Chapter 22: Soccer Team Captain.
ASH’s POV
“Captain magpapractice ba tayo bukas?” Tanong ni Kevin sakin, na alam kong sa loob-loob niya’y hinihiling na sana’y walang practice upang makapag-date siya at ang girlfriend niya.
Girlfriend.
This word always leads me to memories I shouldn’t reminisce, but my heart says I should.
“Wala. Wala tayong practice bukas.” Sagot ko, kaya masayang nag apiran ang mga kasamahan ko sa soccer team.
“Yes! Pwede ko ng i-date ang girlfriend ko bukas.” Masayang sigaw ni Kevin.
“Magkita nalang tayo mamaya sa soccer field uuwi na muna ako.” Sabi ko at Iniwan sila sa gym.
Wala akong pasok ngayon, pumunta lang ako sa school para sabihan ang soccer team na may practice kami mamaya.
Tuwing martes ay wala akong klase kaya libre akong gawin kung ano mang gugustuhin ko sa araw na to.
Habang naglalakad ako may nakasalubong akong dalawang tao.
Sa mga nangyari noon, halos dalawang taon nila akong hindi pinansin at hindi ko alam kung hanggang ngayon ay ganon pa rin ba ang tingin nila sa akin.
Manloloko at manggagamit.
Isang napakasakit na label na ibinigay sa akin.
Napahinto ang magkasintahan sa harapan ko. Kahapon ay ganto rin ang nangyari ngunit ngayon ay may ngiti na sila sa mga labi.
“Ash.” Si Charlie ang unang tumawag sa pangalan ko.
Isa siya sa mga matalik kong kaibigan, ngunit halos kamuhian niya ako sa nagawa ko noon.
“Hey.” Gulat na sabi naman ni Nique na sinisipat ako ng tingin na parang hindi ako ang Ash na kilala niya. Na kahapon lang ay nakasalubong nilang dalawa.
Hindi ako nagsalita blangko lamang akong nakatingin sakanila, dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin.
“Dejavu ba ito?” Tanong agad ni Charlie. Napailing ako sa sinabi niya. Alam kong ang tinutukoy niya ay ang pagkikita namin kahapon ng umaga.
“Mukha nga.” Sagot ko, at natawa naman sila.
“Saan ang punta mo?” Tanong ni Nique sa akin.
Nasanay akong hindi nila ako kinikibo at hindi ganitong kinakausap ako.
“Uuwi na.”
“Kaya pala.” Sabi naman ni Charlie.
“Kayo ba saan ang punta niyo? Teka balita ko ay nililigawan mo si Nique, Charlie?” Nakita ko ang biglang pamumula ng pisngi ni Nique sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Closure (That's What We Need.)
Romance"I thought it was the end, but t'was only the beginning. I thought I could just forget, but I found myself remembering. There was no other way for us to be at peace. Closure, that's what we need."