-Azrael-
“Bitiwan mo ako Diesel,” kinakapos sa hiningang sabi ko.
“No, not until you listen to me.” Mas humigpit ang braso niyang nakapalibot sa katawan ko.
“Hindi na ako makahinga sa higpit ng yakap mo eh!” Napapahiyang dumistansya naman siya.
“Sige, magpaliwanag ka.” Walang emosyong utos ko.
“Totoo ang sinasabi ko, kababata ko lang siya. Pero matagal siyang tumira sa America, doon na siya nag-high school at college kaya liberated na—”
“Kaya pumayag kang magpahalik. Umamin ka. Hindi ‘yon ang unang pagkakataon na hinalikan ka niya ‘di ba?” Napipilan siya at hindi nakasagot, nag-iwas din siya ng mata.
“S-sinabihan ko na siyang huwag ulitin ‘yon but I guess she forgot ‘cause she’s excited to be here again.” Mahina ang boses na depensa niya.
“Nakalimutan o kinalimutan? Ito ang tatandaan mo Diesel sa susunod na halikan ka niya sa harap ko, mamamaga ang nguso niyang manipis.” Matalim ang tingin na babala ko, unti-unting bumalik sa’kin ang mga mata niya.
“So… I’m forgiven?” Inirapan ko siya at naglakad palapit sa sasakyan ko.
“Ihatid mo na ‘ko, nagluto daw si mama ng paborito mo.” Narinig ko naman ang nagmamadali niyang yabag, nauuna na akong maupo sa passenger’s seat. Pagpasok niya ay inabot ko ang susi at binuhay na niya ang makina. Habang nasa daan ay hindi niya tinantanan ang pagke-kwento sa nangyari sa kanya noong nasa New Zealand siya. Nais na rin daw akong makilala ng mga magulang niya, nang bigla kong maalala si Ram.
“Paano si Ram?”
“What do you mean?”
“Ibig kong sabihin paano mo siya ipapakilala?” Nag-aalalang tanong ko, tumingin siya sa akin at ngumiti.
“When the time comes, kung hindi sila uuwi dito… maybe we can fly to NZ. Ipapakilala ko na kayo sa kanila, you as my girl and him as our child. I’m sure they will be excited. Baka nga mapagalitan pa ‘ko kasi late ko na kayo napakilala. Come to think of it, pwede ba kayo next month?”
“Huh? A-ano?”
“Next month, let’s meet my family?”
“Hindi! A-ayoko pa. Hindi pa ako handa!” Natatarantang kontra ko.
“Sure ka? Siguradong matutuwa si Ram ‘pag nakilala niya pa ang iba niyang lolo’t lola at tito’t tita.”
“Hindi pa pwede Diesel… please.” Nababahalang pakiusap ko, hinila niya ako palapit sa kanya at hinalikan sa noo.
“I understand, hindi kita pipilitan kung ayaw mo pa.” Tsaka lang ako nakahinga ng maluwag sa sinabi niya.
“Teka, how long na ba kayo together?” Kikay na tanong ni Anel, nandito kami sa bahay nila dahil birthday ng panganay niya.
“Four months,” matipid na sagot ko.
“Apat na buwan pa lang kayo tapos gusto na niyang magpakasal kayo two months from now?” Paglilinaw ni Gucci.
“Hindi naman siya nag-propose, parang nabanggit lang niya kung gusto ko nang lumagay sa tahimik.”
“But that’s still too early.” Komento ni Celine.
“They’re not young anymore girls, nasa sa kanila na if they really want to get married na. And what the heck? May Ram na naman kayo eh.” Natitigilang napatango nalang ako sa sinabi niya.
“Pero ‘di ba matagal kayong hindi nagkita. People change, you know.” Paalala ni Celine.
“Agree, after niyo siguro mag-first anniversary. Ayan! Go na!”
“We will be your wedding organizers! Kyaahhh!” Sabay na tili ni Chanel at Gucci, napa-iling nalang ako sa ka-OA-an nila.
“Mom!” Biglang sulpot ni Ram sa gilid ko.
“Oh? Gutom ka na naman?”
“Hindi po, si Prada kasi…” Tukoy nito sa anak ni Anel na nagse-celebrate ng kaarawan.
“Bakit? What’s wrong with Prada?”
“She doesn’t like to play with me anymore! Hindi na daw siya bata! Kid pa rin naman sya ‘di ba? Wala pa po siyang eighteen eh.” Naka-nguso nitong sumbong na ikina-ngiti ko nalang.
“Yes baby, pero mas maaga kasi mag-mature ang girls compared to boys. Meron talagang kahit bata pa pakiramdam nila hindi na tamang makipaglaro pa the way you do.”
“But she just turned twelve kaya pwede pa siyang makipag-play sa’kin! At kanina niya pa po kausap ‘yong basketball player sa school nila. That skeleton!” Sabay turo nito sa gawi nina Prada na may katawanan ngang payat na teenager.
“Hahaha! Mukhang mas magiging mahigpit pa ‘tong si Ram kesa sa daddy ni Prada ah.” Biro ni Celine.
“You should play with Kenzo more, after all pareho kayong boys.” Pagpapaling ni Anel sa atensyon ni Ram, anak ni Gucci ang tinukoy niya.
“Ehh! One year old palang po siya, I can’t even talk to him properly. All he say’s papo meme and dede!” Busangot na ng tuluyan ang mukha ng bata nang biglang tumunog ang cellphone ko, agad ko iyong sinagot nang makitang si Erin ang natawag.
“Hello, Erin?”
“A-azra! Oh m-my God! Si Zen nag-collapse! W-were at the hospital, t-tapos si m-mama! Oh God.. Tumaas ang b-blood pressure niya! I don’t k-know! I don’t know what to d-do!” Sabi niya sa gitna ng pag-iyak, naalarma ako sa narinig pero pinilit kong kumalma.
“Erin, Erin! Makinig na. Kalmahin mo ang sarili mo.” Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya ng maraming beses.
“Ipaasikaso mo sila mama sa mga doktor, I’m on my way. Saang ospital ‘yan?” Pagkatapos kong marinig ang sagot niya ay agad akong nagpaalam sa kanila, ibinilin ko muna si Ram at sinamahan naman ako ni Celine.
BINABASA MO ANG
Rebel's Death Angel #Wattys2015
RomanceMasaya ang buhay ng malambing na batang si Angelique, maalwang buhay, masaya at buong pamilya. Ngunit nagbiro ang kapalaran, isang araw nagising nalang siya bilang Azrael. Malayo sa dati niyang katauhan, naging matapang siya at palaban dahil na rin...