31

550 19 16
                                    

A/N: Play the vid guys, that's Kurt.. a music genius and producer.. nice nung balloons/petals surprise! Miss ko na votes and comments nyo ;(

=-=-=-=

"Diesel?"

Unti-unting umahon sa sofa ang tinawag ko, naglakad siya palapit sa amin nang hindi inaalis ang tingin sa mata ko.

"Uh... hi." Sabi niya nang ganap na makaharap sa'kin at huminto sa tapat ko.

"Azra, I'll just tuck Ram in his bed." Para akong nagising sa panaginip nang magsalita si Zen sa tabi ko, sunod-sunod akong napatango bilang pagpayag sa sinabi niya. Hindi lumilingong pumanhik na sila sa hagdan.

"I know you're wondering kung bakit ako nawala ng matagal..."

"Matagal ka ngang nawala, pero hindi mo kailangang magpaliwanag. Bago ka pa nawala, alam naman natin kung saan patungo ang relasyon na 'to. Pero sige, makikinig ako. Maupo tayo dahil mukhang mahaba ang sasabihin mo." Walang emosyon kong pagputol sa pagsasalita niya at umuna nang maupo sa sofa. Napalitan na ng sama ng loob ang dating pag-aasam kong magka-ayos pa kami, pagkalipas ng anim na buwan mula ng mawala siya ay sumuko na rin ako para sa amin.

"You're right. Nang panahon na 'yon sa, hiwalayan ang patutunguhan natin. Plano ko lang sana na magbakasyon ng ilang linggo bago natin pag-usapan ang divorce. Since it's just a civil wedding and the fact that we did not consummate the marriage... I'm pretty sure mabilis itong mapa-process..."

Bahagya akong napakislot sa sinabi niya, totoo ang lahat ng 'yon pero kahit inaasahan ko na, hindi maiiwasang maapektuhan pa rin ako.

"I wanted to do some soul searching kaya bumisita ako kina mommy sa New Zealand at naisipan kong mag-mountain hiking mag-isa. Never have I thought that it will change my life..."

"Anong ibig mong sabihin? At bakit mo 'to sinasabi lahat sa akin? Ang dapat nating pag-usapan ay ang diborsyo."

"I had an accident Azra... Isang buwan akong na-comatose." Hindi niya inaalis ang titig niya sa mata ko habang binibitiwan ang mga salitang iyon.

"A-ano?"

"That's the truth Azra, kaya hindi ko kayo na-contact ng mahabang panahon."

"P-pero bakit hindi sinabi sa'min ng pamilya mo? Asawa mo pa rin ako, karapatan ko pa ring malaman ang nangyari sayo." Naguguluhang wika ko.

"Bago ako nag-hiking, na-kwento ko na kay mommy lahat ng nangyari sa atin. That must be the reason kung bakit nag-dalawang isip siya to inform you."

"Isang buwan? Diesel, isang taon kang nawala. Niloloko mo ba ako? Ano, gumaganti ka?" Nararamdaman ko ang pagkawala ng pasensya ko.

"No Azra, the thing is nagka-amnesia rin ako." Bumagsak ang panga ko sa sahig, napakaraming rebelasyon ang binubunyag ng lalaking ito ngayon.

"Last month ko lang na-regain ang memories ko, ang totoo last month ko lang din nakita sina mommy. May nagmagandang loob na kupkupin ako noong mga panahong wala akong maalala. At ikaw Azra, kayo ni Ram ang unang pumasok sa isip ko nang bumalik ang memorya ko."

"I... E-ewan ko Diesel, parang... parang ang hirap paniwalaan sa dami ng nangyari sayo." Nalilitong sagot ko, biglang sumakit ang ulo ko dahil sa mga sinabi niya.

"I understand, I know this is all hard to take in. But I'm not making up stories Azra. Totoo lahat ng sinabi ko sa'yo. And I will admit... I was stupid to ask for a divorce. I realized I can't Azra, please... Take me back." Napahilot ako sa sintido dahil sa sinabi niya, parang sasabog ang ulo ko sa mga pinapahayag niya.

"Alam kong nasaktan kita, but I will do everything to have you back. Kung kinakailangan, liligawan kita ulit."

"Naguguluhan ako Diesel, mabuti pa'y umuwi ka na muna." Dali-dali kong pagtataboy sa kanya, hindi ko na yata kaya 'pag tumagal pa siya ng isang minuto sa harap ko.

"For you, good night Azrael." Naunawaan naman niya at agad na nag-paalam pagka-abot ng isang bungkos ng bulaklak.

Matagal akong nakatunganga sa sala, hindi malaman ang iisipin hanggang nagpasya na akong matulog. Kinailangan kong uminom ng sleeping pills dahil kahit pagod ay ayaw pa ring magsara ng talukap ng aking mga mata.

***

Wherever you go

Whatever you do

I will be right here waiting for you

Whatever it takes

Or how my heart breaks

I will be right here waiting for you

Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata dahil sa malamyos na musika. Bigla akong napabangon at napadilat ng mapansing puno ng mga lobo ang aking kisame. Halos mapatalon ako nang mapansing may mga talulot ng pink at pulang rosas ang aking kama, maging ang sahig ng aking kwarto. Hindi naman sobrang dami pero sapat upang masabing hinanda talaga.

Agad akong bumangon at naghilamos sa aking banyo, napansin ko ang may kalakihang speaker sa may pinto na tuloy tuloy pa rin ang pagtugtog. Pagbukas ko noon ay meron pa ring mga talulot ng rosas, sinundan ko iyon hanggang makarating ako sa baba ng hagdan.

Pagpihit ko paharap sa sala ay sumalubong sa akin ang lalaking may dala ng kahon na puno ulit ng mga puti namang rosas. Sa likod niya ay si Ram, Erin, kuya at ang asawa niya habang nasa laptop screen sina mama at papa.

Hindi makapag-salitang muli kong ibinalik sa mukha niya ang aking tingin.

"Don't take this the wrong way Azra, hindi ko 'to ginagawa dahil bumalik na siya. Nakaplano na talaga 'to early this month, nagkataon lang na kagabi siya nagpakita. But let's not talk about him..."

"Ginagawa ko 'to dahil mahal kita. I love you Azrael. And whatever your decision is, I will be right here waiting for you." Napatanga at natulala ako sa naka-ngiting mukha ni Zen.

Rebel's Death Angel #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon