Chapter 9: Charlie.

64 12 0
                                    

Chapter 9: "Charlie"

SKY's POV

Tanging tunog lamang ng kutsara at tinidor na tumatama sa babasaging plato ang naririnig ko dito sa dining area. Nag-eecho yun sa laki ba naman nitong lugar na ito. At higit sa lahat ako lang rin namang mag-isang kumakain dito. Naturingang mansion wala namang masyadong tao. Sanay naman akong kumain ng mag-isa at hindi na bago sakin ang kumain ng walang kasama. Puro mga kasambahay lang ang mga kasama ko ngayon.

It's been 2 weeks after that encounter I had with my Dad. Nagising nalang akong wala sila ni Mom kasi may out of the country conference silang kailangang iattend and they'll be gone for 3 weeks. So obviously kaya ako lang ang nandito, si Kuya naman nag out of town kasama ang mga kaibigan niya.

Nakabalik na rin sa kanya-kanyang mga bakasyon ang mga kaibigan ko. Sa pagbalik nila siya namang alis ni Sophia Athena. My best friend and her family went to Canada, they'll stay there for 3 weeks too, but she promised me even if she don't really have to, she said she'll call me when she have time or when she have nothing to do.

                                                                             

"Ma'am andito po sina ma'am Alexis." Napapikit ako ng mariin. Hindi ba talaga sila makahintay hanggang sa pasukan?

Ininom ko na ang pineapple juice ko. At nilingon si Tere.  "Tere pwede ikaw na ang magligpit nito?" tanong ko sakanya, ngumiti naman ito sa akin.

"Opo ma'am, ako na pong bahala diyan. Andun nga po pala sila sa sala."

"Sige salamat." At pumunta na nga ako sa sala at naabutan sila Alexis, Rianne, at Laurine. Bat kulang ng tatlo to?

"Oh? Bat kulang kayo?" Tanong ko sakanila at umupo sa sofa katabi ni Alexis.

"Yun nga ang ipinunta namin dito eh." Malungkot na sabi ni Laurine. Si Rianne naman parang ang lalim ng iniisip. Si Alexis mukhang galit.

"Can't you just tell me what's going on?" Walang kagana-gana kong tanong sakanila.

"Nasa condo ni Nique yung dalawa." Sabi ni Alexis na parang pinipigilan ang galit niya.

"Oh, ayun naman pala nasa condo ni Nique ang dalawa, bat dito kayo pumunta?" Wala talaga ako sa mood.

"Andun sila para pigilang magpakamatay ang pinsan mo." Seryosong sab ni Rianne sakin. At naramdaman kong ang kanina'y walang mood na aura ko ay biglang nag-iba. Naghalo ang kaba at galit. Bakit naman iisipin ni Nique na magpakamatay?

"Kaya kami nandito para sunduin ka." Nakatingin ng deretso na sabi ni Laurine sakin. Tumayo na ako. "Make sure you'll tell me everything I have to know while we're on our way to her condo." Pinipigilan kong wag mag tunog galit ang boses ko. Tumango naman silang tatlo, at lumabas na rin kami.

Si Rianne ang magmamaneho kasi kotse niya ito. Nasa passenger seat naman si Laurine at kaming dalawa ni Alexis sa back seat.

Nilingon ako ni Laurine. "Alam mo naman siguro na may boyfriend si Nique diba?" Umiling ako. Wala naman siyang nababanggit sakin, so meron pala? "No doubt alam niya na sigurong mangyayari to kaya hindi niya pinaalam sayo." Sabi ni Laurine na parang mas sinasabi niya iyon sa kanyang sarili.

"May boyfriend siya, si Ron. That guy is a manwhore. " Nag-init ang ulo ko sa narinig.

"What the hell did you just said?! Why would she go for that filthy guy?" Nanggagalaiting tanong ko sakanya.

Closure (That's What We Need.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon