Chapter 34: Scholars Assembly.

36 3 3
                                    

Author's Note: Medyo mahaba-haba ito. Beware. This is lame update. Enjoy Reading:*


Chapter 34: Scholars Assembly.

SKY's POV

"Yes. I'd be glad to help you with the documentations. Of course Mawie. No, no it's fine with me. Sure. Ok I'll see you later then. Bye." Pagkatapos niyang kausapin si Mawie umupo na si Ate sa tabi ko. Tinawagan kasi siya ni Mawie, humihingi ng tulong para sa mga documentations mamaya sa Scholars Assembly.

Scholar's Assembly. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman ko. Magpeperform kami mamaya sa harap ng mga scholars ng iba't-ibang eskwelahan. Sana ay magbunga ang panay naming pag-eensayo nitong mga nakaraang linggo.

"Akala ko ba ay nagmamadali ka?" Dinig kong tanong ni Kuya sakin. Hindi ko naman siya pinansin. Nagpatuloy ako sa pag-nguya ng pagkain, nilunok ito at uminom ng tubig.

Tiningnan ko ang wristwatch ko. it's quarter to 6.

"Maaga ba talaga dapat kayong pumunta don Babysis? Baka naman pagdating mo don matutulog ka lang sa Stadium." Natawa pa ng bahagya si Ate ng sabihin niya yon sa akin.

"Ayos naman ang tulog ko. Sapat lang para manatili akong gising buong araw." Sagot ko tsaka tumayo na. Nilapitan ko si Ate at hinaikan sa pisngi.

"Mauna na ako." Paalam ko. Nilapitan ko rin si Kuya at ginawaran ng halik sa pisngi. Kaming tatlo pa lang ang gising. Tulog pa si Mommy. Si Daddy naman hindi ko alam. Baka nasa study room na iyon hindi lang bumaba para mag-agahan.

"Bat hindi ka nalang sumabay samin ni Mom?" Tanong ni Ate. Hindi pa naman ako umaalis ng dining area. Kumuha ako ng tumbler at nilagyan iyon ng tubig.

"You know I can't." Nagkasabay naman na kami pero magkahiwalay na araw yon. Ayoko lang na may maisip na naman ang mga tao sa school, o kahit sino pang makakita sa amin. Ayokong maging issue na naman to sa pamilya namin.

"People will notice the treatment that Mom and Denice will give you Sky. And one day magugulat ka nalang na may magtatanong sayo kung kaano-ano mo ba ang pamilyang to." Natigilan ako sa sinabi ni Kuya. Umagang-umaga ang init ng ulo niya. I know he's mad at something.

"Blame it to your PMS Cloudnine." Walang gana kong sabi. Sinamaan niya naman ako ng tingin habang si Ate naman ay nagpipigil ng tawa.

"I'm not talking shit here Sky Venice." Seryoso talagang sabi niya. Hindi naman ako makapaniwalang napatitig sakanya. Agad kong naramdaman ang inis sa sistema ko. Ngunit pinigilan ang sarili kong magtaas ng boses sa kuya ko.

"For crying out loud. Ano bang gusto mong gawin ko? Ang ipagsigawan sa mundo kung sino talaga ako? Yon ba? Sige bukas na bukas mag-papress conference ka." Blangko kong sabi, walang himig ng sarkasmo, habang nakatingin ng deretso sakanya. Kita ko naman ang kaninang galit niyang mukha ay napalitan ng gulat. "I can't ok? I still can't. Don't worry, kasalanan ko naman kaya kailangan kong pagbayaran." Malumanay pang dagdag ko. Nanatili siyang nakatingin sa akin habang si Ate naman ay nanatiling nakatingin sa baso.

Napatingala ako at umiling. Mukhang nasira na ang mapayapang araw ko. Umiwas siya ng tingin sakin ng muli akong magbaba ng tingin sakanya.

"Tama na yan. Wala namang mangyayari kung pag-aawayan niyo yan diba?" Malumanay na sabi ni Ate. Hindi kami sumagot. Nanatili akong nakatingin kay Kuya, hindi niya na ako muling tiningnan pa.

"Kung galit ka, wag mong ibaling sa akin ang galit mo. Pwede mo kong murahin kung wala ako sa harap mo." Seryoso kong sabi kaya nakakunot ang mga noong napatingin siya muli sa akin.

Closure (That's What We Need.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon