34

475 16 10
                                    

A/N: Pasensya na po ngayon lang naka-update, salamat sa paghintay :-) HAPPY NEW YEAR!

=-=-=-=-=-=-=

"Ma'am, miss Tori is here." Imporma sa akin ng sekretarya ko, napatingin ako sa aking relo at bumaling sa kanya. May isang linggo na rin dito sa Pilipinas si Tori at minsan ko na siyang nakasama mag-mall.

"Papasukin mo siya, at mag-order ka na rin ng tanghalian para sa am-" naputol ang sasabihin ko nang may kumatok at pumasok si Zen.

"Don't bother, I bought lunch for us. I guess, kasya naman ito sa atin. Mika, pakitawag mo nalang 'yung bisita ni Azra."

"Okay po sir." Mabilis pa sa alas quatrong tumalima ang sekretarya ko.

"Hindi mo na kailangang mag-abala pa Zen, halos araw-araw ka nang nagpapadala ng pagkain dito ah." Sabi ko at lumapit sa lamesa upang ayusin ang mga dala niya.

"I enjoy cooking for you kaya 'wag mo na akong pagbawalan na alagaan ka. At alam kong hindi ka kumakain sa tamang oras so you will see me more often here. Anyway, sino pala 'yung bisita mo?"

"Ah, si Tori... pinsan ni Diesel na galing ng New Zealand." Sakto namang pumasok ang taong pinag-uusapan namin.

"Good afternoon Azra, ah... sorry, hindi ko alam that you're with someone."

"Okay lang, samahan mo kaming mananghalian." Bantulot na lumapit siya at naupo kasama namin.

"Ahmm.. 'di ba may anak ka na?" Bigla niyang tanong.

"Oo, si Ram. Magse-seven na siya." Wika ko habang nilalagyan ang plato niya ng pagkain, mataman namang nakikinig si Zen sa amin. Tahimik lang siya at hindi kumikilos kaya nilagyan ko na rin ng pagkain ang plato niya.

"Tori, si Zen nga pala." Pagpapakilala ko sa kanila.

"Hello." Isang matamis na ngiti ang ginawad ng lalaki kay Tori sabay abot ng kamay na agad namang kinuha ng dalaga.

"Kasi, I... I haven't consulted an OB yet, but I think I'm pregnant." Nahihiya nitong pahayag at nag-iwas ng tingin.

"Talaga! Congrats!" Nagagalak kong wika.

"Congratulations." Sunod naman ni Zen.

"Alam na ba'yan ng asawa mo? Dapat pala hindi ka nag-byahe, maselan ang buntis sa gan'on eh. Hangga't maari sa bahay ka na lang. Pa'no na? Nasa New Zealand ba ang asawa mo? Pasunurin mo agad dito. Mahirap na 'yang mag-isa ka lang." Sa sobrang saya ko para sa kanya ay naging madaldal tuloy ako.

"Wala pa akong asawa. Ang totoo, sya ang sinundan ko that's why I'm here in the Philippines." Natulala ako at hindi nakapagsalita, mukhang gan'on din ang lalaking kasama namin.

"Ha... ah eh, k-kaya pala." Sa panahon ngayon, hindi na bago ang gan'tong sitwasyon at hindi na ako dapat magulat.

"So, pinoy pala ang... boyfriend mo? Did you have a fight kaya umuwi siya dito?" Tinapunan ko ng masamang tingin si Zen pero hindi ako pinansin ng hudyo.

"It's actually very complicated at hindi ko pa nasasabi sa kanya. Pinag-iisipan ko pang mabuti, my mind's a disaster right now." Malungkot nitong pahayag, mabilis kong ibinaling sa iba ang usapan. Masama para sa kanya ang sumama ang loob.

"Hindi bale, sigurado akong maayos rin 'yan. Sige, kumain ka nang kumain para malakas kayo ng baby mo." Inilapit ko sa kanya ang mga ulam at prutas nang mapansing hindi pa nagagalaw ang pagkain niya. Sumunod naman ito at tahimik na sumubo.

"Kung gusto mo, sasamahan kita sa doktor. Mga alas dos, para ma-check up ka na at mabigyan ng vitamins." Tumingin ito sa akin na parang hindi makapaniwala at nahihiyang ngumiti.

"Salamat Azra, I never thought you're this nice. Now I know..."

"Wala 'yon, alam ko ang pakiramdam ng wala ang tatay ng anak mo habang buntis kaya hangga't 'di mo nasasabi sa kanya ako muna ang sasama sa'yo." Tumango ito at maganang ipinagpatuloy ang pagkain, napansin ko namang busangot ang mukha ni Zen.

"Anong problema mo?" Usisa ko sa lalaki.

"You make it sound like I'm a bad father kasi, given the chance kahit araw-araw pa ang check up sasamahan kita no'ng mga panahong pinagbubuntis mo si Ram." Natigilan ako at hindi nakasagot.

"Dapat talaga magtampo ako sa'yo eh, hindi ko na-enjoy yung mga time na nasa tiyan mo pa ang anak natin." Hindi ko alam kung bakit pero nangingiti ako sa inaakto ni Zen, animo bata kasi itong iniwan nang mag-disney land ang buong pamilya.

"Zen, ano ba..." pinanglakihan ko ito ng mata, "matagal na panahon na 'yon. Huwag na nating balikan."

"Nevermind, I'll make sure nasa tabi mo na ako lagi 'pag nabuntis ka sa pangalawa natin." Naka-ngising wika ng hudyo.

"Hoy, Zen. Wala pa akong sinasagot sa inyo ni Diesel ha, magtigil ka." Naka-irap kong sagot.

"Y-you mean, hindi si Diesel ang tatay ng anak mo? B-but he is your husband?!" Laglag panga at nalilitong tanong ni Tori. Tumango ako at mataman siyang tiningnan.

"Oo, para paiksiin ang storya. Noong nabuntis ako hindi ko sinabi kay Zen at nanatili siya sa Japan ng mahabang panahon, si Diesel naman ang una kong nobyo at nang magkita kami ulit inakala niyang siya ang tatay ng anak ko. Sinabi ko sa kanyang hindi pero ayaw niyang maniwala, tanggap niya daw ang bata kaya nagpakasal kami, haggang nalaman ni Zen na siya ang tatay ni Ram. Nagkagulo kami at pumunta ng New Zealand si Diesel ng walang paalam,at bigla nalang siyang bumalik. Kung kelan... maayos na ang lahat at gusto ko nang makipaghiwalay sa kanya. Pero sabi niya mahal niya ako at gan'on din ang lalaking ito. Sa totoo lang nalilito pa ako, baka hindi nalang ako mamili. Mas okay pa sigurong maging single hanggang pagtanda ko." Mahaba kong kwento, bago pa namin mapansin ay naubos nap ala namin ang dala ni Zen na pagkain.

"Hindi naman ako papayag d'yan, mahal kita at may anak tayo kaya hindi kita isusuko." Determinadong ani Zen.

"Oo nga pero kasal pa rin ako kay Diesel."

"This is actually very simple Azra," sabi ni Zen at kinuha ang kamay ko, itinapat niya ang palad ko sa kanyang dibdib. Naramdaman ko ang malakas at mabilis na tibok ng puso niya, diretso niya akong tiningnan sa mga mata.

"Who do you love, is it him or me?" Bumuka ang bibig ko pagdaka'y itinikom ko rin at napa-iling, kailangan ko pa ng oras upang makasiguro. Ayoko nang magkamali sa desisyon ko.

"I have something to tell you Azra, this might help you choose between them." Seryosong sabat ni Tori, kunot noong hinintay ko ang sasabihin niya.

"The truth is, hindi ako-" biglang bumukas ang pinto ng opisina ko at tuloy-tuloy na lumapit sa amin si Diesel.

"Tori! What the hell are you doing here? I told you to stay at home." Nang makalapit sa amin ay mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Tori.

"Pasensya ka na sa abala Azra, I promise she won't bother you again."

"Okay lang, masayang kasama ang pinsan mo."

"We'll get going", may kalakasan nitong hinila si Tori patayo at halos kaladkarin ang dalaga na ipinag-alala ko.

"Sandali Diesel, magdahan-dahan ka naman."

"Yeah, don't be too harsh on her. Baka makasama sa kalagayan niya." Segundo ni Zen sa sinabi ko.

"What do you mean?" Napahinto sila at lumingon sa amin.

"Be gentle on her 'cause she's pregnant." Imporma ni Zen sa kanya.

"WHAT?!" Gulantang na sagot ni Diesel.



Rebel's Death Angel #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon