38

1.4K 33 4
                                    

..is hereby declared NULL AND VOID.

Mahaba ang sulat na hawak ko ngunit ang mga salitang iyon ang tumatak sa akin. Tuluyan nang napawalang-bisa ang kasal ko kay Diesel. Sa teknikal na salita, single na ulit ako. Matapos ang higit apat na buwan ay bumaba na ang hatol, napabilis ito dahil na rin sa kooperasyon ng kampo ni Diesel. Napabuntong-hininga ako at ibinalik ang sulat sa sobre bago tinago kasama ng mga importanteng dokumento.

Muli kong itinuon ang aking atensiyon sa trabaho, maaga pa at kailangan kong maging produktibo. Wala pang tatlumpong minuto ang lumipas nang biglang bumukas ang pinto ng aking opisina at iniluwa sina Ram and Zen.

"Nanay, dali!" Agad na lumapit sa akin si Ram at hinila ako patayo.

"T-teka, teka nak! Saan tayo pupunta?" Naguguluhan kong tanong.

"Basta po, sumama nalang kayo."

"Pero madami akong trabaho anak, matatambakan na naman ako."

"Azra, you've been working non-stop, since it is a Saturday... Na-isipan ni Ram na mag-out of town tayo. You need a break." Gatol naman ng ama nito.

"Sorry talaga nak, may appointment kasi si nanay mamaya. Ganto nalang, bukas nalang kasi sunday diba?"

"Huwag ka nang mag-alala. May naka-usap na akong pupunta do'n as your representative. Let's go at baka mahuli pa tayo." Wala na akong palag nang hilahin nila ako patungong labas ng opisina.

Nagulat ako nang makita na saradong sarado ito, mula sa loob ay walang makikita dahil natatakpan ng makakapal at pasadyang kurtina ang mga bintana, maging ang pagitan ng upuan sa likod at ng tsuper ay may harang.

"Hadang handa ah? Kailangan talaga sobrang sarado?" Natatawa kong tanong.

"Syempre po, para hindi niyo masilip." Sagot ni Ram, ginulo ko ang kanyang buhok at sumakay na kaming tatlo sa likod na upuan.

Mabilis na lumipas ang oras, hindi kami masyadong nainip sa byahe dahil maya't maya ay nagkukulitan ang mag-ama. Tila ba hindi nauubusan ng kwento ang dalawa.

Tumigil ang sasakyan at napatalon sa upuan ang anak ko.

"We're here! Tatay piringan mo na po si nanay!" Nai-iling pero naka-ngiti na sumunod si Zen, naramdaman ko nang marahan nila akong hilahin pababa ng sasakyan at alalayang maglakad. Saglit lamang ay huminto na rin kami.

"Ready?" Masiglang tanong ng bulilit.

"Yes boss!" Naka-ngiting sagot ko, unti-unting nakalas ang panyo sa mga mata ko. Kumurap-kurap ako dahil nasisilaw ako sa biglang liwanag.

"Welcome back ma'am Azrael!" Sabay-sabay nilang sigaw, napatulala ako at naitakip sa aking bibig ang kanan kong kamay. Nanlalaki pa rin ang aking mga mata nang lumapit sa akin ang isang bata at nag-abot ng bungkos ng mga bulaklak.

Nandito kami ulit sa paaralan na pinuntahan namin noong nakaraang pasko para sa charity event, ang nakakagulat ay nandito ang buong pamilya ko. Si mama, papa, Erin, Kurt, si kuya at ang asawa niya.

"Ang saya ko po dahil bumalik kayo! May dala po ba kayong beef bokoli?" Inosenteng tanong ng batang nabigay ng bulaklak, siya rin 'yong napangakuan ko na babalik na may kasaman beef brocoli.

"Oo hija, may dala din kaming soup, afritada, fish fillet, lechon at cakes!" Sambot ni mama nang hindi ko alam ang isasagot. Napapalakpak naman ang bata sa tuwa.

"Halina po kayo, tamang-tama ang dating niyo maam sa tanghalian." Napatango ako sa guro at sumunod na sa kanya ang mga estudyante habang lumapit naman sa akin ang pamilya ko.

"Hindi ako makapaniwala, paano...bakit--"

"Nabanggit ni Mika na gusto mong bumalik dito, kaya nang mag-aya si Ram ng out of town ay dito ko naisipang pumunta. Para na rin mabalikan natin ang mga bata. This time, family naman ang kasama natin." Sagot ni Zen.

"Salamat, sobrang ganda ng sorpresa niyo. Good job anak." Yumuko ako upang halikan si Ram sa pisngi.

"Pero nay, si tatay po talaga naghanda ng lahat. You should kiss him too as thank you!" Namula ang muha ko at inulan kami ng tukso.

"Ay sus, ngayon pa nahiya kung kelan may Ramiel na!" Pag-aasar pa ni Erin na humakot ng tawa sa lahat.

""Sige na po, please?" Wala na akong nagawa nang muling maki-usap ang anak ko. Mabilis kong hinagkan sa pisngi si Zen at agad na silang inaya sa kainan.

Lalong sumaya ang lahat nang may pa-premyo pang pinamigay sina papa at nakipaglaro ng tayaan ang lahat sa mga bata. Hapon na nang matapos ang kasiyahan.

"Naku, gagabihin na tayo sa daan." Ani papa nang papasakay na kami sa kotse.

"Mas mabuti po siguro dito na tayo magpalipas ng gabi. Tamang tama may maliit na chapel po dito where we can have mass by 8 in the morning tomorrow." Mabilis na suhestiyon ni Zen,

"That's a great idea pero kanino tayo makikituloy?"

"Err... Actually I acquired a small property near here. I think kasya tayong lahat do'n." Parang nahihiya nitong sabi, dahil siguro sa maghapong pagkilos ay wala nang nagtanong at sumang ayon nalang. Sampung minuto lang ang byahe at bumaba kami sa may katamtamang laki ng bahay. Kulay tsokolate ang gate nito at ang mismong bahay ay dominante ang kulay krema. Meron itong apat na kwarto at saktong laki ng salas at kusina.

Pagkatapos ng hapunan ay nagpasya nang matulog ang lahat, napagkasunduan din na maagang magsisimba kinabukasan tapos ay magpi-picnic malapit sa ilog bago tumulak pauwi. Pagkalinis ng katawan ay nakatulog na si Ram na nasa gitna namin ng tatay niya. Matagl na akong nakahiga ngunit hindi ako dalawin ng antok.

Kinuhit ko si Zen na dagling nagmulat ng mata.

"Why?" Bulong nito upang hindi magising ang bata.

"Samahan mo ako."

"Saan?"

"Sa kapilya." Sagot ko at dahan dahang bumangon, sinuot ko ang aking jacket at lumabas na ng kwarto. Paglabas niya ay nakita kong may bitbit na siyang malaking flash light. Nauna siyang maglakad upang mailawan ang daan habang nakahawak ako sa laylayan ng jacket niya

Medyo nabigla ako dahil maayos na ang itsura ng kapilya, malayo sa dati na napaglumaan na. Bagong pintura na ito at pinalitan ang ibang muwebles. Pero mas nagulat ako nang makitang may susi si Zen sa pinto ng simbahan.

"Binigyan nila ako ng kopya." Kusang sabi niya, napatango ako at lumapit sa may altar. Lumuhod ako at taimtim na nanalangin. Ganon din ang ginawa niya.

Nang matapos ay tahimik kaming naupo, parehong nakatingin sa Krus. Naramdaman ang paghawak niya sa kanang kamay ko.

"Alam mo ba nung una akong nagpaalam kay Ram na liligawan kita ay hindi sya pumayag. Sabi nya ok na daw tayo, baka daw magulo pa pag niligawan kita. Baka umiyak ka tulad ng ginawa ni Diesel. Binigyan pa ako ng challenges ng anak mo. Buti nalang napasa ko lahat. Naisip ko rin yon, na baka masaktan din kita. Then i asked God, he gave me a sign and I realized hindi ko hawak yon but I will do my best not to make you cry, kung iiyak ka man yon ay dahil sa saya. Ang pangako ko hindi kita tatalikuran hanggat humihinga ako, kahit anong mangyari. "

"Natanggap ko na ang resulta kaninang umaga, wala nang nagtatali sa amin." Lumingon ako sa kanya at nakitang mataman itong nakatitig sa akin. "Hindi naman siguro masama kung susubukan natin."

Napangiti siya, tinaas ang kamay namin at hinalikan ang likod ng palad ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rebel's Death Angel #Wattys2015Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon