Chapter 12: Love Note.
SOPHIA’s POV
Kumakain na kami ngayon ng lunch.
Yes, biglaan kasi ang meeting ng lahat ng officials’ ng University. Kaya hindi na nagmeet sa amin ang professor namin for the next subject. First day palang naman eh,kaya ayos lang. Dalawa lang rin kasi ang klase namin for Monday. Kaya free na kami ni Sky buong hapon. At dahil nga sa nilandi ni Nique ang admin ay pareho kaming lahat ng schedule.
Tahimik namang kumakain si Sky sa tabi ko, at mukha siyang balisa, pagkatapos niyang tawagan si Tita Heaven kanina ay para na siyang di mapakali.
Hindi siguro nahahalata ng iba pero I know her too well. I know when she’s bothered. But I don’t want to intervene. Magsasabi yan pag gusto niya, at pag kailangan na.
I just hope and pray it won’t harm her.
“Sophie may dumi ba ako sa mukha?” nakakunot noong tanong ni Sky, na narinig ng mga kasama namin dito sa table at napahinto sa pagsubo at lumingon lahat sakanya.
Tinignan ko naman ng mabuti ang mukha niya. Wala namang dumi, ano na namang inaarte nito?
“Wala naman, hindi ka naman makalat kung kumain, kaya mukhang head turner ka pa rin.” Nakangiting sagot ko sakanya. Sinamaan niya naman ako ng tingin ng mapagtantong tumango-tango ang mga kasama namin dahil sumasang-ayon sila sa sinabi ko sakanya.
She won’t approve with that I know, she don’t take compliments kasi.
“Isa lang ang tanong ko, ang dami mo ng sinabi.” Pabalang na sabi nito sa akin, wearing her signature no-expression face.
“Sus! Bat kasi ang ganda mo?” Tanong sakanya ni Nique.
“Selos ka Nique?” Asar ni Rianne sakanya.
“Eh ikaw Faith anong sabi ng ganda mo sa ganda ni Sky?” Balik tanong ni Nique kay Rianne. Napasimangot tuloy yung isa. Ang lakas talagang mang-asar ng isang to.
“Ano ba! Para walang away tayong lahat nalang ang maganda. Pero syempre ako yung pinaka.” Sabat ni Laurine. Hindi naman makapal ang mukha niya no?
“Ang kapal ng mukha mo! Mas maganda ako sayo no!” Bulyaw naman ni Aexis sakanya.
Napapailing na lamang ako habang nakikinig sakanila. At nilingon si Sky na nakakunot na naman ang noo.
“Alam mo pag di ka titigil kakakunot ng noo mo diyan, iisipin ko na talagang constipated ka.” Napa-straight face siya. Sinabi ko bang di niya kailangan ang compliments? Binabawi ko na.
“Umuwi na tayo pagkatapos nito.” Tukoy niya sa lunch. Oh? Bakit parang ramdam ko ang uneasiness niya. Hindi siya mapakali alam ko yun, pero anong dahilan kung bakit siya nagkakaganyan?
Narinig ata siya ni Mawie kaya binalingan siya nito.
“No Sky we’re not going home yet after this.” Nakangising sabi niya kay Sky.
“If you’re going shopping after this, I won’t go kayo na---”
“No we’re not, we’re just going to stay here Bhest.” Pagputol ko sakanya. Kaya napalingon naman siya sakin. Tinanguan naman ako ni Mawie pahiwatig na ako na ang bahala kay Sky dahil alam niyang di siya uubra dito.
BINABASA MO ANG
Closure (That's What We Need.)
Romance"I thought it was the end, but t'was only the beginning. I thought I could just forget, but I found myself remembering. There was no other way for us to be at peace. Closure, that's what we need."