AUTHOR'S NOTE: I told ya matagal ang update. Eh eto na eto na magbasa ka na:*
Happy mothers day sa Nanay mo at Nanay ko:)
Enjoyyy:*
Chapter 37: Her Boyfriend.
SKY's POV
Tahimik akong kumakain sa dining area. It's 6am in the morning. Nagising ako ng maaga at hindi na ako makatulog ulit. Paniguradong mamaya sa school ay babawi ako.
"Sky, hindi ba masarap ang kinakain mo?" Napalingon ako kay Tere na siyang kasabay ko sa pagkain. Umiling naman ako bilang sagot.
"Hindi ko lang talaga ugali ang magsalita sa twing kakain ako. Pasensiya ka na. By the way masarap itong niluto mo." Blangko ang mukha na sabi ko sakanya. Nakangiti at napapatango naman siya ng marinig iyon.
"Goodmorning Hijo." Narinig ko iyong bati ni Manang.
"Goodmorning din po Manang." Magalang na bati pabalik ni Kuya.
"Halika, sabayan mo na sa pagkain itong dalawa." Yaya sakanya ni Manang. Ramdam ko namang lumapit siya sa gawi ko. Binigyan niya ako ng halik sa ulo.
"You're up so early." Halata sa pananalita niyang inaantok pa siya. Noon ko lang rin napansin na nakaligo na ito at nakasuot na ng formal na damit na ginagamit niya sa twing pupunta sa work niya.
"I'm asking myself too. My class is at 10 am but I'm up so early, Mom would be very proud." Nababagot kong sabi. Natawa naman siya.
"Mm, she might even cook a lot of food to celebrate that." Tumawa siya na sinabayan nina Tere at manang. Habang ako ay nanatiling bagot habang isinusubo ang pagkain.
"Anong oras ang klase mo?" Tanong ko kay Tere na agad namang nanlaki ang mga mata. Wala namang mali sa tanong ko diba?
"Ah—eh 8:30. Bat mo natanong?" Nagtataka talaga siya.
"Sumabay ka na sa akin." Napanganga naman siyang tumingin sa akin. It will be her first time to go to school with me. Lalong-lalo na at sasakay pa siya sa kotse ko.
"Seryoso? Pasasakayin mo ko sa kotse mo?" Hindi talaga makapaniwalang tanong niya. Tumango ako tsaka ininom ang juice ko.
"Just tell me when you're ready. Aakyat muna ako, naron pa kasi ang mga gamit ko sa kwarto." Tumayo ako sa pagkakaupo at nagsimula ng maglakad paalis ng dining área.
"Sky." Tawag sakin ni Kuya.
"Yes Kuya?" Tanong ko ng hindi man lang humaharap sakanya.
"Pakicheck naman if your Ate Denice is awake. Thank you."
"Mmm." Sagot ko nalang at tsaka nagpatuloy sa paglalakad.
Masyadong tahimik ang mansyon. Paniguradong tulog pa sina Mom at Dad. Masyado pa talagang maaga. Kahit nga siguro si Ate ay tulog pa. But I know she have work today kaya gaya ni Kuya ay maaga rin yong nagising.
Napahinto ako sa harap ng kwarto niya. Kumatok ako bago pumasok.
Hindi ako nagsalita sumandal lamang ako sa pinto ng kwarto niya.
"Oh? I thought your class is at 10am?" Ang mukha niya ay puno ng pagtataka. Alam niya ang Schedule ko dahil kung hindi si Mommy ay siya ang nagpapaalala sa akin na kumain lagi sa tamang oras. I have nothing against that, but isn't it obvious for them that I'm old enought to be reminded?
BINABASA MO ANG
Closure (That's What We Need.)
Romance"I thought it was the end, but t'was only the beginning. I thought I could just forget, but I found myself remembering. There was no other way for us to be at peace. Closure, that's what we need."