Chapter 35: Fucked up LIAR.

23 4 1
                                    

Let her voice be heard.

Medyo lame ulit. XD

Enjoy reading:*


Chapter 35: Fucked up LIAR.

SKY's POV

Sinubukan ko.

"Ohhhhh wag na wag mong sasabihin
Na hindi mo nadama itong

pag-ibig kong handang ibigay kahit pa ang kalayaan mo"

Sinubukan kong umiwas sa mga mata niya. Pinilit kong wag tumingin sakanya.

Pilit kong inaalis sa isip ko ang mga alaalang naglalaro sa utak ko. Alaala ng pakikipaghiwalay niya sa akin. Alaalang ayoko ng balikan.

Nung idilat ko ang mga mata ko matapos kong kumanta isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa stadium.

Kailangan bang ganito kasakit ang maramdaman ko dahil lang sa kinanta ko?

Napatitig akong muli sakanya. Anong dahilan mo para umiyak?

Bakit kailangan mong umastang nasasaktan sa mga narinig mo?

Nakapikit siya at tila baga'y di niya alintana ang pag-iyak niya.

Pakiramdam ko bumabalik sa akin ang lahat ng alaalang meron kami noon. Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kelan gusto ko nalang na mamuhay ng normal. Wala na dapat akong maramdaman. Pero bakit ngayon ay nasasaktan na naman ako. Nasasaktan dahil lang sa kinanta ko.

"Kung kanina ay hiyawan ang natanggap mo, ngayon ay isang nakakabinging katahimikan na naman. You melted our hearts just like that. And we became speechless hearing you sing that song. " Hindi ganon kahalata ang pagiging malumanay ng paraan ng pagsalita ng babaeng MC.

Napatingin ako sa mga tao na nasa loob ng stadium. Lahat sila ay parang maiiyak at ang iba ay hawak-hawak ang dibdib nila. Hindi ko alam kung anong meron sa kinanta ko, kung bakit pati sila ay nahawa sa kalungkutang nararamdaman ko.

"Everyone let us give a round of applause to Ms. Sky Venice Dela Vega." Malakas na sabi ng lalaking MC.

At yon ang naging hudyat ng isang malakas na palakpakan ng mga taong nasa loob ng stadium. Napatingin ako sa direksyon nina Sophia na nakaupo na sa bandang likuran ng mga Principals kung saan nakahilera sa mga Austine. Nasa second row sila na nakahilera sa row nina Camille at Ash.

Nakathumbs-up silang lahat na kaibigan ko kasama na si JC.

Napatingin rin ako sa pamilya ko at ang una kong tinignan ay si Lolo. He's giving me an apologetic look. And I smiled a bit to tell him not to worry about me. Tiningnan ko rin si Mom na siyang nakangiti ng malungkot sa akin.

At ang huling tiningnan ko ay ang taong nasa kanilang likuran. Na hindi ko namalayang nakadilat na pala at tinititigan ako. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangang maupo siya sa likuran mismo ng president.

Ano ang ginagawa mo sa likuran ng pamilya ko?

"Idol!"

"Nakakaspeechless ang boses mo!"

"Ang ganda mo."

"Woooh! Sky ang galing mo!"

"Wecome back idol!"

"Welcome back Sky!"

Naging maingay na naman sa loob ng stadium dahil sa walang tigil na sigaw at hiyawan ng mga estudyante.

Closure (That's What We Need.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon