"I can't believe that bastard's fucking cheating on you." Wika ni Zen sa mahina ngunit madiing tono, litaw sa mukha niya ang galit na para sa asawa ko. Nagkataong hinahanap niya pala ako kanina at natagpuang tulala sa gitna ng hagdan habang tutok ang mata sa dancefloor, kung hindi ko siya napigilan ay malamang gumawa na siya ng eksena.
Lalo niyang ikinagalit ang pananahimik ko, kahit sa bintana ako nakapaling ay nakita ko pa rin ang paghigpit ng hawak niya sa manibela. Hindi nagtagal ay pinukpok niya iyon ng malakas at basta nalang itinabi ang sasakyan kahit nasa highway pa kami.
"Kelan pa 'to?" Hinawakan niya ako sa balikat at pilit iniharap sa kanya, pero sa sahig ng kotse nakapatse ang tingin ko.
"Alam mo ba 'to bago pa kayo nagpakasal? Tinitiis mo lang dahil kay Ram? Why are you letting him do this to you? Ano azrael!? Don't make yourself look stupid just because of that jerk!" Sunod-sunod niyang tanong, napakurap ako nang humigpit ang kapit niya sa mga balikat ko, alam kong hindi niya sinasadya kaya hindi ako nagreklamo. At sa estado ng emosyon ko ngayon, ang tangi ko nalang gusto ay mahiga sa kama at magpahinga.
"Answer me! This is not the Azrael I know, matapang ka 'di ba! Kilala kita, hindi ka nagpapatapak-tell me what the hell's happening. Unless gusto mong malaman nina mama't papa ang ginagawa ng magaling mong asawa." Mabilis akong napatingin sa kanya dahil sa huli niyang sinabi at hindi siya nagbibiro, tiyak kong seryoso ang kanyang banta. Napa-iling ako at napapikit, biglang nanuyo ang lalamunan ko. Kapag natuklasan nila ang nangyayari lalong gugulo at baka mabunyag ng wala sa oras ang sikreto namin.
"H-huwag. Hindi na nila kailangang malaman. N-nakiki-usap ako Zen." Pagsusumamo ko sa kanya, bumuntong-hininga siya at marahan akong binitiwan.
"And what? You're gonna let this slip away?" Lalong nagusot ang noong sabi niya.
"Nagluluksa lang siya. T-tama. Masyado siyang nalungkot nang mamatay si lola." Hindi ko alam kung siya ba ang kinukumbinsi ko o ang sarili ko.
"Azra, kapag hinayaan mo siyang magpaka-gago this will eventually become a habit."
"Ako nang bahala, k-kakausapin ko si Diesel." Diskumpyado siyang napatango at tahimik na muling pinaandar ang sasakyan. Hanggang dumating kami sa bahay at tumungo sa sari-sarili naming kwarto ay wala ni isa man sa amin ang kumibo.
Kinabukasan ay nagising ako sa pagyugyog sa akin ni Ram, inaantok na iminulat ko ang isang mata.
"Good morning mom! Bangon ka na po, swimming tayo!" Masigla niyang sabi, napansin kong trunks na lang ang suot niya. Pupungas-pungas akong bumangon at agad niya akong dinamba para yakapin.
"I love you mommy! Sunod ka na po sa poolside, breatfast is there. Naghihintay na rin po do'n sina lolo't lola with tita Erin and tito Zen." Mariin niya akong hinagkan sa pisngi at saka nagtatakbo palabas ng kwarto, tumuloy naman ako sa banyo, naghilamos at nagpalit ng damit pampaligo.
Inabutan kong naglalaro sa swimming pool si Ram kasama ang kambal, tawa ng tawa ang tatlo habang nasa balikat ni Zen ang bata at hinahabol naman sila ni Erin. Ang mga panahong katulad nito ang nanaisin mong sana'y tumigil nalang ang takbo ng oras.
Lumapit ako sa mga magulang kong naka-ngiti ring naku-kwentuhan, sa kanila ang klase ng pagsasamang nanaisin mong danasin. Kahit matagal na silang kasal ay makikita pa rin sa kilos at salita nila ang pagmamahalan at respetong mas lalo pa yatang tumibay sa paglipas ng panahon. Humalik ako sa pisngi nila at na-upo sa aking pwesto, hindi naglipat saglit ay dumating naman si kuya Levi na mukhang galing sa pagtakbo, naka-ugalian na niyang ikutin ang subdivision tuwing umaga.
"Kids halina kayo! Levi and Azra are here, time for breakfast!" May kalakasang tawag ni mama sa mga naglalaro sa pool. Pagkatapos magdasal aynag-uunahang kumuha ng tapa sina Ram at Zen, parehas nilang paborito iyon.
"I got it first!" Naka-ngising wika ng anak ko.
"Hey! I was the one who requested this for breakfast." Sagot ng parang bata, ni Zen.
"Natalo kita sa soccer kahapon so, winner takes all!"
"No way! Wala naman tayong pustahan ah."
"Meron, so akin na 'to." At tuluyan nang hinila ni Ram ang pinggan ng tapa kaya wala nang nagawa ang kakumpitensya nito. Napanguso nalang ang binata habang sinasabihan ni papa.
"Zen, kahit kelan talaga... maliit lang ang kayang mong i-bully. Naalala ko tuloy noon, pinatawag ang mama n'yo dahil inagawan mo ng baon ang isang patpatin at iyaking batang lalaki." Na-iiling na pagbabalik-tanaw ni papa.
"Aha! You really are a bully tito Zen! San ka ba nagmana? Lolo and tito Levi are strong, unlike you." Kantiyaw ni Ram sa kanya at natawa naman kaming lahat.
"Aish! Tingnan mo 'tong kutong lupa na 'to, humanda ka mamaya sa'kin." Nanlalaki ang matang pananakot ni Zen s bata habang padaskol na sinusubo ang malaking piraso ng tapa.
"Cut it out anak, 'wag mo nang patulan ang pamangkin mo." Naka-ngiting saway ni mama.
Hindi ko naiwasang makonsensiya dahil sa simpleng pahayag niya, bahagya kong kinagat ang aking labi at pilit na ngumiti. Hindi ko dapat isipin ang bagay na'yon, si Diesel ang kailangan kong kausapin.
Dapat kaming magkalinawan upang maayos ang lahat, sa ngayon ay papahalagahan ko ang oras na 'to at hindi na muna mag-iisip ng kung ano pa.
Bahala na mamaya sa paghaharap naming dalawa.
-=-=-=-=-=
A/N: sorry kung lame, pasensya na rin po kung medyo natagalan V(^_^)V
BINABASA MO ANG
Rebel's Death Angel #Wattys2015
RomanceMasaya ang buhay ng malambing na batang si Angelique, maalwang buhay, masaya at buong pamilya. Ngunit nagbiro ang kapalaran, isang araw nagising nalang siya bilang Azrael. Malayo sa dati niyang katauhan, naging matapang siya at palaban dahil na rin...