Mabilis na lumipas ang isang taon.
Sa kabila ng mga nangyari ay naging masaya kami, noong isang buwan lang ay ikinasal na si kuya, sina mama't papa naman ay inihatid namin kahapon sa airport para sa kanilang bakasyon. Si Kurt naman ay abala sa preparasyon ng kanyang pagpo-propose lingid sa kaalaman ni Erin, higit sa lahat ay lubusan nang gumaling si Zen at lalo silang nagkalapit ni Ram.
Pero hindi pa rin ako tuluyang matahimik, hanggang ngayon dahil meron pang isang taong hindi bumabalik...
"Nanay!" Nagulat ako nang biglang sumulpot sa harap ko ang naka-ngiting mukha ng anak ko. Inaabot niya sa akin ang isang teddy bear, sa likod niya ay ang naka-ngising ama.
"Nanalo po ako sa claw machine," masigla niyang balita.
"Pero ten tries muna bago mo nakuha, hahaha!" Tukso ni Zen sa bata.
"Tatay naman eh!" Maktol ni Ram sa pambubuko nito, napa-ngiti nalang ako sa pagkukulitan ng dalawa.
"So... pizza and pasta for dinner?" Nagsimula kaming maglakad patungo sa Pizza Hut, kinipkip ko ang teddy bear malapit sa aking dibdib at hinawakan ang kamay ni Ram na ginaya naman ni Zen sa kabilang kamay ng bata.
"Good evening ma'am, sir. This way po." Salubong sa amin ng receptionist.
"May I have your order please?" Pagkuwa'y tanong nito nang maka-upo kami.
"One carbonara, two lasagna, one family size pepperoni pizza and one pitcher of lemonade." Dire-diretsong sabi ni Zen na hindi na tumitingin pa sa menu, kabisado niya na ang gusto namin kapag dito kami kumakain.
"Nagsawa na kayo sa arcade or babalik pa kayo?" Simula ko sa usapan habang hinihintay ang order namin.
"Wala eh, naubos ng anak natin 'yung napanalunan kong tokens." Nakalabi namang kinontra ito ng bata.
"Just the half, you got the other half eh! Kayo rin po nag-try sa claw machine pero wala ka naman pong nakuha, at least ako may teddy bear." May pagmamalaki nitong sabi.
"Next time, makukuha ko rin 'yon. I'll get the bigger one for sure." Na-iling nalang ako sa pag-aasaran ng dalawa habang may naaliw namang ngiti ang waiter na naglalapag ng pagkain sa aming lamesa.
Magana kaming kumain at pinag-usapan ang ilang bagay sa eskwelahan ni Ram, gusto raw kasing mag-try-out ng anak ko sa basketball team nila. Bagama't may kaunting alinlangan dahil minsan sobrang pisikalan ang paglalaro sa court ay hindi na rin ako tumutol pa. Mukhang gustong gusto niya talaga 'yon at nasisiyahan siya sa paglalaro kaya't susuporta na lamang ako.
Pagkatapos kumain at kaunting pag-iikot pa sa mall ay nagpasya na kaming umuwi, agad na nakatulog si Ram sa likod ng kotse kaya natahamik ang sasakyan. Kumportable naman ang katahimikan, hindi masyadong traffic pero dahil pagod ay ipinikit ko rin ang aking mga mata na nauwi sa pag-idlip.
Naalimpungatan na lamang ako dahil sa ingay ng busina, pagmulat ko ay nasa tapat na pala kami ng gate ng aming bahay. Mabilis namang binuksan ng kasambahay ang gate at pinasok na ni Zen ang kotse. Bubuksan ko na sana ang lock at pinto pagkapatay niya ng makina pero pinigilan niya ang kamay ko.
"Thank you for this day Azra, I really enjoyed it." Masuyo ang binigay niyang ngiti sa akin, palagi niya itong ginagawa tuwing lumalabas kaming tatlo. Tumango ako at binigyan rin siya ng tipid na ngiti.
"Nag-enjoy din kami ni Ram kaya salamat din Zen." Bahagya akong natulala nang mapansing hawak niya pa rin ang kamay ko at hindi naaalis ang titig niya sa mukha ko.
Para akong na-estatwa nang unti-unting lumapit ang mukha niya sa akin, hindi ko namalayang pinipigilan ko na pala ang paghinga ko.
"Nay?" Para akong binuhasan ng malamig na tubig nang makitang pupungas-pungas na bumangon si Ram.
"Ah a-ano... tayo na a-anak, para makatulog ka na sa k-kama mo." Natatarantang bumaba ako at sinubukang buksan ang pinto, mali-mali ang kilos ko kaya sa huli ay si Zen pa ang nagbukas ng pinto para sa akin. Seryoso ang kanyang mukha kahit nang kuhanin niya mula sa likod ng kotse si Ram na nakatulog ulit sa balikat ng tatay niya.
Pinanood ko ang pagpasok nila sa pinto, napatuktok ako ng mahina sa sariling ulo bago ako huminga ng malalim at sumunod sa kanila. Nagtaka ako nang biglang huminto si Zen sa paglalakad, pero maging ako ay nanlaki ang mga mata nang makilala ang taong naka-upo sa aming sala.
"Diesel?"
__====__
A/N: Salamat sa mga naghintay! You read it right! D is back! try ko ulit mag-UD bukas, excited din ako eh.. hhehehe ^___^

BINABASA MO ANG
Rebel's Death Angel #Wattys2015
RomanceMasaya ang buhay ng malambing na batang si Angelique, maalwang buhay, masaya at buong pamilya. Ngunit nagbiro ang kapalaran, isang araw nagising nalang siya bilang Azrael. Malayo sa dati niyang katauhan, naging matapang siya at palaban dahil na rin...