Chapter 29: Steven.
SKY's POV
Lunes na naman, isang panibagong araw para pumasok sa eskwelahan. Ngunit gusto kong manatili na lamang nakahiga sa kama ko at hindi na pumasok sa paaralan. Masyadong maraming nangyari noong nakaraang linggo. Ang mga pagpaparamdam ni Mr. Unknown at ni Ash. Ang hindi ko maintindihang tensyon na namamagitan kay Sophia at Dylan, pati na rin ang ginawa naming paghihiganti doon sa manliligaw ni Mawie.
Ano naman kaya ang mangyayayri ngayon?
Tinatamad akong bumangon at maghanda na para pumasok, resulta ito sa kulang kong tulog. Galing kami kagabi sa bahay nina Lolo at Lola. Anong oras na rin kaming nakauwing magkakapatid kaya eto at kulang ako sa tulog.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng kwarto ko, hindi na ako nag-abala pang alamin kung sino ang nagbukas non. Nanatili akong nakatingin sa kisame.
"Hey, you're still not ready?" Tanong niya sakin ng makitang gising na ako.
"Tinatamad akong pumasok." Walang ganang sabi ko, tsaka ko siya tinignan. Hindi siya nakabihis pang opisina.
"But you have to go to school baby. Come on get up. Ako mag-hahatid sayo." Nakangiting sabi niya at pilit akong hinihila patayo.
"You're not going to work?" Taka kong tanong sakanya habang dahan-dahan akong bumabangon.
"Yes, bibisitahin ko kasi ang Lolo mo." Sabi niya at kinindatan pa ako. "Bilisan mo na, I'll wait for you downstairs." Dagdag niya pa at tsaka lang naglakad palabas ng kwarto ko.
Siya ang mag-hahatid sa akin? At pag ganon, pati pag-sundo ay siya rin ang gagawa.
Inihanda ko naman ang uniform na susuutin ko, pagkatapos ay pumasok na sa banyo at naligo. Naging mabagal rin ang pagkilos ko, dahil nga sa katamarang nararamdaman ko.
Natapos rin ako sa pagligo pagkatapos ng ilang minuto, at nagbihis na. Inayos ang buhok ko at isinukbit ang backpack ko sa aking likuran. Handa na akong pumunta ng school.
Pagkababa ko ay agad akong dumiretso sa dining area, dahil paniguradong di ako paaalisin ni Mommy ng walang laman ang tiyan.
"Sky hija, maupo ka na at kumain." Anyaya ni manang nang mapansin niya ako habang nagsasalin siya ng pineapple juice sa baso. Para sa akin iyon malamang.
"Si Mommy po?" Tanong ko nang makaupo ako. Ang sabi niya ay hihintayin niya ako dito sa baba.
"Nasa labas, pinapahanda ang kotse niya." Nakangiti niyang tugon. Tumango-tango nalang ako at nagsimula ng maglagay ng kanin sa aking plato at kumuha na rin ng ulam.
"Ah, manang sina Kuya po pala?" Napansin ko kasing walang maingay na Denice ngayong umaga.
"Maaga silang umalis, himbing na himbing ka sa pagtulog kaya di na nila nagawang mag-paalam sayo." Sagot niya at tsaka inilagay ang baso ng juice sa gilid ng plato ko.
BINABASA MO ANG
Closure (That's What We Need.)
Romance"I thought it was the end, but t'was only the beginning. I thought I could just forget, but I found myself remembering. There was no other way for us to be at peace. Closure, that's what we need."