Chapter 27: Akyat-Bahay.

21 11 1
                                    

Chapter 27: Akyat-Bahay.

SOPHIA's POV

Nakakagulat.

Nakakatakot.

Nakakaiyak.

Yun lang ang masasabi ko.

Nakakagulat at nakakatakot ang ginawa ni Sky. Kahit siguro ako ay ganon rin ang gagawin, sa bastos na bunganga ni Jake ay talagang sasapatusin ko siya. Malas niya nga lang at si Sky ang nakaharap niya.

Hinatid namin ang bangkay este ang bugbog saradong Jake sa mga kaibigan niya, at halos mag-makaawa ang mga ito na sana'y patawarin na namin ang kaibigan nila. Ngunit hindi samin nakasalalay ang pagpapatawad sa taong yon. Si Mawie ang naagrabyado kaya wala kaming magagawa sa kung ano mang maging desisyon niya patungkol sakanila ni Jake.

"Kaya ikaw, wag kang nagpapaniwala sa mga lalaking nagbabait-baitan lang." Napalingon ako kay Sky nang sabihin niya yon.

"Ano?" Nagtataka kong tanong sakanya. Pinagsasabi nito.

"Wala." Umiling-iling pa siya  ng sabihin yon.

Nasa pathway na kami papuntang parking lot. Madilim na masyado, at kokonti nalang ang mga estudyante ang nandito sa University.

"Galit na galit ka kanina ah." Sabi ko sakanya at natigilan siya kaya napatigil rin ako sa paglalakad.

"Hindi ko talaga nagustuhan ang sinabi niya." Malumanay niyang sabi.

"I know, kahit sino ay di matutuwa. And that would be the last time you'll do it." Sabi ko sakanya na parang pinapagalitan ko na rin. Nakakatakot kasi talaga, kung di ko pa pinigilan ay di talaga titigil to.

"I can't promise you that." Sabi niya at tumingin pa sa malayo. O mas mabuting sabihing tumingin siya sa kawalan.

"Di mo naman kasi kailangang mangako, gawin mo. Hindi sa lahat ng oras ay nandito kami para pigilan ka. Tandaan mo yan." Malumanay ko ring sabi sakanya habang nakatingin sa mga mata niya.

"Well, ayoko na ngang maulit. Masakit sa kamay eh." Nakangiwi niyang reklamo, hanggang ngayon kasi ay namumula pa rin ang kamay niya. Napailing na lamang ako sa sinabi niya.

"Ang tigas kasi ng mukha nung Jake." Tatawa-tawa kong sabi sakanya, natawa rin siya kahit papano.

"Hoy! Ano pang tinutunganga niyong dalawa diyan! Bandila na di pa tayo nakakauwi." Sigaw ni Nique samin ng mapansin nilang nakatayo lang kami ni Sky dito.

Kaya naglakad na muli kami ni Sky papuntang parking lot.

 "Ako na ang maghahatid kay Mawie." Paalam samin ni Nique.

"Mmm, dapat lang, ikaw may pakana ng lahat ng to eh." Sang-ayon sakanya ni Kathe.

"Ako nga may pakana, pero di namam ako ang malakas manuntok!" Singhal ni Nique at tiningnan ng masama si Sky.

"Wag mo kong tingnan ng ganyan Nique." Seryosong sabi ni Sky, kaya nag peace sign naman si Nique. Hindi siya pinansin ni Sky at naglakad palapit sa kotse niya at napasandal doon.

Tiningnan lang namin siya.

"Oy, problema non?" Pabulong na tanong ni Nique sa akin. Nagkumpulan kasi kami sa harap ng kotse niya dahil sinabi niyang siya na ang maghahatid kay Mawie pauwi.

"She's worried."  Sagot ko. Habang tinitingnan si Sky na malalim ang iniisip.

"Oh, the punching scene." Sabi naman ni Nique.

Closure (That's What We Need.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon