29

576 23 13
                                    

A/N: Listen to Julie Ann San Jose's Right Where you belong. Click the speaker icon

When you wake up in the storm

Trees will all be standing tall

I'll come to you you'll never be alone

When your hopes fall apart... Night is cold, day is dark

I'll give my heart, it's right where you belong

Right where you belong...

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata nang marinig ang pamilyar na tugtog, mabilis kong hinagilap ang aking cellphone at pinatay ang alarm. Napako ang mata ko sa petsa ng araw na ito, eksaktong dalawang buwan na pala mula nang huli naming nakita si Diesel.

Napabuntong-hininga ako at tuluyan nang umahon sa aking kama. Tumuloy ako sa banyo upang maligo at magbihis, nang makapag-ayos ay binitbit ko na ang mga gamit na kagabi ko pa naihanda tsaka mabilis na humalik sa natutulog na si Ram bago lumabas ng aking kwarto.

Nadatnan kong umiinom ng umuusok pang kape sa kanya kanyang tasa sina Zen at Erin, tumayo sila nang makita ako.

"Good morning sis!"

"Good morning!" Sabay pa nilang bati na ginantihan ko ng matipid na ngiti.

" 'Morning. Kanina pa ba kayo?" Si Erin ang sumagot sa akin.

"Nope, sakto lang ang dating mo. Let's go, sa daan nalang tayo mag-breakfast. Nagbaon kami ng sandwich, kape mo nga pala." Inabot ko ang binibigay niyang tasa at sumunod paglakad niya patungong sasakyan. Medyo nagulat ako nang biglang kunin ni Zen ang bag na bitbit ko, nagkibit-balikat lang siya at pinakita ang bag ni Erin na bitbit niya rin.

Kita namin pagdating pa lang ang pagkakagulo at pagkataranta ng lahat sa pag-aayos ng mga dadalhin sa aming charity event. Hindi pa lubusang sumisikat ang haring araw pero punong puno na ng sigla ang bawat isa, pagbaba namin ay nakisali kami sa paghahakot at paniniguro na walang mahalagang gamit ang maiiwanan.

Mahigit apat na oras din kaming nasa kalsada patungo sa aming destinasyon, may iba pang nahilo dahil kabundukan ang aming dinaanan. Hindi naman nasayang ang aming pagod, pagbaba ng bus ay sinalubong kami ng huni ng mga ibon at insekto. Dagli mong mararamdaman na malapit ka sa kalikasan, nakakatuwa dahil malapit ang tutuluyan namin sa isang malinis na ilog.

May ilan pa ngang hindi na nakapagpigil at nagtampisaw na agad sa tubig. Ako naman ay naglakad-lakad habang nagpapahinga ang lahat nang biglang tumunog ang aking telepono.

"Hello Ma?"

"Nanay!"

"Ram! Kamusta gising mo? Hindi na ako nagpaalam sayo kasi ang himbing ng tulog mo."

"Ang daya mo po. I asked you to wake me up kapag aalis na po kayo eh." Gumuhit sa imahinasyon mo ang mukha n'yang naka-labi.

"Sorry anak, baka kasi hindi ka na lumaki kapag naputol tulog mo eh. Papasalubungan nalang kita pag uwi ko. Gusto mo ba ng dalanghita?" Nakakita ako ng puno ng dalanghita na hitik sa bunga, hindi naman siguro masamang humingi ng kaunti.

"Ano pong dalanghita?" Inosente niyang tanong.

"Parang orange at ponkan din, pero merong mas maasim."

"Sige po! Madami po ha!" Bahagya akong natawa sa sagot niya at nagpaalam na rin n'ong tawagin ako ng aming kasamahan upang tumulong sa pagluluto ng aming ihahain sa mga bata maging sa mga residenteng dadalo.

Pagkatapos ay nilakad nalang namin ang eskwelahan kung saan kami nakatakdang magsagawa ng feeding program at medical mission, nauna nang ibinaba doon ang mga gamit at aayusin nalang namin ang mga lamesa upang nasa linya ang lahat at hindi magkalituhan.

Natoka ako sa pagsasandok ng chop suey at pritong manok, nagingiti ako sa mga batang tuwang tuwa dahil mabubusog daw sila ngayon araw.

"Ate, ano po 'yan?" Tanong ng isang maliit na bata, marahil ay pitong taong gulang ito.

"Gulay ito bhe, chop suey. Tsaka fried chicken, siguradong magugustuhan mo 'to pareho."

"Meron po palang ganyang gulay ate? Akala ko talong at adobong talbos lang ang makakain namin ngayo eh. Bumalik po kayo dito ha ate? Para po makakain ako ulit nito." Malambing niyang hiling na may kasama pang malawak na ngiti.

"Sigurado 'yan, sa susunod beef broccoli naman. Mas masarap 'yon!" Wika ko na may kasama pang kindat.

"Yehey! Salamat po ate ganda!" Natawa nalang ako nang masigla siyang lumakad patungo sa kanyang mga kaibigan.

Kahit napagod ang lahat ay sulit naman ang aming pawis dahil sa ngiti ng mga bata na hindi maikakailang pinakana-ligayahan sa aming pagbisita. Hindi lang kasi doon natapos ang aming programa, meron ding nagsagawa ng pambatang laro tulad ng tumbang preso at pantintero na binigyan ng karampatang premyo.

Sa huli ay namigay din kami ng kaunting gamit sa eskewla kaya mag-gagabi na rin nang mag-uwian kami. Kinaumagahan ay nagyaya ang isa naming kasama na mag-picnic sa tabing ilog na sinang-ayunan ng lahat.

Naalis ang sakit sa kasu-kasuan ko nang tumubog ako sa tubig, ang lamig ay nanunuot sa aking kalamnan. Tamang tama lang para kumalma ang balakang ko na nangalay sa kakayuko at pagbubuhat ng mga gamit.

Tahimik lamang akong na-upo sa tabi at nakipag-kwentuhan kina Erin at Mika, ang iba ay nilubos talaga ang paglalangoy at naghabulan pa nga.

Matapos ang tatlumpong minuto ay umahon na kami sa tubig, pagkabihis ay tinanong ko ang katiwala kung maaari ba akong mamitas ng ilang piraso ng dalanghita na pumayag naman at damihan ko pa raw ang aking iuuwi.

Muli kong binagtas ang daan sa punong nakita ko kahapon, namili ako ng malalaki at hinog na. Halos dalampu rin ang napitas ko, natigilan ako nang mapansing medyo napalayo pala ang napuntahan ko. Pabalik na sana ako nang mapansin ko ang isang maliit na kapilya.

Gawa lamang iyon sa kahoy at katumbas lamang ng isang kwarto sa paaralan ang laki at lawak, naalala ko tuloy na linggo ngayon at dapat kaming magsimba. Pero sa oras na meron kami ay baka hindi ko na 'yon magawa pag-uwi namin, hindi na ako nang-dalawang isip at pumasok sa loob.

Sa may entrada ay may maliit na lagayan ng holy water, dinawdaw ko ang aking daliri at nag-antanda. Lumapit ako sa pinakamalapit na bangko at lumod sa tapat noon. Taimtim akong nagdasal at nagpasalamat, humingi rin ako ng tawad sa mga maling gawa ko. Sa kalagitnaan ng pagdarasal ko ay naramdaman kong may tumabi sa akin, binalewala ko iyon at tinuloy ang pagdadasal.

Nagitla ako nang paglinggon ko sa aking tabi ay tahimik na nagdarasal si Zen, ma-ingat akong tumayo at na-upo. Hihintayin ko na siyang matapos upang sabay kaming umuwi. Hindi nag-tagal ay na-upo na rin siya, binigyan niya ako ng sinserong ngiti at muling bumaling sa altar.

"Since He gave me a second life, I promised to be a better person. I thought napaka-swerte ko dahil nakaligtas ako at sobra ang suportang binigay sa akin ng pamilya ko." Saglit siyang natahimik.

"But you know, hindi pala 'yon ang greatest miracle na mangyayari sa buhay ko. Alam mo kung ano?" Lumingon siya sa akin at tumingin ng diretso sa mga mata ko.

"Ikaw... at si Ram. You are my greatest miracle, kaya ngayon... sa harap Niya... nangangako akong gagawin ko ang lahat para mapasaya kayo. Sa harap ng Diyos, I promise to never hurt the two of you..."

Rebel's Death Angel #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon