Chapter 41: The Favorite Player.

25 1 0
                                    

I know it's late but still let me greet you a Merry Christmas. Here's my gift, I hope kiligin kayo :*


Chapter 41: The Favorite Player.

SKY's POV

"I'll love you for a
Thousand more...."

Natapos ang kanta ni Christina Perri nang hawak namin ang mukha ng mga partner namin. Pumalakpak ang instructor namin. Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya ngunit kita sa mukha niya na di pa siya masyadong satisfied sa resulta ng practice namin.

"Well your dance was ok, pero hindi pa rin kayo sabay-sabay." Tumingin siya sa lahat. "I understand that this is our first practice so don't disappoint me in the next days to come. Is that understood?"

"Yes Sir" Sagot ng mga kasama ko, maging ang kapartner ko na si Adrian ay sumagot rin. It doesn't seem right really. I have to tell our instructor something.

"Ah—Sir." Tawag pansin ko sa instructor. He smiled at me and raised his both eyebrows waiting for me to say something. "Why do we need to be dancing in the middle? I mean, we're not some kind of a VIP on the Masquerade Ball. Adrian and I can join the others in the circle." Please pumayag ka na. I was trying to tell him to just change the formation of the dance. Sa simula nito ay nakalinya kami pero di kalaunan ay mapupunta kami sa gitna ni Adrian at papalibutan kami ng iba naming kasama. Yes I know it's a masquerade ball, therefore we have to put our masks on while dancing. But at the end of the dance we have to take it off.

"I'm sorry dear, but the formation has always been that way. It's a tradition, kahit itanong mo pa sa mother mo yan na yan din ang nangyari sakanya. And if you attended the previous Masquerade Ball few years back, I know na alam mong ganto rin ang formation. And there's no changing it. I'll see you again tomorrow everyone. Same time, same place." Yun lang at umalis na siya sa social hall. I wanna choke him. Of all people why it has to be me and Adrian? Pwede namang si Sophia at Dylan, si Nique at Charlie, o di kaya'y sina Dale at Camille. Bakit kailangang kami pa ang sasayaw sa gitna?

"What's the fuss all about?" Takang tanong ni Charlie sa akin.

"I just don't want to be dancing in the middle. Pwede namang kayong dalawa ni Nique sa gitna." Pinigilan kong wag sumimangot dahil sa inis. Masyado ba akong importante para sumayaw sa gitna?

"It's a tradition." Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Si Ate Denice lang pala na napakaseryosong nakatingin sa akin. Naglakad ito palapit sa gawi ko. "The formation has never been broken ever since. Kahit si Mommy nagreklamo noon kung bakit siya sa gitna, kahit ako nagreklamo rin. Kahit si Kuya D' hindi rin matapos-tapos ang reklamo noon. But Lolo Steve told us why it has to be us in the middle. He said, simply because you are an Austine. And I think you better stop fussing about that babysis." Bumuntong hininga pa siya, para bang may gusto pa siyang sabihin habang nakatingin sa mga mata ko. What is it? Just tell me.

"Ate wala ba talagang balak si Lolo Steve na baguhin ang formation na yan para sa Masquerade Ball? I mean hello? Nasaan na ang modernisasyon?" Sabat ni Alexis na mukhang di rin sang-ayon sa formation namin. Sa totoo lang ayos lang na sumayaw kami ni Adrian sa gitna, ang problema ay wala kaming kasama sa gitna, kami lang ang sasayaw doon habang nakapaikot ang iba pang mananayaw sa amin.

"Because this Masquerade Ball we are talking about is a classic type of ball. Para kayong mga prinsipe at prinsesa na magsasalo-salo sa gabing iyon. Now let's go back to the formation, why Sky is the one in the middle is because she is the granddaughter of the great Steve Austine, why are you in the circle is because you are one of the important people here in school. Do you get my point or it's still blurred?" Doon ko na naintindihan ang pinagsasabi ni Ate. Kaya pala. Napailing nalang ako. Eto ang pinag-usapan namin ni Lolo nong pinatawag niya ako pagkatapos ng exam. Yung araw kung kelan naging si Nique at Charlie na. Pero noong si Lolo ang nag-explain sa akin hindi ko pa masyadong naintindihan. Ngayon ay naintindihan ko na. The formation symbolizes the stand or the status of the dancers. At tanging mga dancers lang ang nakakaalam non. I just don't know why we have to keep it a secret. But I guess that is to protect me.

Closure (That's What We Need.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon