Chapter 36: Flashback #4(His POV)

14 4 0
                                    

AUTHORS NOTE: Eto na. Kayo na ang humusga. Pasensya nama at ngayon lang ako nakaupdate, bumawi lang talaga ako sa tulog. Summer na kaya panahon talaga ng katamaram. Enjoy reading:*


Chapter 36: Flashback #4(His POV)

NIQUE's POV

It's exams week. Lahat kami ay naging abala sa pag-aaral. Sa pagrereview. Lahat kami ay tutok na tutok sa bawat subjects na kukuhanan namin ng pagsusulit. Naging abala kaming lahat at hindi man lang nagkaron ng oras para kamustahin ang isa't-isa pagkatapos ng Scholar's Assembly.

Pero kahit na ganon kami ka abala hindi pa rin maalis-alis sa isip ko ang unang pag-uusap ni Ash at Sky noong araw ng Scholar's Assembly. Hindi mawala-wala sa isip ko ang mukha ni Sky at ang mga katagang binitawan niya kay Ash. Naroon kami at nasaksihan ang bawat palitan nila ng mga linyang hindi namin inakalang lalabas sa mga bibig nila. Pakiramdam ko ako si Ash at ako ang nasasaktan para sakanya. Kahit sino man ang makarinig ng mga sinabi ni Sky ay talagang madudurog ang puso. Pero kahit sino naman ang makarinig kay Ash ay talagang maiinis.

"She's not my girlfriend."

Naalala kong muli ang huling linyang sinambit ni Ash na mas lalong nagpagalit kay Sky. Paanong hindi mo girlfriend si Camille?

Alam kong kahit hindi ipakita ni Sky naguguluhan rin siya sa sinabi ni Ash. Gusto kong magtanong pero alam kong hindi ko rin naman makukuha ang sagot.

"Hindi ba talaga siya nag-sasalita?" Narinig ko ang nag-aalalang boses ni Mawie. Kaya napalingon ako sa gawi niya. Nakatingin siya kay Sophia ng tanungin niya yon.

Nasa loob kami ng classroom nila. Kami-kami lang ring magkakaibigan ang nandito. Pinuntahan na namin sila ni Sky dito, pero sa kasamaang palad ay hindi namin naabutan si Sky. Ang sabi ni Sophia ay nagmamadali itong umalis dahil pinapatawag raw ito ng President.

"Hindi naman sa hindi talaga nagsasalita. Malamang dahil exam ngayon hindi iyon nag-iingay pag sumasagot sa test paper. Nakita mo bang mag-ingay yon habang sumasagot nong grade six tayo?" Gusto kong batukan si Sophia nang sabihin niya iyon. Paminsan talaga wala rin sa hulog ang mga pinagsasabi niya. Nang mapatingin siya sa direksyon ko pinukulan ko siya ng isang masamang tingin. Kaya ngumuso siya tsaka tumingin sa pintuan ng classroom at bumaling muli sa amin. Tahimik kaming naghihintay sa susunod niyang sasabihin dahil di naglaon ay naging seryoso ang mukha niya at parang may inaalala.

"Hindi ko pa rin makakalimutang kami ni Dylan ang pumalit sa performance na dapat ay siya ang gagawa." Natatawa kunyaring sabi niya. Totoo ang sinabi niya. Hindi na bumalik pa si Sky upang gawin ang pangatlong performance niya sa pang-hapon na parte ng program. Tinawagan namin siya at yun ang ibinilin niya. Ang pasayawin nalang sina Sophia at Dylan. Yung sayaw na ginawa nila sa music video. At walang nagawa si Trixie dahil hindi rin namin alam kung paanong pababalikin si Sky dahil nung tinanong namin siya kung nasaan siya ang sabi niya lang 'Just let me calm myself.'

"Ay teh? Galit ka?"

"Hindi naman. Sa katunayan nga ay nagpapasalamat nalang rin akong hindi niya pinilit ang sarili niyang bumalik rito nung mga oras na iyon." Tumaas baba ang balikat niya pahiwatig na humugot siya ng hangin at muling inilabas iyon. "Hindi ko nga kinaya iyong nasaksihan natin, siya pa kayang involve doon?" Napailing siya matapos sabihin iyon. Hindi nga namin kinaya iyong nasaksihan namin. Ni hindi nga kami nakapagsalita agad kahit na dumating kaming nakatitig palang sa isa't-isa sina Ash at Sky. Makapigil hininga ang makita silang muli ng ganon kalapit.

"Hindi pa rin ako maka-move on doon sa huling sinabi ni Sky. Nagawa niyang magmura." Halata ang pagtataka sa boses ni Kathe. Kahit ako ay hindi makapaniwala. Hindi niya ugali ang mag-mura lalong-lalo na't maraming tao ang nakapaligid sakanya. Naririnig namin ang bulong-bulungan ng mga estudyante sa quandrangle nung mga oras na yun. Ang iba ay hindi matigil-tigil sa paglingon. At ang iba ay nagtataka sa mga naririnig nila.

Closure (That's What We Need.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon