Chapter 16: Camille.

47 10 0
                                    

Chapter 16: Camille

SKY’s POV

Natapos ang dalawang klase namin sa araw na ito, habang ang iba ay nagbubulung-bulungan, kung makatingin sa akin ay parang diring-diri pa.

Malilintikan talaga kung sino ang nagkalat ng issue na lesbian ako. This shows how judge mental people could be. Sa ngayon ay hahayaan ko na muna ang bulung-bulungan na yan, pero kung umabot na sa pisikalan kakalimutan ko na talaga ang motto kong “Wala akong pakealam.”

Brrzztt..brrzztt..

Ate D’ Calling….

“Hello ate?” Sagot ko sa tawag.

“Nasaan kayo?” Tanong niya.

“Naglalakad na papuntang parking lot.”                      

“Maaga pa para umuwi Baby, I’ll meet you on the pathway.” Pagkasabi niya non ay binaba niya na agad ang tawag.

“Oh, ansabi ni ate D’?” Tanong ni Sophia.

“We’ll meet her on the pathway.” Sagot ko, at nagpatiuna ng maglakad, dahil nasa field pa kami.

Pagkarating sa pathway ay agad na nagtilian ang mga kasama ko.

“Kyaaaaa! Attteeeeeeeee Diiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii!”

 

“Waaaaaah! Girls, I missed you!” Tili rin ni ate.

Tsk. Ang ingay nila.

 

“We missed you too Ate.” Sabi ni Sophia.

 

“I can’t wait for the pasalubong!” Sabi naman ni Rianne. Isa-isa na silang nakipag-beso sa Ate ko.

“Sus! Wala! Hindi ka kasali sa pasalubong oy!” Singhal sakanya ni Laurine.

“Haha! Oo nga, hindi ka kasali sa pasalubong!” Sakay trip naman ni Alexis, at tumango-tango naman sina Sophia,Nique, Kathe at Mawie.

“Ate D’ inaaway nila ako, diba di naman totoo na wala akong pasalubong?” Maiiyak na si Rianne ng sabihin niya yan. Napailing na lamang ako sa iniasta niya.

Isip-bata talaga.

“Syempre naman di yun totoo. Lahat kayo ay may pasalubong galing sa akin.” Sabi ni ate dahilan upang mag-silabasan ang mga ngiting-aso ng mga kaibigan ko.

“Yehey!” Sabay nilang hiyaw, na napapatalon pa.

“Wait a minute, where the hell is my baby sister?” Natatarantang tanong ng Ate ko. All this time di niya ako napansin ganon?

“Andito ako.” Sabi ko na sumilip pa sa kinaroroonan niya dahil nasa likod ako ni Laurine.

“Bat di kita napansin?”

“Kasi hindi ako kapansin-pansin.” Walang ganang sabi ko sakanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin.

“Baby Venice may pinanghuhugutan ka ata.” Sabi niya na parang nang-aasar pa.

Closure (That's What We Need.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon