-Azrael-
“Hi Azra,” may tipid na ngiting bati ni Erin sa akin. Marahang tango lamang ang naging sagot ko sa kanya at muling bumaling kay Diesel.
“Si Diesel, kaibigan ko. Diesel, sina Mama, Papa, Erin at Zen.” Hindi naman ako bastos kaya pinakilala ko sila sa isa’t isa, tinangka kong kunin mula sa binata ang anak kong mahimbing pa rin ang tulog.
“Ihahatid ko na siya sa kwarto, baka mabigatan ka lang.”
“Hindi na Diesel, sanay na kong dalhin ang batang ‘yan.” Wala na siyang nagawa kundi ipasa sa’kin si Ram nang makita niyang hindi na mababago ang desisyon ko.
“Mauna na po ako tito, tita. See you around Azra, I had fun.”
“Sige, salamat sa pagsama.” Tumango lang siya at tumalikod na, pinanood ko ang papalayo niyang anino hanggang tuluyan itong nawala sa paningin ko.
“Is he Ramiel’s father?” Nanlalaki ang mga matang napabaling ako kay Mama, nasa mukha niya ang pagnanais malaman ang sagot. Naramdaman ko ang pagtuon ng lahat ng atensiyon sa akin, hinihintay nila ang magiging sagot ko.
“H-hindi po Ma. Akyat na kami ni Ram.” Mabilis kong sabi at nagmamadaling tumungo sa hagdan.
Hinihingal na inilapag ko ang bata sa kama, mabilis ang tibok ng aking puso dahil halos takbuhin ko ang daan papuntang kwarto. Matapos ang ilang minutong pagpapahinga ay pinalitan ko ng pantulog si Ram, hindi ko naiwasang pagmasdan ang kanyang mukha.
Mula sa kanyang maiksi ngunit alon-along buhok, papunta sa mata niyang nakapinid ngunit kung gising ay mabibilog at buhay na buhay ang pagka-itim. Sa ilong niyang maliit at may kaunting tangos hanggang sa kanyang mapupula at maninipis na mga labi. Masasabi kong maputi siya ngunit tuwing naiinitan ay mala rosas ang kanyang balat. Nakakatuwa dahil halos sa akin niya minana ang lahat sa kanyang anyong panlabas, sa ugali naman ay napakabait nito at palakaibigan. Minsan ay tinatamaan din ito ng kasutilan at kapilyohan, ngunit ang natatangi nitong ugali ay ang katigasan ng ulo nito.
Dahil matalinong bata ay pinapanindigan nito ang mga sinasabi, talagang pinagpipilitan at pinaglalaban ang sa palagay niya’y tama. Siguro ay dahil parehong matigas ang ulo namin ng kanyang ama kaya naman ayan ang kinalabasan.
Hinalikan ko siya sa noo, niyakap at saka pumikit. Sa ganoong posisyon kami palaging nakakatulog, dapat ay lagi ko siyang yakap para mahimbing ako.
Palapit pa lang ako sa kusina ay dinig na dinig ko na ang pagtatalo ng dalawang boses, si Ram ang isa.
“We just ate that yesterday!” Malakas ang boses ng anak ko na madalang mangyari.
“I haven’t had one for almost a year!” Inis din ang tono ng ka-usap ng bata. Nang tuluyan akong makalapit sa kusina ay nakita ko si Yaya Ruby na hawak sa isang kamay ang tinapa habang sa kabila naman ay burger patty, napapagitnaan siya nina Ram at Zen na patuloy pa rin sa pagtatalo.
“But this is on the menu lola made for this week!” Sabay padyak ng anak ko sa sahig na suot pa ang kanyang pajama.
“I’m sure she wouldn’t mind if I change this one.” Mayabang na sagot ng lalaki.
“Anong nangyayari dito? Ang aga-aga ang iingay nyo.” Nilampasan ko sila, humablot ng tasa at nagsalin ng kape mula sa coffee maker.
“Mom! Tito Zen wants tinapa but we just ate that yesterday.” Sumbong nito at lumapit sa akin.
“Can you blame me? I miss Filipino food and this is our first breakfast here after a long time.” Agad namang depensa ni Zen.
“Yaya, bakit hindi nyo nalang lutuin pareho?” Tanong ko sa nalilitong kasambahay.
“Eh naluto ko na ang itlog at bacon, lulutuin ko na sana ang burger kaso dumating ‘yang kapatid mo at gusto ng tinapa eh eto namang anak mo gusto ang burger! Alam mo namang tatlong putahe lang ang pwede sa hapag kapag ordinaryong araw. Aba’y natuturete na nga ako sa dalawang ire!” Reklamo nito sa akin, ayaw kasi ni Papa ng ubos-ubos biyaya kaya nililimitahan niya sa tatlong putahe kung normal na araw lang naman.
Lumuhod ako at tumapat sa mukha ni Ram.
“Anak, pagbigyan mo na ang tito mo. Na-miss niya lang ang tinapa.” Malumanay kong paliwanag dito.
“But mom! I helped lola with the menu, dapat ‘yung i-follow kasi po naka-schedule na.” Heto na naman kami sa debate, makatwiran talaga ang batang ito.
“And I want patties,” mahina at nakanguso nitong dagdag.
“Gan’to nalang, mamayang lunch lalabas tayo. Let’s eat burger stake sa Jollibee, okay?”
“Ultimate burger patty?! With egg, garlic rice and fries?!” Nanlalaki ang mga matang tanong niya, bihira lang kasi siyang mapunta sa fastfood dahil binabawalan ko. Hindi kasi masustansya ang mga pagkain sa gan’on.
“Exactly.”
“Yehey! Payag na ‘ko tito, you can have your tinapa all you want!” Napangiti naman na parang batang nakakuha ng mataas na score sa exam ang binata.
Biglang sumulpot sa likod ni Zen si Erin na halatang mula sa pagja-jogging, tagaktak ang pawis nito at may hawak na bote ng mineral water. Walang babalang binatukan nito ang lalaki na iinom sana ng milo kaya natapunan ang suot nitong t-shirt at shorts.
“What the hell! Erin!”
“Pati bata pinapatulan mo, hindi ka na nahiya sa laki mong damulag ka.”
“I just want to eat tinapa! What’s wrong with you people?” Nakangiwing angal nito habang nilalayo sa katawan ang nabasang damit.
“Tinapa tinapa! Gusto mong kumain ng pinoy food pero ‘yang dila mo ingles ng ingles! Magtagalog ka nga! Para kang bakla!” Banas na tumalikod na si Zen upang magpalit ng damit. Lumapit naman sa amin si Erin at humingi ng paumanhin.
“Pasensya ka na sa kapatid ko, may kaartehan lang talaga ‘yon minsan pero mabait din naman.”
“Ayos lang, balak ko naman talagang ilabas si Ram.”
“Hello Ram! Tulog ka na kagabi kaya ‘di mo tuloy nakuha pasalubong mo. Come, kunin natin sa kwarto ko.” Inilahad nito ang kamay sa bata na tumingin sa akin bilang paghingi ng permiso, tumango naman ako bilang pagpayag. Nakangiting inabot nito ang palad ng dalaga at magkahawak-kamay na lumakad ang mga ito.
Kampanteng tiningnan ko lang ang paglayo nila, mukhang wala namang magiging problema ang saglit nilang pamamalagi dito.
Sana nga.
BINABASA MO ANG
Rebel's Death Angel #Wattys2015
RomanceMasaya ang buhay ng malambing na batang si Angelique, maalwang buhay, masaya at buong pamilya. Ngunit nagbiro ang kapalaran, isang araw nagising nalang siya bilang Azrael. Malayo sa dati niyang katauhan, naging matapang siya at palaban dahil na rin...