A/N: Guys, pasensya na kung natagalan. Hindi ko namalayan ang paglipas ng araw kasi medyo naging busy. maraming salamat sa paghintay. Pls leave your votes & comments, thank you! :)
-Azrael-
After 7 Years…
“Ayusin nyo 'to! Sinisiguro ko sa inyo, ‘pag sa susunod na buwan ay wala pa ring magandang resulta sa sales, meron sa inyong mawawalan ng hanapbuhay.” Matiim kong tinitigan isa-isa ang mga kasama ko sa conference room, ang operations manager, pati supervisors at assistants ng Sales at Marketing department na pareho kong pinamumunuan.
"Sa susunod na lunes dapat may mai-prisinta kayo sa’king bagong advertisement at strategy plan, darating na ang board meeting at gusto n’yong ito ang ipakita ko? Negative one? Kahit pa sabihing kaka-upo ko lang sa posisyong ito hindi pwedeng ganyang klase ang performance ng team ko. Naiintindihan niyo ba?”
“Yes ma’am.” They said in unison.
“Dismissed. Babantayan ko kayo kaya ayusin niyo ang mga trabaho n’yo.” Sabay-sabay silang tumayo at nagpaalam, binalingan ko naman ang secretary ko at inutusang kumuha ng ice-cold coffee.
Lumabas na rin ako at tumuloy sa aking opisina, napapagal na humiga ako sa sofa at pinikit ang aking mga mata. Hindi nagtagal ay naramdaman ko ang mga kamay na humuhilot sa aking noo, napa-ngiti ako at nagmulat ng mata.
“You tired mom?” Malambing na tanong ng pinaka-gwapong bata sa mundo ko.
“Medyo lang baby, ikaw? Kamusta'ng school?” Hinuli ko ang kanyang mga kamay at niyakap siya, nawala agad lahat ng pagod ko.
“Just fine, malapit na po ang exam.” Sagot niya habang ginagantihan ang yakap ko.
“Hmmm… Gusto mo bang kumuha tayo ng tutor?”
“No need mom. Mana yata ako sa’yo, kayang-kaya ko ‘yun.” Natawa naman ako sa kayabangan niya kahit pa totoong matalino talaga siya.
“Well then, saan mo gustong mag-dinner?”
“Sa bahay nalang po, lolo and lola are waiting for us.” Aniya at na-una nang lumabas ng aking opisina.
“Okay, drive thru nalang?” Saktong sakay namin sa kotse ay na-alala ko ang iced-coffee na binilin ko sa aking sekretarya, tinext ko ito na sya nalang ang uminom.
“Sige po, sige po!” Natutuwa niyang sagot.
Matapos bumili ng inumin at mojos ay dumiretso na rin kami sa bahay, inabutan naming nag-aayos ng lamesa sina mama. Agad kaming lumapit sa kanya at nagmano.
“Buti naman at maaga kayong naka-uwi. Ram, can you call your lolo please?” Hindi naman siya nagdalawang salita sa apo at agad tumakbo ang bata patungong opisina na nasa loob din ng bahay.
Nang matapos maghain ay mabilis akong na-upo sa aking pwesto habang si mama ay nakatayo pa rin at nakatingin sa daang tinahak ni Ram. Napansin kong hindi siya mapakali at maya’t maya’y pinagsasalikop ang kanyang mga kamay.
“Ma.” Hindi man lang niya ako nilingon kaya napagtanto kong hindi niya ako narinig.
“Mama.” Tawag ko sa mas malakas na boses, tsaka lamang siya gulat na lumingon.
“Y-yes anak?”
“Bakit hindi kayo mapakali? Mukha kayong tensyonado.” Nag-iwas siya ng tingin at saka umupo sa tapat ko, hinawakan niya ang dalawa kong kamay.
“May problema ba Ma?”
“K-kasi anak…”
“I h-hope you won’t get mad i-if…” she trailed off.
“Kung ano po?”
“S-sana p-pumayag kang…” tumayo siya at muling tumingin sa dinaanan ni Ram.
“Ma? Pumayag saan?” Kunot-noong tanong ko, ginising niya ang kuryosidad sa katawan ko.
“Do y-you mind…”
“Do you mind if Erin and Zen stay here for a while?” Sabay kaming napalingon sa nagsalita, kahit may edad na ay buong tikas pa rin ang kanyang paglalakad habang kaagapay ang apo.
Hindi ko na-iwasang magtaas ng kilay. “Gaano naman po katagal ang ‘a while’ na iyan?”
“One month, saglit lang naman sila dito and will return to Japan after their vacation.” Si Mama ang sumagot sa tanong ko.
“Kelan pa po naging saglit ang isang buwan.” Malamig kong sabi habang sumasandok ng pagkain, mabilis na umupo si Ram sa tabi ko.
“Mom, pumayag ka na po please?”
“Anak, masamang sumabat sa usapan ng matatanda.”
“But mom, I want to see them.” He said with pleading eyes. Malamig, masungit, mataray at walang paki ang tingin sa akin ng ibang tao pero pagdating sa anak ko ay wala na akong laban. Siya ang kahinaan ko.
“Payag na ako pero dapat marami kang makain ngayon ha.” Sabay subo ko sa kanya ng paborito niyang chicken curry. Nakita ko sa gilid ng aking mga mata ang pag-ngingitian nina mama’t papa.
Halos maibuga ni Anel ang iniinom niyang kape sa mukha ko nang ibalita ko ang nalalapit na pagdating nina Erin at Zen.
“What the hell Azrael?! Pumayag kang doon sila mag-stay for one month?!” Mataas ang tonong pagkumpirma niya sa sinabi ko. Tumango na lamang ako.
“Gusto kasi ni Ram na makilala sila.” Kibit-balikat kong sagot.
“Awkward!”
“Alam ko, hindi naman siguro kami madalas magkikita kasi lagi ako sa opisina at malamang naman may pupuntahan pang iba ‘yung sila.”
“Even if you say that…” ngumiwi pa siya.
“Bahala na, matagal na rin naman ‘yung nangyari. Huwag lang sila magkakamaling kantiin ni buhok ng anak ko. Baka mapatay ko na talaga sila.” Napapabuntong-hiningang pahayag ko.
“Sshhh! Azra! Tumigil ka nga diyan! Don’t ever do that again, wala ka nang pwedeng i-secret sa amin okay?” Nako-konsensyang ngumiti nalang ako, hindi kasi nila alam ‘yung ginawa ko dati kay Erin.
“Opo ate.”
“Umayos-ayos ka ha Azrael, in case you forgot you already have Ramiel kaya hindi na uubra ‘yang aggressiveness mo!” Naka-irap niyang pangaral sa akin na ikina-ngiti ko nalang.
Sa totoo lang ayos na ang buhay namin at sana lang ay wala nang gulo sa pagdating ng kambal. Isa pa palang problema ko ang tatay ni Ram, minsan nang nagtanong ang anak ko sa akin at sinabi ko nalang na nasa malayo ang kanyang ama.
“Azra? Azrael!” Mula sa pagkatunghay ko sa aking iniinom na kape ay lumipad ang tingin ko sa lalaking biglang sumulpot sa gilid ko. Matangkad siya at kayumanggi, meron siyang malalim na biloy sa magkabilang-pisngi.
Nanlaki ang mga mata ko nang makilala siya.
“D-diesel?” Paanas kong tanong, lumawak naman ang kanyang ngiti.
“Yes! Wow, you changed a lot! Long time no see, musta ka na?” Aniya at humila ng bangko upang ma-upo sa mesa namin habang kami ni Chanel ay tulala at ‘di agad nakahuma.
Diesel is here! Nasa harap ko ngayon ang una at huli kong nobyo.
BINABASA MO ANG
Rebel's Death Angel #Wattys2015
RomanceMasaya ang buhay ng malambing na batang si Angelique, maalwang buhay, masaya at buong pamilya. Ngunit nagbiro ang kapalaran, isang araw nagising nalang siya bilang Azrael. Malayo sa dati niyang katauhan, naging matapang siya at palaban dahil na rin...