Chapter 25: Flashback #3
SKY's POV
"Mawie wag mo munang sagutin yang manliligaw mo huh." Dinig kong sabi ni Nique kay Mawie na nakatulala lang sa cellphone niya.
"Tandaan mo, ipapakilala mo pa siya sa amin." Dagdag ni Rianne.
"Manlilibre muna siya sa amin ng pizza. Tig-iisang box kame." Saad naman ni Alexis na kasalukuyang kumakain ng pizza.
"Strict ang parents mo." Sabi ni Kathe.
Pero parang walang naririnig si Mawie.
"Strict rin yung aso mo." Ani Laurine.
"Mawie nakikinig ka ba?" Bulyaw ni Rianne sakanya pero wala pa rin itong imik.
"Ay, bingi-bingihan?" Saad ni Kathe.
Siniko ako ni Sophia kaya napalingon ako sakanya.
"Mmm?"
"Wala sa sarili." Tsaka niya tinuro si Mawie.
Halata nga eh, mauubos nalang namin ang mga inorder namin hindi pa rin ginagalaw ni Mawie ang pagkain niya.
"Baka naglakbay sa kawalan." Sabi ko nalang.
Mas lalo niya tuloy nilakasan ang pagsiko sakin.
"Aray!" Sabi ko sabay himas sa braso kong siniko niya.
"Wala ka talagang kwentang kausap." Naiirita niya talagang sabi.
"Mana sayo." Sabi ko at sinamaan niya na naman ako ng tingin.
"Mawie, hoy! Ano ba! Bingi ka na ngayon?" Bulyaw ni Alexis kay Mawie. Mukhang malalim talaga ang iniisip niya.
"Mawie." Tawag ko sakanya, dun lang umangat ang ulo niya at tumingin sa direksiyon ko.
"Masyadong malalim ang iniisip mo, baka malunod ka." Pero ngumiti lang siya.
"Marunong akong lumangoy Sky." May pagdidiin na sabi niya.
"You're falling." I said with a smirk.
At nagsitahimik ang mga kasama namin sa mesa.
"Of course not." Daglian niyang sabi ng makabawi sa pagkagulat sa sinabi ko.
"Kung gusto mo kaming makumbinsi sa sinasabi mo, then show it to us." Hamon ko sakanya.
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Nahulog ka na?! Ang pangit nga non eh, enebenemen yen!" Tatawa-tawang sabi ni Alexis.
"It's not about the looks Alexis, it's about what you feel for each other." Pagtatanggol ni Mawie sa lalaki.
Inamin niya na rin na may nararamdaman na siya para sa lalaki na iyon. I can read between the lines though.
"Mawie." Tawag sakanya ni Sophia.
"Ano?" Inosenteng tanong ni Mawie.
"You've fallen to that guy already. Hard." Pailing-iling na sabi ni Sophia.
"Wag ka ngang denial." Sabi ni Nique.
BINABASA MO ANG
Closure (That's What We Need.)
Romance"I thought it was the end, but t'was only the beginning. I thought I could just forget, but I found myself remembering. There was no other way for us to be at peace. Closure, that's what we need."