Chapter 26: Good Girls Gone Mad.

36 9 0
                                    

Chapter 26: Good Girls Gone Mad.

                    

SKY's POV

                      

Naglalakad na kami papunta sa taong nanakit kay Mawie ang kaso ay di naman namin alam kung anong Department yon.

                                 

"Hindi ka talaga magsasalita?" Naiinis na talagang tanong ni Nique kay Mawie.

Hindi pa rin kasi ito nagsasalita simula ng umalis kami kanina sa canteen.

At isa lang ang tinatanong ni Nique sa kanya, kung anong Department ba ang lalaki.

"Mawie, isa! Hindi ka talaga mag-sasalita?" Nagbabanta ng sabi ni Alexis.

Umiling lamang si Mawie sakanya.

"Iuwi mo na to Laurine." Sabi ko kay Laurine na hindi inaalis ang tingin kay Mawie na nakayuko lamang.

"Bhest, pag papauwiin mo yan di natin malalaman kung saang department talaga yun pumapasok." Agad na pagtanggi ni Sophia sa akin.

"Hindi tayo ang pupunta sa lalaking yon." Sabi ko at nagkatinginan naman silang lahat, at muli ay itinuon ang atensiyon sa akin.

"Anong plano yan?" Curious na tanong ni Kathe sa akin namumungay pa ang mga mata.

Tumingin muna ako sa direksiyon ni Mawie at inilabas ang cellphone niya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ito.

"Pano napunta sayo yan?" Gulat na tanong niya.

"Nalilinlang kasi ang mga broken hearted. Kanina ko pa nakuha to sayo." I said it while smirking at her, sinamaan niya naman ako ng tingin.

Chineck ko na rin ang phone niya kanina pa.

May mga txt messages na nagtatanong kung asan siya kaya napagtanto ko ang lalaki yon.

Pero bat niya pa hinahanap si Mawie? Para sabihin sakanya na titigil na siya sa panliligaw rito?

"Ay! Ang talino mo talaga pretty cousin, c'mon I'll take it from here." Excited na sabi ni Nique at hinablot sa kamay ko ang cellphone ni Mawie.

"Kung ano man yang binabalak niyo, wag niyo ng ituloy." Bulyaw sa amin ni Mawie pero tinignan lang namin siya.

"Ano nga bang balak niyo?" Sabay na tanong ni Rianne at Laurine.

"Siya ang pupunta sa atin." Sabi ko, kaya nagsipag-tanguhan sila habang may nakapaskil na nakakalokong ngiti sa mga labi.

"Nique." Tawag ni Sophia.

"Yes, sister?" Hindi maalis-alis ang excitement ni Nique.

"Magcostume muna tayo." Sagot niya kay Nique na ikinataka  ko naman.

"What?" Nakakunot ang noong tanong ko.

"Biro lang, to naman." Agad na sabi ni Sophia at inakbayan ako.

Hindi ko na siya pinansin.

"Ano saan natin papupuntahin yung gagong yun?" Galit na saad ni Kathe.

 

"Dapat yung walang tao." Suhestiyon ni Rianne.

 

"Tama, dapat tayo lang ang nakakaalam." Dagdag naman ni Alexis.

"So saan?" Tanong ni Laurine.

Closure (That's What We Need.)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon