CHAPTER 18: Mr. Austine.
SKY’s POV
“I can’t waste time so give it a moment,
I realize nothing’s broken,
Don’t need to worry ‘bout,
Everything I’ve done,
That every second like
he was my last one.
Don’t look back, got a new direction,
I love you once, needed protection
You’re still a part of everything I do,
You’re on my heart just like a tattoo,
Just like a tattoo,
I’ll always have you…”
Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata.
At hindi ko maiwasang hindi tignan ang kabuuan ng stadium na parang may hinahanap.
Nandito kaya si Mr. Unknown?
Hindi ko mapigilan ang sarili kong itanong yun.
Bakit ko nga ba hinahanap ang taong hindi ko naman lubusang kilala.
“Wooooh! Ang galeeeeng mo!” Sigaw ng isang grupo ng mga estudyante na nasa may tapat lang ng stadium.
“WE LOVE YOU SKY!” Dinig kong sigaw nina Sophia.
Ngayon ko lang napansin na lahat sila ay nakatayo habang pumapalakpak pa.
Ang iba ay naghihiyawan pa.
Masyado akong nalunod sa kinakanta ko, at hindi ko man lang napansin na ganyan na pala ang mga reaction nila.
Ngayon ko nalang ulit nagawa to. Ang kumanta sa taas ng entablado, at makatanggap ng atensiyon na hindi ko naman kailangan.
Matapos kong mag-bow ay bumaba na agad ako at tumungo sa pwesto nila Sophia.
“Shit! Ang galing mo talaga.” Bungad ni Mawie sakin. Kailangan talaga nakamura siya.
“Leche ka! Mas lalong gumanda ang boses mo!” Bulyaw ni Kathe pero nakangiti naman. Napangiwi ako sa itsura niya.
“Tara na sa Paris, para gumanda rin boses natin.” Suhestiyon ni Mawie, dahilan ng paglingon nila Nique sakanya.
“Wag na.” Poker face pang sabi ni Rianne.
“Ha? Bakit naman?” Nagtatakang tanong ni Mawie sakanya.
“Eh, kasi kahit pumunta tayo ng Paris ay hindi pa rin gaganda boses mo!” Sagot sakanya ni Alexis.
Sumimangot tuloy ang isa, at nagtawanan naman sina Nique.
“Tama na yan, alis na tayo dito.” Sabi ko para makuha ang atensyon nila.
“Bhest naman wala na rin naman na tayong klase mamaya ah, dito na muna tayo.” Pagtanggi ni Sophia.
“Oo nga pretty cousin. Dito na muna tayo. Pretty please.” Nakalabi pang sabi ni Nique.
BINABASA MO ANG
Closure (That's What We Need.)
Romance"I thought it was the end, but t'was only the beginning. I thought I could just forget, but I found myself remembering. There was no other way for us to be at peace. Closure, that's what we need."