Chapter 5: Flashback #1.

69 13 1
                                    

Chapter 5: Flashback #1.

NIQUE's POV

Hi! It's me again the ever unique Nique Andrade Santillian. Tinatanong niyo ako kung asan ako?

Well nasa loob ng sasakyan sa may front seat at papunta kameng mall ngayon.

Nilingon ko ang katabi ko. Ang tahimik niya samantala ang lima sa backseat nag-iingay.

"Hi Haters! Kiss! Kiss! I'll see you later. Hi Haters, it was very very very nice to meet you." Kanta nilang lima.

Sinilip ko ang kalangitan. Wala namang signs na uulan. Nilingon ko ulit ang katabi ko.

"Ang tahimik mo." Bulong ko sa kanya.

"May iniisip lang ako." Sagot niya ng hindi lumilingon sakin.

"Ano namang iniisip mo?" Tanong ko sakanya.

"Hindi ano kundi sino." Sagot niya. Hindi pa rin talaga ako nililingon. Sino?! Sino? Don't tell me--

"Si Sophia" Aba't mind reader ba to? Sinagot ba naman ang iniisip ko eh. Akala ko tuloy si ano, si ano-- naku never mind.

"Dapat nga lang na isipin mo siya. Nagtatampo yun sayo, umalis ka ng hindi nagpapaalam. Nakalimutan mo ata. Siya ang best friend mo. Kahit sa kanya man lang nagpaalam ka sana." Totoo ang sinabi ko. Kahit sino namang best friend diba magtatampo sa ginawa niya.

"I know may mali rin ako. Pupuntahan ko siya bukas." Sabi niya naman at ramdam kong nalulungkot siya marahil ay natatakot kung anong magiging reaction ng best friend niya pag nakita na siya.

"That's a good idea. Ibibigay ko sayo ang address niya mamaya pati na rin ang number niya." Ang ganda ng ngiti ko nung sinabi ko yun sa kanya.

"Mmm. Salamat." Ngumiti siya ng pilit. Kelan kaya siya ulit ngingiti ng totoong ngiti? (Sigh)

"Mga hija andito na tayo."Sabi ni Mang Ernesto, driver nila Sky. Matagal na yang naninilbihan sa kanila, mga baby palang kami ay nagtatrabaho na raw yang si Mang Ernesto sa kanila, pati na rin si Manang.

"Yey! Finally! Thank you manong!" Biglang sigaw ni Rianne. Pambihira, excited eh. Paano naman kasi libre. Bumaba na yung lima. Tsaka naman nagsalita si Sky.

"Sige po manong salamat sa paghahatid, ipapatawag ko na lang po kayo kung magpapasundo na kame." Hindi man nababahiran ng emosyon ramdam ko pa ring mataas ang respeto ni Sky kay Mang Ernesto.

"Sige hija, ingat kayo." Nakangiting sambit ni mang Ernesto.

"Ingat rin po kayo" At bumaba na rin kame ni Sky.

"Oh tara na waldasin na natin yang pera mo." Excited na sabi ni Mawie kay Sky. Nilingon ni Sky si Mawie using her oh-so-famous-poker-face.

"Marami pang oras wag kang magmadali." Sita ni Sky sa kanya. Umirap lamang si Mawie.

"Sige na tara na, pumasok na tayo nang makabili na." Naku kung di pa ako magsasalita magtatagal pa kami dito sa labas.

SKY's POV

"Yung una nating bibilhin ay yung kay Rianne. Tapos kay Mawie--"

"Bat siya ang kasunod ko?" Biglang singit ni Rianne. Ang arte talaga. Kung pwedeng manapak ng kaibigan baka ginawa ko na bago ko pa man mabili yong ipapabili niya. Bwiset.

"Sunod yung kay Laurine, Kathe, Alexis and Nique. Ganon yung sequence. Walang tututol dahil ako ang magbabayad." Pagpapatuloy ko sa sinasabi ko na naputol kanina dahil kay Rianne. Naisip ko na ang pagkakasunod-sunod na iyon kanina habang nasa kotse palang kami. Ayokong sila ang mag-unahan sa pagpili kung sino ang mauna dahil mauubos ang oras namin kung hahayaan ko sila.

Closure (That's What We Need.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon