23

560 20 35
                                    

Para akong tanga, umiiyak, nagsisisi at nasasaktan dahil mismo sa maling desisyon ko. Akala mo ang tapang ko kung makasumbat kay Diesel na duwag siya, pero kung hindi naman sa karuwagan ko wala sana kaming lahat sa sitwasyon na 'to.

Kahit wala sa sarili ay nakauwi naman ako sa bahay ni Diesel ng matiwasay, pinahid ko ang luha ko at kinalma ang sarili tsaka tumuloy sa kwarto ni Ramiel.

"Ram... anak?" Tawag ko sa kanya pero walang sumagot, parang sinakal ang puso ko nang mapagtantong wala pa rin siya. Nagmamadaling kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si mama.

"Hello, M-ma? Si Ram po?" Agad kong usisa nang may sumagot.

"Naku, anak. Tulog na, eh... I told him na ihahatid na namin siya kanina after dinner kaso hindi pumayag... kahit anong pilit naming umuwi diyan... ayaw talaga eh..." napalunok ako at pinigil ang hikbing nagtatangkang kumawala sa mga labi ko.

"S-sige po, k-kayo na muna'ng b-bahala sa kanya." Naiiyak kong bilin.

"Don't worry anak, nagtatampo lang siguro 'to kasi hindi mo sinundo. Punta ka nalang dito bukas ha? Good night Azra." Naputol na ang linya nang hindi ako sumagot.

Iniwan ako ng anak ko, iniwan na rin ako ng asawa ko.

Ito na naman ang pakiramdam na parang manhid na ang dibdib ko sa sakit, nakakakilabot ang pakiramdam na wala ka nang makapa sa dibdib mo. Ang dilim, parang lahat ng tingin mo sa paligid mo itim. Katulad nalang ng malaking telebisyon na nakasabit sa dingding,

Blanko ang matang lumapit ako dito, kuyom sa mga palad ang may kalakihan kong cellphone. Walang alinlangan, ubod lakas kong ibinato sa telebisyon ang aparato sa aking kamay. Nabutas ang screen pero hindi pa ako nakuntento, nilapitan ko ito at pinaghahampas.

Nagdudugo na ang kamay ko pero wala akong pakialam, sa sobrang galit ko hindi ko na naramdaman ang kirot. Oo, galit ako. Galit na galit sa sarili ko.

"WALA NA AKONG GINAWANG TAMA! ANG TAHIMIK NA BUHAY NA PANGARAP KO! TULUYANG NASIRA! ANG SIMPLE LANG NAMAN NG GUSTO KO! MASAYANG PAMILYA! BAKIT HINDI KO MAKUHA! ANO!? ANONG MALI SA AKIN! SIMULA NOON! HANGGANG NGAYON PINAGKAKAIT MO PA RIN! GINAWA KO ANG LAHAT PARA MAGING MASAYA SI RAM! SINA MAMA'T PAPA! PERO BAKIT AKO, BAKIT HINDI AKO TULUYANG SUMAYA!?"

Napaluhod ako sa pagod. Napahagulgol ako nang tuluyan kong masira ang walang kamalay-malay na T.V., bumabalik-balik sa utak ko ang itsura nina Ram at Diesel, 'yung masasaya naming oras kapag nagkukulitan kami, kapag nakakatulog sila nang magkayakap, 'yung inaasar nila ako't pinagtutulungan.

Hanggang sa ang umiiyak at bigo nilang mukha ang sumulpot sa isip ko. Ang sakit at pagkadismayang bumalatay sa mga mata nila dahil sa akin. Ang masasakit nilang salita na hinding hindi ko na makakalimutan. Ang pareho nilang pagtalikod.

Biglang bumukas ang pinto at isang bulto ng lalaki ang naaninag ko, hindi ko na siya malinaw na makita dahil sa luhang hindi pa rin naaampat.

"What the fuck Azra!" Napayuko ako nang makilala ang boses nito, umasa akong si Diesel siya, akala ko nagsisisi na ang asawa ko at sinundan ako. Hindi pala, ito pa ang isang pinagkaka-utangan ko rin.

"Anong nangyayari sa'yo? Stand up." Itinayo niya ako at inalalayang maka-upo sa kama, nagmamadali siyang pumunta sa banyo at nang bumalik ay may dala-dala na itong first aid kit. Lalo akong napa-iyak sa pag-aasikaso niya sa akin, hindi ako nararapat sa pag-aalaga niya.

"H-huwag." Inilayo ko ang mga kamay ko nang tangka niya itong gagamutin.

"Anong huwag Azra?! Can't you see yourself? You're damn bleeding!" May bahid nang galit ang tono niya, tama lang 'yon, dapat siyang magalit sa'kin. Malaki ang kasalanan ko sa kanya.

"Uhh.. nagpunta ako kasi nang tinanong ko si Ram tungkol sa'yo, hindi siya sumasagot. I-it's like... he's mad at you... ano ba kasing nangyari?" Litanya niya habang binabalutan ng gasa ang kamay ko.

"D-dapat lang siyang magalit sa a-akin." Muling nagbanta ang mga luha ko.

"He's just sulking, ano ka ba? You don't have to be this mad just because nagtatampo ang anak mo."

"Kung gan'on lang sana kasimple ang kasalanan ko." Napatulala ako nang pahirin niya ang luha sa mga pisngi ko at binigyan ako ng nang-aalo na ngiti.

"That's enough, 'wag ka nang umiyak. Ganyan lang talaga ang mga kabataan these days. You know what, I have a goddaughter, Enna Mae, she's sweet and smart kaso may pagka-brat. Kapag nagtatampo sa mommy niya, minsan one week niya itong hindi kakausapin. Pero kapag napaliwanagan, nagkukusa namang mag-apologize, then everything's back to normal. Lalo naman si Ram, I know he will understand, he's a great kid." Napa-iling ako at muling dumaloy ang luha ko.

"Nag-sinungaling a-ako sa kanya... sa i-inyo. L-lahat kayo n-niloko ko." Tutal masakit na, itotodo ko na para isang iyakan nalang. 'Yon nga lang, hindi ko alam kung hanggang kailan ako iiyak.

"What do you mean?" Interesado niyang tanong.

"H-hindi si D-diesel ang tatay ni Ram." Mahina kong sagot.

"Ha?!" Gulat niyang bulalas, napalunok ako at diretso siyang tiningnan sa mga mata.

"Ikaw," alanganing pahayag ko.

"Ha?!" Bulatay ang pagkalito sa kanyang mukha.

"I-ikaw ang tatay ni Ram, Zenci." Nanlaki ang kanyang mga mata, iba't ibang damdamin ang lumukob doon.

Tahimik akong naghintay sa pagwawala niya o bayolenteng reaksiyon... pero wala, sa halip ay hinila niya ang kamay ko.

"Halika, ipapagamot natin 'yan." Matatag niyang wika.

=-=-=-=-=

A/N: Please pray for the soul of my tita, Divina Valverde. Inihatid po namin siya sa kanyang resting place last Saturday.

Anyways, pasensya na kayo sa UD. Feeling ko may kulang or mali eh, hindi ko ma-grasp yung tension na gusto ko. Ano sa palagay nyo? Crappy ;( ;( ;(

PS: Otaku mode ako sa totoong name ni Zen, kung alam nyo yung 90's anime na Zenki, dun galing ang name nya, naisip ko lang na instead na K gawing C para medyo kakaiba, therefore, Zen is Zenci.

Add me up on FB: TsunderesPen Elaine

Twitter/Instagram: @tsunderespen

Rebel's Death Angel #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon