AUTHOR's NOTE: Yey! It's been what? 123456789 years? Sa mga naghihintay ng update, kung meron man po, salamat sa suporta. Naging busy rin ang beauty ko kaya ngayon lang nakapag-update. Hope you like it.
Chapter 43: Love-drive.
SOPHIA's POV
"Everything is ready. Tayo nalang ang hinihintay." Dinig kong sambit ni Sky. Napalingon ako sakanya, ngunit naabutan ko siyang nakatingin lang sa kanyang cellphone, mukha na namang wala sa sarili habang nakatingin doon matapos niyang magsalita. Natapos na rin namin ang mga kailangan naming tapusin. Natapos na rin ang practice namin sa masquerade dance kaya hinihintay nalang namin ang sasakyan na gagamitin papunta sa venue ng love-drive.
"Yey, I'm excited! Alam mo ba Sky sa tuwing pumupunta kami doon, lagi kang itinatanong ng mga bata sa amin." Masayang turan ni Kathe, na mukhang di naman ata narinig ni Sky dahil nakatulala lang ito sa cellphone niya. Ano na naman kaya ang iniisip niyan ? Hindi siguro ano, kundi sino ? Malamang si Ash. Alam ko namang di na naalis sa isip niya ang taong yon simula nong una nilang pagkikita. Alam kong kagabi ay naalala niya ang gabing iyon kung kailan naging sila. Alam ko, dahil binabantayan ko lang siya kagabi, nahuli ko siyang nakangiti habang nakapikit habang nakaplay ang video. Nakapikit lang siya, at napakatagal non. Mas natuwa nga ako ng dumilat siya nakangiti pa rin siya, kaya di ko napigilang tuksuhin siya kagabi. Pero para naman siyang wala sa sarili ngayon. Ano kaya ang nangyari?
"Huy, Sky! Ano ba? Nakikinig ka ba?" Napabaling sakanya si Sky ng sa wakas ay marinig siya nito.
"May sinasabi ka?" Wala sa sariling sambit nito. Lumapit ako kay Sky at inakbayan siya.
"Could you give us a moment please." Paumanhin ko tsaka hinila palayo ang bestfriend ko sa mga nagtatakang tingin ng mga kasama namin, lalong-lalo na ang tingin ni Kuya Dale.
Sinundot ko ang mukha niya, ngunit wala man lang siyang naging reaksyon. Nakatingin lang siya ng diretso sa harapan.
"Ano nagdadalawang isip ka na bang sumama?" Tanong ko ng di man lang inaalis ang pagkakaakbay sakanya. Ramdam kong napabuga siya ng hangin.
"Gusto kong sumama Sophia. Hindi naman ako nagdadalawang isip." Seryoso niyang sabi.
"Kung ganon naman pala, eh anong inaarte mo diyan?" Asik ko at humiwalay sa kanya. Sumimangot ito, napapadalas na atang magkaron ng ekspresyon ang mukha ng isang to ah. Hindi naman na iyon kataka-taka. It's the Ash Allister effect to Sky Venice.
"Hindi naman ako umaarte." Kunot-noong sambit niya.
"Anong tawag diyan? Natatae ganon? Umayos ka ah, bago ko pa isipin na---"
"Na ano? Di ba pwedeng kulang lang ako sa tulog bhest? Nakakalimutan mo na bang wala kayong ibang ginawa kundi ang magkwentuhan kagabi kaya halos di ako makatulog?" Natawa ako sa mga sinabi niya. Himbing na himbing ka nga kagabi kaya imposibleng kulang ka sa tulog. Hmp!
"Sinisi mo pa kami. FYI you slept well my dear. Ang ayos-ayos pa nga ng mood mo kaninang umaga eh. Akalain mo yon? Nakangiti ka ng gumising ka kanina. Umamin ka nalang kasi, may gusto kang makita kaya ka nagkakaganyan." Tukso ko sakanya. Sinundot ko pa siya sa tagiliran na talagang iniwasan niya. Galit na siyang nakatingin sa akin. She's definitely confused this time. Hindi niya pa naiintindihan kung anong nangyayari sa kanya sa ngayon, kung bakit nagkakagulo ang sistema niya. Hindi niya pa naiintindihan kasi di pa siya dumadating sa punto kung saan kailangan niyang tanggapin na hindi nalang galit ang nararamdaman niya para kay Ash. At kung dumating man ang araw na iyon, magpapamisa talaga ako.
BINABASA MO ANG
Closure (That's What We Need.)
Romance"I thought it was the end, but t'was only the beginning. I thought I could just forget, but I found myself remembering. There was no other way for us to be at peace. Closure, that's what we need."