-Azrael-
Mabilis na lumipas ang isang linggo, hindi ko namamalayan ang oras dahil maayos naman ang takbo ng lahat. Ang trabaho ko ay unti-unti ko nang kinakasanayan habang sa bahay naman ay naging maingay pero masaya naman ang anak ko kaya nagkakasundo kaming lahat. Si Erin ay tuwang-tuwa kay Ram na minsan ay sa kwarto pa ng dalaga natutulog ang dalawa habang si Zen naman ay laging kaaway ng anak ko palibhasa ay may pagka-isip bata rin ito.
Samantalang si Diesel…
“Thank you for having this dinner with me, Azra.” Baling niya sa akin pagka-alis ng waiter, tipid na ngiti ang isinukli ko sa kanya. Magkaharap kaming naka-upo sa isang mamahaling restaurant.
“Bayad ko na rin ‘to sa lahat ng pang-aabala ni Ram sayo.” Ito na ang ika-apat naming pagkikita mula ng bumalik siya sa buhay ko, at sa nakaraang tatlo ay lagi naming kasama si Ram na tuwina ay nangungulit kay Diesel.
“It’s nothing, we have things in common at magaan ang loob ko sa bata kaya walang problema… Hindi nga ako magugulat kung sasabihin mong anak ko sya.” Matiim niya kong tinitigan.
Napatanga ako sa tinuran niya, nanlaki ang mga mata kong madalas hindi nagpapakita ng emosyon. Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay kong nasa ibabaw ng mesa, masuyo ang mga titig niya na para bang ako lang ang nakikita.
“I don’t clearly remember but I know we were kissing at my car that night. Kinaumagahan I was stark naked in my bed at naglaho ka nalang na parang bula.” Unti-unti akong kumalas sa hawak niya.
“N-no, hindi Diesel. Oo nga’t naging intimate t-tayo sa kotse mo kasi masyado tayong nalasing pero hinatid nyo ako ni… ni… ng driver mo tapos umuwi na kayo sa condo mo.” Apurado kong paliwanag.
“Pe-pero bakit hubad ako?” nalilitong tanong nito.
“Baka nagsuka ka kaya napilitan ang driver mong hubaran ka…” matagal na katahimikan ang sumunod hanggang dumating na ang aming in-order at nagsimula kaming kumain.
Muli siyang nagsalita habang kumakain kami ng panghimagas.
“Are you sure Azrael? Baka nahihiya ka lang o natatakot, please don’t. I just want the best for Ramiel.”
Malakas kong nailapag sa mesa ang hawak kong kutsara at bahagyang tumalim ang titig ko sa lalaking kaharap.
“Sigurado ako Diesel, alam ko kung anong makakabuti para sa anak ko at kung nakikipaglapit ka lang sa aming mag-ina dahil inaakala mong ikaw ang tatay ng anak ko… pwes, nagkakamali ka.” Mabilis kong hinablot ang aking bag at agad siyang tinalikuran.
Nasa parking lot na ako ng restaurant nang maabutan niya ako, hinablot niya ang braso ko at hinarap ako sa kanya. Blanko lamang ang mga titig ko habang pagkabigo at pagsuko ang nilalarawan ng kanyang mukha.
“Okay, I get it. I’m sorry Azra, please huwag ka namang magalit.” Hindi ako sumagot at patuloy lang siyang tinitigan.
“I… I was hoping. Umasa ako na anak ko siya dahil mahal pa rin kita.” Napabuntong hininga ako at nag-iwas ng tingin.
“Wala akong panahong makipagrelasyon Diesel, si Ram at ang trabaho ko lang ang importante sa’kin ngayon.” Malamig kong tugon, naramdaman ko ang pagdausdos at tuluyang pagkawala ng kanyang kamay sa aking braso. Hindi na ako nag-aksaya ng oras at tinungo ang aking kotse.
“I understand that you want to focus on Ram and your work…” natulos ako sa aking kinatatayuan “pero hindi ako susuko, liligawan pa rin kita Azra.” Bahagya nalang akong napa-iling at tuluyang pumasok sa aking sasakyan.
Nang maka-upo sa harap ng manibela ay ilang beses akong huminga ng malalim, hindi ko muna binuhay ang makina at hinayaang humupa ang malakas na kabog ng dibdib ko. Makalipas ang limang minuto ay normal na ulit ang sistema ko kaya binuhay ko na ang kotse at nagmaneho pa-uwi.
“Madaya ka! Madaya ka!” Nasa bungad pa lang ako ng bahay ay rinig na rinig ko na ang sigaw ni Ram. Nakita ko siyang matalim na tinitignan si Zen habang hawak ang joystick ng PS4, ang binata naman ay kalmado lang na pinagpapatuloy ang paglalaro.
“It’s part of the game kid. Ganyang talaga ang buhay, unfair.” Anito saka nginisihan si Ram na lalong nagalit, ni hindi niya napansin ang paglapit ko.
“Isusumbong kita kay lolo!” Natawa ako ng kaunti sa banta ng anak ko, alam na alam niyang takot si Zen kay papa.
“Aist! Oh ayan na nga! It’s a boring game anyway.” Tumayo na ang lalaki at napalingon sa akin.
“You’re here. Kanina ka pa hinihintay ni papa.” Pagbibigay alam niya sa akin habang nilalagay ang mga kamay sa bulsa ng kanyang khaki shorts.
“Mommy!” Mabilis na lumapit sa akin si Ram at humalik, agad din itong bumalik sa paglalaro.
“Bakit daw?” Takang tanong ko na sinagot lang nito ng kibit-balikat. Nagsimula siyang maglakad papasok sa library kaya sinundan ko nalang, nandoon sina papa at kuya Levi.
“Azra, have a seat.” Tumalima ako at na-upo, hindi nagtagal ay pumasok din si Erin.
“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Erin and Zen kailangan nyo nang pumasok sa kumpanya.”
“What? Pero papa…” Agad na tutol ni Zen.
“All these years ang kuya Levi nyo ang katuwang ko sa pagtataguyod ng kabuhayan natin. Ngayon ay kailangan niyang umalis ng bansa dahil sa personal na bagay. Kung hindi kayo papayag baka hindi na makapag-asawa ang kapatid niyo. Aba, baka tumandang binata iyan, kayo rin, kayo ang mag-aalaga sa kanya.” May bahid ng kasiyahan ang mukha ni papa habang nagpapaliwanag.
“Pa!” Nahihiyang saway ni kuya kay papa.
“O siya, anong desisyon niyo? Zen? Erin?” Baling nito sa kambal.
“Call ako pa. Be sure na papakasal na kayo pagbalik nyo ha kuya!” Masigla at walang pag-aalinlangang sagot ni Erin.
“K-kasi po pa, hindi ganun kadaling—”
“Walong taon ko kayong hinayaan sa sarili niyong diskarte Zenki. Lalo ka na, bilang lalaki obligasyon mong pangalagaan ang interes ng pamilyang ito.” Madiin at seryoso nang sabi ni papa, kapag ganyan ang tono niya hindi ka na maaring tumanggi. Wala nang nagawa si Zen kundi mapayuko nalang.
“Bilang architect si Erin ay sa field maa-assign at ikaw Zen na nagtapos ng finances ay ilalagay ko under Azra’s supervision pero paglipas ng ilang buwan ay ilalagay ko kayo sa mas mataas na posisyon.”
Pagtatapos ni papa sa usapan na hindi na namin nagawang kontrahin.
A/N: Comments naman guys ;) sa tingin nyo, sino'ng ama?

BINABASA MO ANG
Rebel's Death Angel #Wattys2015
RomanceMasaya ang buhay ng malambing na batang si Angelique, maalwang buhay, masaya at buong pamilya. Ngunit nagbiro ang kapalaran, isang araw nagising nalang siya bilang Azrael. Malayo sa dati niyang katauhan, naging matapang siya at palaban dahil na rin...