walang lumalapat na report sa kamay ko." Muli kong ibinalik ang aking atensyon sa laptop na siya kong pinagkaka-abalahan bago dumating si Mika, narinig ko na lamang ang mabagal niyang paglalakad at ang pagsara ng pinto ng aking opisina.

Nanghihinang sumandal ako sa aking swivel chair at hinayaang kumalma ang inis na kanina ko pa pinipigilang sumabog. Makalipas ang ilang minuto ay tumayo ako at binuksan ang pinto ng aking banyo na agad ko ring isinara ng sumalubong sa akin ang nakakahilong amoy ng pabango. Dapat kong papalitan ang pabango na 'yon.

Wala akong nagawa kundi pumunta sa common powder room ng mga empleyado, marahan kong itinulak ang pinto, nakasanayan ko nang hindi gumawa ng ingay kaya hindi namalayan ng mga nasa loob ang aking presensya.

"Masungit talaga, ang bata-bata pa pero parang matandang dalaga ang ugali." Abala sila sa pagre-retouch pero abala rin ang kanilang mga bunganga, hindi ko na sila pinansin at pumasok nalang ng tahimik sa isang cubicle.

"It's just her second day pero nabago niya na ang atmosphere dito." Sagot ng boses na nakilala kong pag-aari ng aking sekretarya.

"Naku! Kung ako kina sir Romeo at madam Juliet mag-aalangan ako, aba, bigla nalang sumulpot 'yan 'di ba? Sobrang layo sa ugali nila, lalo na si Miss Erin. Sana siya nalang ang nandito at ang bruha na 'yan ang pinatapon sa Japan para wala nang terror." Atribidang sagot ng isa pang boses na ikina-panting ng tenga ko.

"May be she's like that kasi nalayo sa pamilya. I heard na-kidnap 'yan eh, I checked it on the net kaya." So nag-research pala si Mika tungkol sa akin.

"Sabagay, may point ka rin sis." Wika ng na-unang boses.

"Kahit pa, mali ang ginagawa niya. Ano, por que't may nangyaring hindi maganda sa kanya ibubunton na niya ang galit sa katulad nating maliliit."

Nang matapos ko ang aking dapat gawin ay ubod lakas kong binuksan ang pinto ng cubicle na siyang nagpatahimik sa kanila. Si Mika ay naglalagay ng fresh powder sa mukha, habang ang isa ay nagsusuklay at ang ikatlo ay nagpapahid ng pulang lipstick. Lahat sila ay animo na-estatwa at nanlaki ang mga mata ng makilala ako.

Matatalim ang mga titig na itinapon ko sa kanila habang naglalakad palapit, nakatalikod sila sa'akin at nagtatama lang ang aming mga mata sa pamamagitan ng malaking salamin na kanilang kaharap. Tingin ko ay tumigil sila sa paghinga, isinuot ko ang mukhang mas malupit pa tuwing nagtataray at nanenermon ako. Malamig, kalmado at tila kayang pumatay.

Rebel's Death Angel #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon