Makalipas ang halos isang buwan mula nang una kong makilala ang lola ni Diesel ay narito na kami ngayon sa likod-bahay nila, sa hardin kung saan maayos na nakasalansan ang mga upuan. Habang ako ay naglalakad na may hawak na simpleng pumpon ng mga puting rosas at tulips, lahat ng bisita ay nagmamasid ng mabuti sa bawat galaw at lakad ko na kahit simpleng puting bestida lang ang suot ko ay may dumudungaw na paghanga sa kanilang mga mata.
Dahil sa katandaan ng lola ni Diesel ay hindi malabong pumanaw na ito sa nalalapit na panahon kaya nais nitong masaksihan ang kasal ng paboritong apo, hindi kami nakatanggi nang hilingin nitong magpakasal na kami ni Diesel. Nang hinatid niya ako sa bahay ay napagkasunduan naming magpakasal ngunit kumuha rin ng diborsyo pagkalipas ng isang taon, naisip kong iyon din siguro ang tamang panahon para ipagtapat ko sa lahat ang sikreto tungkol kina Zen at Ram kaya pumayag ako.
Sa harap ng ibang tao ay mag-asawa kami pero ang totoo ay magka-kanya-kanya kami ng buhay, walang pakialaman, walang komplikasyon.
"You may now kiss your bride." Naka-ngiting saad ng hukom, marahang bumaling ako sa aking 'asawa' at bahagyang nagulat nang salubungin niya ako ng mabilis na halik. Halos hindi ko naramdaman ang paglapat ng mga labi niya sa akin, napatingin ako sa madla nang magpalakpakan sila. Lahat ay naka-ngiti, sina mama at papa ay bahagya pang may luha sa mga mata habang todo ngiti naman sina Kurt, Erin at... Zen.
Kahit paano ay nakaramdam ako ng tuwa sa kabila ng mga nangyari nitong mga lumipas na buwan, dahil unti-unti nang nakaka-recover si Zenki. Malaki ang naitulong sa kanya ng bone marrow ni Ram na pasikreto kong ibinigay sa ospital. Bumabalik na ang dati niyang sigla at tuloy-tuloy lang ang paggamot sa kanya, dahil doon ay hindi ko na nakikitang umiiyak si mama.
"Congrats mommy!" Tuwang-tuwa na bati ni Ram sa amin, yumuko ako at niyakap siya habang si Diesel ay abala sa pagkikipagkamay sa mga bisita na hindi naman karamihan. Pinili nalang namin ang mga malalapit na kaibigan at kapamilya ang imbitahan upang simpleng handaan nalang ang maganap.
"I'm very happy hija, thank you for marrying my grandson." Ang lola naman ni Diesel ang lumapit sa amin, ngitian ko siya at masuyong niyakap.
"Alagaan mo siyang mabuti ha, at 'pag nagloko, isumbong mo lang sa akin."
"Makakaasa po kayo lola." Natatawang sagot ko.
Pagkatapos ng hapunan ay unti-unti na ring nagpaalam ang mga bisita, sabay-sabay na umalis ang pamilya ko dahil kailangan na rin nilang magpahinga pagka't kasama ko sila sa pagpupuyat mairaos lamang sa lalong madaling panahon ang kasalang ito.
"Mom, I'm sleepy na po." Ungot ni Ram pagka-alis ng piskal na inihatid ni Diesel sa labas.
"Gan'on ba? Sige halika na para malinisan na rin kita." Sabay akay ko sa kanya paakyat ng hagdan pero hinarang kami ng kambal na pinsan ni Diesel.
"Hep hep! Ram, hindi ka pwedeng matulog kasama si mommy tonight." Wika ni Rina.
"Po? Pero lagi po kaming lapit ni mommy matulog. Bakit po hindi na pwede?" Takang tanong ng anak ko.
"So you can have a sibling tomorrow!" Animo kinikilig na sagot ni Gina, na bahagyang ikinapula ko.
"Like a sister?" Namimilog ang mga matang usisa ng bata.
"Tumpak! So halika na, you'll sleep with tita Gina and tita Rina okay?" Naka-ngising aya nila sa anak ko.
"P-pero-"
"No buts ate! It's your first night for goodness sake! Goodnight!" Lumapit sa'kin si Ram at humalik sa aking pisngi bago kusang loob na sumama sa dalawa. Hindi nagtagal ay lumapit naman sa'kin ang nanay ni Diesel, hinatid niya ako sa kwarto ng kanyang anak na sabi niya ay silid ko na rin.
Nahahapong umupo agad ako sa kama nang mapag-isa, sa bilis kasi ng mga pangyayari parang panaginip lang ang lahat. Parang kahapon lang naghiwalay kami tapos ngayon biglang kasal na kami, kahit pa nga sabihing magdidiborsyo rin kami. Pagkuwa'y pumasok ako sa banyo upang maglinis ng katawan, laking gulat ko nang abutan ko si Diesel na nakahiga sa kama at mukhang nakatulog na, pahalang ang higa nito, nakalawit ang mga binti sa sahig at nakapatong ang kanang braso sa mga mata. Naalis na ang kurbata niya at nakabukas ang dalawang butones sa taas ng kanyang long-sleeve, wala na rin siyang suot na sapatos at medyas.
Walang ingay akong naghalungkat sa drawer ng kumot at kumuha ng isang unan sa kama tsaka tinungo ang malaking sofa. Ilang sandali ko siyang tinitigan at napangiti ako nang magsimula siyang humagok ng mahina. Naiiling na kumportable akong humiga at wala pang isang minuto ay hinila na ako ng antok.
Nagisingako sa silaw ng araw na tumatama sa aking mga mata, napabangon ako nang mapagtantong wala ako sa sofa kung saan ako humiga kagabi. Paglingon ko sa aking tabi ay wala namang tao roon, napabaling ako sa banyo nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Iniluwa noon ang lalaking nagpupunas ng basang buhok at ang tanging suot ay board shorts, lantad na lantad ang kanyang katawan na kapag kumikilos ay mapapansing alaga sa exercise. Napa-iwas ako ng tingin ng humarap siya sa akin.
"Nilipat kita diyan kagabi 'cause I'm afraid you'll fall on the floor, 'wag kang mag-alala kahit magkalapit tayong natulog I swear I did not do anything funny." Depensa niya hindi pa man ako nagsasalita, natitigilang tumango nalang ako. Nakita ko sa gilig ng aking mga ang pagsusuot niya ng t-shirt, bahagya akong naasiwa kay bumangon na ako at tumuloy sa banyo. Kahit naghihilamos ay rinig ko ang sunod-sunod na malalakas na katok sa pinto ng kwarto, nagmamadaling nagpunas ako at lumabas. Nakita kong binuksan iyon ni Diesel at sa likod nito ay ang naiiyak na mukha ni Rina.
"K-kuya, si lola!"
A/N: My Imperfectly Fake Prince is now available on bookstores, please grab a copy and tag me. Sana po suportahan nyo, thank you :)
![](https://img.wattpad.com/cover/21946477-288-k340934.jpg)
BINABASA MO ANG
Rebel's Death Angel #Wattys2015
RomanceMasaya ang buhay ng malambing na batang si Angelique, maalwang buhay, masaya at buong pamilya. Ngunit nagbiro ang kapalaran, isang araw nagising nalang siya bilang Azrael. Malayo sa dati niyang katauhan, naging matapang siya at palaban dahil na rin...