CHAPTER 8 : Mr. Evangelista
SKY’s POV
“Hello?” Sinagot ko yung cellphone kong kanina pang nagriring.
“Bhest! Bat ngayon mo lang sinagot ang tawag ko?” Si Sophia pala.
“Nakatulog ako pag-kauwi ko kanina. Bat ka napatawag?”Inaantok pa rin ako, kakauwi ko lang kanina galing sa unit ni Sophia at hinatid siya sa bahay nila.
“I just wanted to make sure na nakauwi ka nang maayos, and I guess that’s confirmed already. Sige matulog ka na ulit, sorry to wake you up. I love you, bye.” Then she hang up.
“Matulog ulit? Paano?! Nagising na ako eh. Tapos binabaan pa ako.” >___< Bumangon na ako and rested my back into the headboard of my bed.
Tiningnan ko naman ang relo ko. “11am. Sinadya talaga akong gisingin ng babaeng yun.” -__-
Bat nga ba ako puyat?
One week staying with my bestfriend is not that bad at all. As she promised may list of things naman talaga siya ng mga gagawin namin. First day ay nag mall kami, samahan ko raw siyang mamili ng supply niya sa condo for this month to next, pero bago kami pumunta sa grocery eh nagpumilit pa muna siya na mag ‘Dance Revo’ kami.
FLASHBACK
“Bhest sige na! Please?” Nakapout na sabi sakin ni Sophia.Nasa mall kami ngayon, ang sabi niya kasi samahan ko siya na magrocery, pero heto siya ngayon at hinihila ako papunta sa ‘Dance Revo’. “Ayoko ng maging center of attraction bhest.” Naalala ko kasi yung nilbre ko sina Nique halos dumugin kame ng mga tao non, habang nagda- dance revo kami. “Ang daya mo naman eh!Sila Nique pinagbigyan mo tapos ako hindi? Hustisya naman oh!” Pagrereklamo niya tsk!. How can I possibly resist this best friend of mine? I rolled my eyes at her.
“Oo na! Oo na! Punta na tayo dun. Ikaw magbayad, ikaw may gusto nito!” napilitan na ako. Nakakainis, binigyan niya lang ako ng isang ngiti.
May sumasayaw pa nung nasa tapat na kami ng machine.
Binulungan naman ako ni Sophia. “We can do better than that.” Tukoy niya sa dalawang babae na di pa tapos sa kakatapak doon without any rhythm. “Tss..Ang hangin.” Kontra ko naman sakanya, but there’s no doubt about it. My best friend here along with Nique, Alexis, and Kathe are one hell of a dancer.
Napangiti ako nung tapos na ang dalawang babae, at nakita ko kung paano nila kaming tignan. Tinaasan pa kame ng kilay, aba’t naghahanap ba sila ng gulo?
Nagtinginan naman kami ni Sophia. Then I shrugged. “Ready?” Tanong niya sakin.
“Ready as I’ll ever be.” I answered her. “Cool, let’s do this then.” Tumango naman ako. And we started to dance like nobody’s watching.
“Wow! Ang galing nila!”
“Oo nga! Go mga ate na naka-hoody! Ang galing niyo!” Naka-hoody? Oo nga pala naka-hoody kami ni Sophia.
“Para akong nanonood ng step up! Dalawa lang sila pero para na silang ‘The Mob’!”
Marami pang iba ang naghihiyawan at nagbubulungan na akala mo di namin sila naririnig.
BINABASA MO ANG
Closure (That's What We Need.)
Romance"I thought it was the end, but t'was only the beginning. I thought I could just forget, but I found myself remembering. There was no other way for us to be at peace. Closure, that's what we need."