Chapter 1: Back to The Philippines
NAIA Airport
SKY'S POV
Maingay.
Napakaingay.
Eto na ang senyales na nandito na nga talaga ako sa Pilipinas. Ang lugar kung saan nagsimula lahat.
Yung maleta ko at iba pang mga gamit ay dala-dala na nang driver papunta sa kotse.
Si manong Ernesto nga pala ang family driver namin, siya ang sumundo sa akin dito sa airport. Dahil kung ang kapatid ko pa ay baka pagkaguluhan lang siya dito.
"Ayos na po ba yan manong?" Tanong ko sakanya ng makita kong naiayos niya na ang mga gamit sa likod.
"Ayos na to hija, pumasok kana sa kotse." Sagot nya.
"Sige po."
Pumasok na ako sa kotse, at binuksan ang backpack ko, hinanap ko yung earphones ko at yung cellphone.
Dinig ko ang tunig ng makina ng kotse. Uuwi na akong talaga. Hindi sa apartment kundi sa totoong bahay namin ng pamilya ko.
Napagod ako sa biyahe ramdam ko na ang antok sa Sistema ko.
"Manong gisingin nyo nalang po ako pag nakarating na tayo sa bahay." Inaantok talagang sabi ko.
"Sige hija."
And then with that I drifted off to sleep.
"Sky I'm setting you free." The guy said to me.
"You're kidding right?" I asked him.
"No, I'm serious." He said seriously, not even looking at me.
"Come on at least give me reasons. I can't believe you just like that! " I said while shaking my head.
"There's this girl. I guess that's enough reason for you to believe me now." I still can't believe him.
"No, you love me, I love you!" I shouted to his face.
"But it's not the only reason for a relationship to last Sky. I'm not the right guy for you, and you're not the right girl for me. We deserve someone better." And with that I started crying. And he left me there. Alone.
Nakaramdam ako ng mahinang haplos sa aking mukha.
At dahil don unti-unti kong minulat ang aking mga mata.
"You're dreaming." Si Mommy pala. Tama siya mukhang may napanaginipan nga ako. Isang parte ng nakaraan ko na ayoko ng maalala.
"I'm hungry. Can I eat?" Tanong ko nang makabangon ako sa sofa.
Hindi ata ako magising ni manong kaya binuhat nalang ako papunta dito.
"Yes anak, madaming pagkain dyan, nagpahanda nga ako ng mga favorites mo eh, unfortunately lumamig na kase pagdating mo kanina tulog ka. Ansabi mo daw kay mang Ernesto gisingin ka pag nakarating na kayo dito, ayaw nya namang gisingin ka kaya si Kuya mo ang bumuhat sayo papasok dito." Sabi niya habang papunta na kame sa dining area.
Ang bango, mas lalo akong nagugutom. Nakakatakam ang mga pagkaing nakikita ko.
Totoo ngang nakabalik na ako sa Pinas.
"Ikaw nagluto ng lahat ng to ma?" Natatakam talaga ako sa mga nakikita ko.
"Yes dear, so eat up. Ah, Tere, tawagin mo nga ang sir. Cloud mo, pababain mo dito, sabihin mo kakain na."
BINABASA MO ANG
Closure (That's What We Need.)
Romance"I thought it was the end, but t'was only the beginning. I thought I could just forget, but I found myself remembering. There was no other way for us to be at peace. Closure, that's what we need."